Chapter 1- Kemeng Magtropa.

18 0 0
                                    

Sharina POV.

“Shot pa dude!” sabi ng barkada ni Jacob. Nag iinuman sila ngayon sa bahay ng isa naming kagrupo. Ganyan talaga sila pag may kakatapos lang na group project.Tapos na nga ba? Hahaha. Inuman ang drama ng barkada nya. Nagkataon nga naman na nandito ako dahil ako ang leader. Kamalas malasan nga naman. 

“Oy Sharina, hindi ka ba iinom?” alok ni Jacob .

“Di naman ako nainom eh.” Tanggi ko, malay ko nga ba naman na uminom. Haler! Good girl kaya itoh.

“Ah sige. Kuha mo na lang kami ng pagkain sa loob.” Damn! Ano ako alalay? Mapag utos. Hmmp. Nagawa nyang utusan si Sharina Camille Mendez! Nakakasura naman. Aapat lang naman silang nag iinom kung makapulutan naman, wagas! Si Jacob, Arthur, Lindon at Luke. Basta nagkasama sama ang mga yan. Nako,nako. Itago  nyo ang fridge at mini bar nyo sa bahay. Lalantakan yan ng mga yan! 

“Oh, Eto na po mga senyoritong tomador!” ako.

“Gwapo naman naming tomador!” Si Arthur.

“Hoy!! Mr. Arthur Madrigal, anong kabaliwan yang pinagsasabi mo ha?” Si Karen Torres yan. Gilpren nya. Kahit busing-busy sa pag tatype si Karen ng para sa project ee pakinig nya ang labidabs nya. Ganito kasi ang set up namin, ung apat na guys e ayun nandun sa may veranda sa terrace ng second floor. Kami naman na mga girls, eh nasa may sala which is katapat lang ng veranda. So ayun, apat kaming mga babae na kasama ng damuhong mga lalaki yan. Si Hina, Karen, Dinesha and ako. Bahay to nina Dinesha Mae Corpuz, mayaman tong gagang toh. And we are really best of friends! Don't get me wrong, di pera habol ko jan. Actually pareho lang ng buisness ang family namin.

“Babe naman, kita naman ang ebidensya di ba?” Pasigaw na sabi ni Artur kay Karen. Ayan may toma na tong gagong toh! 

“Lindon, that's enough. Youre already drunk.” Utos ni Hina Ricafort na isang half Filipino, ¼ japanese and ¼ american sa kanyang masugid na manliligaw na si Lindon Jimenez. 

“May magagawa pa ba ako, eh sinabi ng future girlfriend ko!” Biro ni Lindon, sabay lagok na hawak na alak.

 “Aba ang chessy naman nyo! Kainggit naman. Hehe” Si Luke Ramiro yan, napakatorpe ba naman nya. 

“May nagpaparinig dito oh, Dinesha!” Sabat naman ni Jacob. Naks! “Hoy! Jacob, wag kang paulaga ulaga jan! Papalapa kita sa aso namin e.” Asar na sagot ni Dinesha. 

“Aba aba! Ano kayo sinuswerte? Nagpapakahirap kaming mga babae dito, Nagpapakasarap kayo jan? Aba naman.” Sabi ko na may kasama pang pagtayo at pamemeywang. 

“Chill Dude. Anong malay namin dyan. Ee kayo naman ang nireregla ah?!” Katwiran ni Jaoob. Tama naman sya doon, About kasi sa Menstruation cycle ang nabunot namin na topic at syang gagawing research paper. “Well may point ka jan.” sagot ko na lang at muling naupo. “Ulagain naman kasi prof. Natin. Papagawa ba naman ng research paper ee hindi yung suited for guys and girls.” Singit ni lindon.

 “Hmp. If I know that even if it is not about the Menstruation thing. You will do the same like now.” Mataray na sabi ni Hina. WaaaH! Ang cute nya talaga pag umiirap sya! Singkit na singkit kasi ee. Anime na anime sya ee. 

Nang madako ang mata ko sa may hagdanan. Nakita ko si Karen at Arthur na magkatabi. Heheh. Ang bilis talaga nitong magsyotang to pumuslit. Ni hindi ko man lang napansin ee. Si Dinesha na ang nagtatype ngayon. Kaya lumapit si Luke para mang usisa. Si Hina ayun nasa may kabilang sofa at katabi nya si Lindon. Nagkukulitan sila. Para tuloy akong nanunuod ng anime! Bagay na bagay sila. Tumayo ako para ipakita ung draft nung research kay Jacob na nasa veranda parin. Puro lambingan na kasi ung nakikita ko sa paligid ng sala ee. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forget me, Go!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon