Chapter 2 - Walang Iwanan

7 1 0
                                    


JESSELLE'S POV

I did my morning rituals. Nagpaalam na ako kila Mama na sa school nalang ako kalain. Then off to school.

Pagkadating ko sa school. Naglakad ako sa hallway patungong room. As usual pinagtitinginan ako ng mga students na nakatambay sa hallway.

Pagdating ko sa room. Natahimik silang lahat.

Balit parang nakakita sila ng multo?

Napatingin ako kay Annica. Classmate ko siya sa tatlong subjects sa morning. Then classmate ko naman si Daiane sa dalawang subjects ko sa afternoon.

Nakangiti si Annica sakin. Ngunit nawala ang ngiti ko nung nakita ko ang mga Mean Girls ng school.

Kung siniswerte ka nga naman, classmates ko sila sa lahat ng classes ko sa morning at isa sa afternoon.

"Look who's here" sabi ng leader nila habang naglalakad papalapit sakin. Si Veronica.

"Anong kailangan mo?" Walang gana kong tanong sa kanya. Wala akong panahon para makipagtalo sa kanila.

"Wow sumasagot ka na?" Sabi naman ng isa sa mga alipores niya.

"Wala akong panahon para makipag-away sa inyo." Sabi ko sabay lakad papasok ng room. Papunta na sana ako kay Annica ngunit napatid ako.

Wait. Let me correct myself.

Pinatid ako ng isa sa mga alipores ni Veronica.

Hindi ko nalang sila pinansin. Lumapit naman si Annica sakin at timulungan akong tumayo.

"Okay ka lang?"

"Oo." sagot ko sakanya.

"Tumigil na nga kayo. Wala namang ginagawa si Jesselle sa inyo. Ano bang problema niyo at ang laki ng galit niyo sa kanya?" Galit na sabi ni Annica kila Veronica.

"Sumasagot ka na ha!" Sabi ni Veronica kay Annica. Sasampalin sana ni Veronica si Annica ngunit nasalo niya ito.

"Wag mo nga akong hawakan." Maarteng sabi ni Veronica. Nagpumiglas siya kay Annica. Ngunit humigpit naman yung pagkahawak ni Annica kay Veronica.

"Wag kang maarte. Hindi naman bagay sayo ang mag-inarte dahil hindi ka maganda. Nagmamaganda ka lang." Sabi ni Annica kay Veronica at binitawan siya. Mukhang nainis naman si Veronica at mukhang susugurin na niya si Annica.

"Talagang sumasagot ka at ginagalit mo ako." At sinugod na niya si Annica.


Ngunit hindi nangyari ang pagsugod ni Veronica kay Annica dahil tinuro niya ito.

"Oo sumasagot ako dahil sumusobra na kayo lalo ka na." sabi ni Annica kay Veronica. "Hindi naman kita ginagalit. Sadyang totoo lang ang sinasabi ko kaya ka ganyan." Humarap naman siya sa mga MG. "Oo nga mga MG kayo at may shares ang mga magulang niyo sa school na to kaya kayo ganyan. At alam ko na may kapangyarihan kayo na mapatalsik ang isa sa mga estudyante. Pero tandaan niyo sa ating lahat ako mga parents ko ang may pinakamalaking shares at kaya ko kayong mapatalsik sa school na to na walang ka hirap hirap. At ang taong binu-bully niyo ang anak ng may-ari ng school. Kaya wag niyo nang uulitin sa kanya o kahit sinuman ang ginawa niyo kung ayaw niyong mapunta saming dalawa ang huling halakhak. Kaya umalis na kayo kung ayaw niyong ako mismo ang kakaladkad sa inyo palabas." Talagang nagalit si Annica sa inasta ng mga MG. Talagang pinagtanggol pa niya ako.

Ms. Everyting Turns To Ms. NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon