Prologue
Ako si Siera.
Abnormal.
Ignorante.
Makulit.
Walang magawa sa buhay.
Baliw.
Epal.
Panira ng araw.
Tililing.
Pa-FC.
Puno ng kalokohan.
Di nauubusan ng mga trip.
Kapatid ni kamalasan.
At merong super duper uber ultra mega raised to infinity kulit hormones sa katawan.
Yan. Ako yan. Kumbaga pag may narinig silang isa sa mga word na yan, maiisip agad nila na...
'Ay, si Siera.'
'Hahaha. Naalala ko tuloy si Siera.'
'Reminds me of Siera.'
'Si Siera na yan.'
'Si Siera, hahaha!'
Sobrang famous ko na diba? Wala ba silang confidence para isigaw sa buong world ang sarili nilang pangalan at kailangan pa talaga na pangalan ko? Tsk. Tsk. Tsk. Basta ako, I am confidently beautiful with my name. Huh!
Ako si Siera Lizette Perez. Oh diba? Bongacious! Kaso ayoko nung Lizette masyadong, you know... What do you call this?... Uhmmm... It's so... Because...?????... It's so sosyalin and I am not that sosyalin, you know? Hahaha. Kalabaw english, in english carabao english! Omaygaadd!!! I am so intelligent talaga! Like duh??? (ansabe?)
Wala akong lablayf with a F sa dulo. Sabi ko nga, kapatid ako ni kamalasan. Gusto sana eh, kaso wala...
Eh kung tayo nalang kaya bebe kong nagbabasa nito sa wattpad? *0*. Uwi ka na bebe di nako galit. Muah muah muah! Aylabyu bebe ko. Forever na tayo. God gave me you <3 3k4w lh4ng s4p4t nuh. Akuchikuchikuku ang cute ng bebe ko <3 <3 <3
PWEHHH!!! FYI, di ako magiging TBoom! Peksman, mamatay ka man ngayon din, cross my heart, padlock susi, no erase, tapon susi sa bunganga ng buwaya, walang bibitaw hawak kamay di kita iiwan sa paglalakbay, period.
Tama na kaartehan, matutulog muna ako.
Sweet dreams bebe kuh! Dream of me and I'll dream of you! Muah!!!
---*---*---
Ako si Coco.
Gwapo.
Gentleman.
Mabait.
Boyfriend material.
Makadiyos.
Mapagbigay.
Adventurous.
Humble.
Marespeto.
Maeffort.
Perfect.
Yan. Ako yan. Dati. Sabi nila, perpekto daw ako. Pero bakit parang may kulang sa akin? Bakit niya ako binreak ng basta basta lang? Binigay ko naman lahat sa kaniya? May kulang pa ba?
Siya si Krista Gonzaga. Ang babaeng una at huling magpapatibok sa puso ko. Ang babaeng nagpatibok at siyang sumira din nito.
I can't stop thinking of her. She's the reason kung bakit ako umiiyak lagi dati. Kung bakit naging gray ang dating colorful na mundo ko. I gave her everything...
But nothing came back to me.
I tried everything to make her love me back, pero hindi. Aanhin ko ang lahat ng meron ako? Yes, she changed me. But in a bad way.
Ang dating masiyahin, malungkutin na at magalitin.
Ang dating mabait, wala ng pakialam sa mga tao sa paligid niya.
Ang dating maalagain, pabaya na.
Ang dating Coco, nawala na.
Ngayon, ibang Coco na ang makikita niya. Si Cocong masiyahin, nawala na. Ako na ngayon si Jericho Brynne Manansala. Isang bad boy. Walang pakialam, walang sinasanto. No one dares to mess up with me, or else I'm gonna be the one who'll mess up your life.
SO. DON'T. YOU. DARE.
---*---*---
BINABASA MO ANG
Trapped With Him
RandomPaano kapag natrap ka sa isang mundong di mo inaakalang nag eexist pala? Paano kapag nakasama mo pa ay isang lalaking di mo pa kakilala? Paano kapag napunta kayo sa kakaibang mundong kayo lang dalawa ang ordinaryong tao, na may mga makikita kayong k...