Ferris Wheel

9 1 0
                                    

Briana's POV:

Nagising ako sa tunog ng alarm ko sa cellphone. Nag-unat muna ako bago ako bumangon at kinuha ang phone ko. Pinatay ko na ang alarm at nakita kong may 3 new messages ako. Tinitigan ko muna ito bago ko binuksan.

2 new messages from Emily, 1 new message from Raven.

*dug dug* *dug dug*

Binasa ko muna yung messages ni Emily na nagsasabing excited na siya sa barkada outing namin mamaya sa Enchanted Kingdom. Yung isa, nagtext siya ng mga bandang 6:30 ng umaga at sinabing gising na siya dahil sa sobrang pagka'excited niya. Nginitian ko ang mga text niya sa 'kin bago ako nagreply.

To: Emily
Loka. Hahaha. Wag ka masyado ma'excite, baka biglang hindi matuloy yan sige ka. Hahaha. Joke lang bes. 😘 Goodmorning nga pala. ☺️

Sinend ko na yung message bago ako bumalik sa inbox at titigan ang nakalagay na "1 new message" sa ilalim ng pangalan ni Raven. 'Di ko mapigilang ngumiti sa pagkakita ko sa pangalan niya kaya't pinindot ko na ito para mabuksan ko na yung message niya sa 'kin.

From: Raven Roy
Hi Briana. :) Sorry sa pag-istorbo, ang aga ko mang-istorbo no? Hahaha :) itatanong ko lang sana kung pwede ko bang isama si Ayen sa lakad natin mamaya? :) Kung okay lang naman. Naiinggit daw kasi siya sa'tin, matagal na daw siyang hindi nakakapunta ng EK. Alam mo naman, haha. ;) Yun lang, goodmorning pala. :)

Natawa ako sa text niya sa 'kin. Hayy nako RR, napakabait mo talaga kahit kailan.

Nagbuntong hininga ako bago ko siya nireplyan.

To: Raven Roy
Goodmorning din RR. :) Ahh, ganun ba? Okay lang 'no. Kakagising ko nga lang, actually. Haha :) oo, alam ko naman, si Ayen. Hahaha 😁 sige isama mo. :) Kaibigan din naman naten siya e. :)

Sinend ko na yon bago ako huminga ng malalim at ngumiti ulit. Tumayo na ako mula sa kama at pumunta sa banyo para maghilamos at magmumog. Pagkatapos non ay pumunta na ako sa kusina para kumain at nakita ko si Mama. Binati ko siya ng goodmorning bago ako nag ayos ng lamesa para sa amin. At the

"Mukhang excited ka na para mamaya ah?" Sabi ni Mama at napangiti nalang ako.

"Hindi naman po ma, konti lang." Sabi ko sabay tawa.

"Nako Briana. Kilalang kilala kita. Pagdating sa mga lakad ng barkada, lalo na pag kasama si Raven, excited na excited ka." Sabi ni mama ng may ngiti sa kanyang mukha.

"Ma, magkaibigan lang po kami ni Raven." Sabi ko.

"Oo nga. Wala naman akong sinasabi ah?" Pangiting sabi ni mama.

"Ayy sige mama. Asarin pa po ako." Sabi ko sabay simangot.

"Hay nako anak. Alam ko naman kasing gusto mo si Raven mula pa high school." Sabi niya.

"Oo nga po." Inamin ko. "Gusto ko nga po siya. Pero alam ko naman pong hindi niya ako gusto eh. Malay mo may girlfriend na po pala siya ngayon, hindi lang niya pinapakilala sa tropa." Sabi ko.

Nilapitan ako ni mama at niyakap. Tiningnan niya ko sa mata at ngumiti. "Briana anak, wag ka nang malungkot. Malay mo naman kasi diba? Malay naten." Sabi niya.

"Hindi yun ma." Pailing na sagot ko. "Kung may magugustuhan po siya sa aming magkakaibigan, baka si Ayen yon." Sabi ko.

"Hay nako Briana. Manang mana ka talaga sa Papa mo. Negative lagi iniisip." Sabi niya.

"Sa'yo po kaya ako nagmana, ma." Sabi ko sabay ngiti. "Ayoko lang naman po kasi talaga mag expect." Dagdag ko.

"O'siya. Sige na. Tama na nga yang Raven Raven na yan. Mamaya sinasamid na yon dahil pinag-uusapan natin siya. Kumain muna tayo ng umagahan. Tawagin mo na ang ate't kuya mo at nang sabay-sabay tayong makakain." Sabi niya at tumango ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ferris WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon