Prologue

119 22 4
                                    




''Aaaaahhh!!!'' dinig na dinig sa kasuluksulukan ng delivery room ang isang babae. mababakas sa magandang mukha nito ang hirap at sakit na dinadanas sa panganganak. sagana pa sa pagtulo ang mga butil ng pawis sa buong mukha at katawan nito.

''Ok, Mrs.. Hinga ng malalim. Inhale, Exhale! Push!!''

''Ahhhhh!!! isa pang malakas na ire ang namutawi sa buong kwarto.

''Ok, malapit na. nakikita ko na ang ulo ng bata'' sambit pa ng babaeng doctor.

''Huhuhuhu.. aaaaahhhhhhhhh!!!'' wala na syang pakealam sa sakit ng nararamdman. ibinigay nya na ang buong lakas nya, ang mahalaga ay ang mailabas at makita nya na ang kanyang bunsong anak na babae na matagal nya nang kina pananabikan.. pagkuwa'y naramdaman nyang lumabas na ang bata, ngunit pakiramdam nya ay malapit na syang taklubin ng kadiliman dahil bumibigat na ang talukap ng kanyang mga mata.. ngunit hindi maaari! kailangan nya pang makita ang kanyang munting anghel. pero wala, wala syang ibang marinig kundi ang tunog na nanggagaling sa makina at ang malalalim na paghinga ng mga tao sa loob.. naramdaman nyang mas lalong humigpit ang kapit ng kanyang asawa sa kamay nya..

bago pa sya mawalan ng ulirat, nakita nya ang sakit na namutawi sa mukha ng kanyang asawa at ang masaganang pag tulo ng luha sa mata nito...

''A-anak ko..''







======




Masayang pinagmamasdan ni Ana ang kanyang munting anghel na babae. hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi at labis labis na kagalakan na kanyang nararamdaman. mula ng ipanganak nya ito, may apat na oras ng nakalilipas. pakiramdam nya ay wala na syang ibang mahihiling pa..

marahan nyang hinalikan sa noo, pisngi at tungki ng ilong ang kanyang napakagandang anak. mayroon itong nakabaluktot na mahahabang pilik mata, napaka puti din ng balat nito at sadyang mamula mula ang pisngi. mayroon din itong matangos na ilong

walang bahid ng pagtataka, anak nya nga ang munting sanggol na ito dahil kamukha nya.. tanging ang mga kulay lang ng mga mata nito ang namana nya sakanyang Ama. bilugan ang mga ito at may kulay light brown na mga mata na mas lalong tumitingkayad kapag nasisinagan ng araw. muli, ay hinilakan nya ang bata sa noo. gusto nyang ipadama kung gaaano nya kamahal ang anak. maging ang kanyang asawa ay labis labis ang kasiyahan kanina ng mabuhat at mahagkan ang bata. napaiyak pa ito dahil sa labis na tuwa. paulit ulit pa itong nagpasalamat sakanya dahil binigyan sya nito ng napaka lusog at magandang anak. napangiti ulit sya sa isipang iyon.

kanina lang ay nagpaalam ang kanyang asawa na may aasikasuhin lamang at kagad din na babalik..

ilang minuto pa ang nakalipas ay biglang bumukas ang pinto. akala nya'y ang kanyang asawa ngunit biglang kumunot ang kanyanyang noo ng makita ang dalawang lalaki sa panig ng magkabilang sulok ng pinto.. may tattoo ito sa magkabilang braso at malalaki ang mga katawan. animo'y mga armado.

biglang sumiklab ang kaba sa kanyang dibdib.. bahagya nyang hinigpitan ang kapit sa kanyang anak na himbing pa sa pagtulog..

''S-sino kayo?!'' Anong kailangan nyo?'' pilit nyang pinapatapang ang kanyang boses.. hindi sumagot ang dalawang lalaki bagkus ay mayroong isang lalaki ang pumasok. naka leather jacket at kulay itim na cap dahilan upang hindi masyadong maaninag ang mukha nito. ngunit pamilyar sakanya ang bulto ng pangangatawan nito. matipuno. nang mag angat ng tingin ang lalaki, bigla syang nanlamig. pamilyar ang kulay asul na mga mata nito. don ay binalot na sya ng takot.. ngumisi ang lalaki sakanya at tinignan ang batang kanyang kalong.

''Kamusta na Ana? so, totoo palang nanganak ka na..''

''Anong ginagawa mo dito? please lang drake wag mo na kaming guluhin ng pamilya ko. umalis kana dito!'' pagsusumamong singhal nya dito.

It's Undeniable Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon