Kath's POV
Di na ako umimik dahil baka makasampal na naman ako ng hagut.Napakasinungaling nila nakakaasar.Pati ba naman mga kaibigan ko di nila palalagpAsin?huh,pati si Daniel,chansingan.Di ko nga alam kung bakit ko yun ginawa eh.Basta naiinis na ako.
Marami akong nareceive na mga text message
Okay ka lang bes?
Sabihin mo lahat ng totoo ha pag andiyan na kayo sa office
Wag mo na lang patulan Kath,ako na ang kakalbo diyang sa kanila..
Kath,iba ka pala magalit!okay ka lang ba!nasaktan ka!
Kath sorry ha ng dahil sa amin napahamak ka
Kath,bibigyan namin yun ng leksiyon wag kang mag alala
Bakit di mo pinag tanggol sarili mo kanina?okay ka lang ba diyan?ingat ka diyan ha
Ayos ka lang ba diyan Kath?pag may ginawa ulit sila sayong masama bugbugin mo na
Kath,mas maganda ka sa kanila wag kang mag alala
Awwww na aapraciate ko talaga yung mga kaibigan ko eh..kaya napangiti na lang ako.nag gm na lang ako sa kanila
"Dont worry guys,okay lang ako basta andiyan kayo.Wag kayong mag alala,ang KARMA ay parang teleserye lang yan..kung hindi ngayon,abangan bukas haha sige na bye..kakausapin pa kami eh"
Text ko sa kanila at tinago na sa bulsa.Andito na kami sa office nakaupo at iniintay na lang si maam
"Huh!!ano sa tingin mo mananalo ka Kath?tss may kaibigan ka lang."sabi ni Julia
Di ko na lang inimikan baka mabasag ko pa bungo nito eh.wag niyang ni la lang lang ang kaibigan.
Dumating na rin si maam sa wakas.Masyado na akong binabanas eh
"Okay anong nangyari?"tanong ni maam.mag sasalita na sana ako ng biglang nag salita si Janel
"Maam kasi po,hindi po namin alam kung bakit kami sinampal ni Kathryn eh wala naman po kaming ginagawang masama kay Kath"sabi ni Janel na nag papaawa
Aba!at napakasinungaling niya.Mag sasalita na ulit sana ako ng biglang nag salita naman si Julia.Kailan ko ba maipagtatanggol ang sarili ko?
"Tapos po sinabihan niya pa po kami ng malandi at sinabing desperada dahil buntot daw po kami ng buntot sa mga boys"sabi niya na parang paiyak na.TANG INA SILA.SINUNGALING.nakakainis mga napakasinungaling.Hindi naman ganun nangyari eh binabaliktad nila ang sitwasyon
"Pero maam,sila po kasi yung nauna..pinag tanggol ko lang naman po ang aking mga kaibigan.Sila po yung nauna at kung ano anong binato sa akin at sa mga kaibigan ko ng masasamang salita.Napuno lang po ako kaya nagawa kong sampalin sila dahil sumosobra na sila"pag tatanggol ko sa sarili ko.Hirap talaga pag mag isa ka lang
"Pero sa tingin mo ba dapat mong saktan sila?alam mo bang pwede kang bigyan ng kaso ng mga magulang nila dahil sa ginawa mo?"sabi ni maam nagulat ako dun at napatingin kala Liza at naka smirk.Sarap talagang kalbuhin
"P-pero maam,sila po yung unang nanampal"sabi ko
"Oo kami nga pero isa lang yun pero yung sayo dalawa.At ang sakit.Maam binuhusan pa nga po niya kami ng juice eh"sabi ni Liza
Nakakainis.Di na lang ako umimik.Kahit umimik naman ako,di lang nila ako paniniwalaan tsk
"So ano?anong gusto niyong gawin dito?dahil ikaw Kath ang nauna daw,at sinaktan mo sila..mamili ka bibigyan ka ng kaso o gagawin mo ang iuutos nila?"sabi ni maam at nag cross arm
BINABASA MO ANG
Play Boy Meets Bad Girl(Parking Five And Kathryn)
Teen FictionNaranasan niyo na bang mainlove?pero nag simula sa awayan,bangayan,asaran at kung ano ano pa.Ang hindi din natin alam..habang tumatagal ng tumatagal ang samahan,unti unti tayong nadedevelop at dun natin marerealize na..mahal ko na siya..pero sabi ng...