Prologue:
Ikaw ang sinasabihan.
Ikaw ang inuutusan.
Ikaw itong palihim na nagmamahal.
Ikaw rin itong nasasaktan.
Galing mo din e noh? Sasang-ayon ka pa kahit alam mong madudurog ang puso mo.
Ito naman oh. Alam ko lahat yun, pero kailangan kong maging matatag para sa bestfriend ko. Kahit iniibig niya ang crush ko, okay lang. Kahit ginagawa akong messenger ng dalawa, ayos lang. Kahit papakainin nila ako ng iti ng manok, gagawin ko. Ganoon ko sila kamahal. Ganoon ako ka tapang!
Kahit nasasaktan ka?
---
"Paki bigay nga nito kay Henry." Yan ang palaging sasabihin ni Lea sa'kin tuwing may ibibigay siyang kung anu-ano kay Henry my krash. Oo, krash ko yung krash niya pero hindi ito alam ni Lea kasi bestfriend ko siya at ayaw ko siyang masaktan kahit nasasaktan na ako.
Masakit isipin na ako yung naging tulay nila tuwing may gusto silang sabihin o ibigay sa isa't-isa. Di rin alam ni krash na krash ko siya, baka kasi ako lang yung maghahadlang ng status nila.
Sabi nga nila, "If you love someone, you have to set him free."
Ansaket pala nito noh? Minsan nga lang tayo umiibig, papakawalan pa.
BINABASA MO ANG
Ang Tulay ng Dalawang Puso
Teen Fiction© 2014 Mahal kita, Mahal mo siya. Mahal ka rin niya. A complicated life story of a girl trying to endure the pain of becoming a cupid between her bestfriend and crush. Sana naman may isang prinsipe na magligtas sa kanya mula sa pagkakalunod sa dagat...