Andy's POV
"Hoy Sanchez, pasa mo sa 'kin" sabi ko kay Steven. Nandito kami ngayon sa basketball court malapit samin. Pinasa naman nya sakin ang bola. Tapos sabay shoot.....
"Garcia 3 points!" sigaw naman ni Camille.
"Tarush mo bakla! Three points half court yun oh!" sigaw ni Asher.
"Tama na Ands! Gutom na ako!" reklamo ni Steven.
"Okay, gutom na rin ako eh. Bukas ulit."
"Sige, uwi na ako huh?"
"Sige!"
"Bakla, uwi na ako kasi pupunta pa kami ni Mommy sa mall eh! Papasama daw siya." sabi naman ni Asher.
"Ands! Ands! Haaay!" sigaw ni Steven habang tumatakbo.
" Nangyari sayo?! Siguro, hinabol ka ng aso 'no?" biro ni Camille.
"Che, di no! Ands, nakita ko crush mo. Ayun oh!" sabay turo sa babaeng naka blue dress. Ganda talaga niya *_*
"Waah! Si Liza bakla oh!" sigaw naman nina Camille.
"Nakita ko nga!:)"
"Haaay naku! Kung di ka lang naging tomboy Andy, sus sigurado ako mas maganda ka pa sa crush mo, che!" bulong ni Asher na rinig na rinig namin!-_-
"Anong sinabi mo Asher?" tanong ko sa kanya.
"WALA!! Maganda talaga si Liza grabi. Ganda ng crush mo!" sabay smile. PLASTIC SMILE! Hayaan nyo na, BITTER lang talaga siya.
Pinuntahan ko si Liza sa bench kung saan siya naka-upo.
"Hi Liza!:)" bati ko sa kanya.
"Hello Andrea:)" bati nya naman. Okay na sana eh, bakit Andrea pa!!-_- Bawas pogi points!
" Hehehe! Andy nalang, nakakasuka kasi ang pangalang niyan eh!" reklamo ko naman.
