I love you (one-shot)

19 1 1
                                    

"Morris, nandito ka ba?" tawag ng isang dilag.

Agad na lumabas sa likod ng isang puno ang lalaking nagngangalang Morris. "Anong kailangan mo Mercury?"

Sumimangot ang dilag. "Para namang sinasabi mo na hinahanap lang kita pag may kailangan ako."

Ngumiti ang lalaki sa kanya. "Huwag ka ng sumimangot. Biro lamang iyon, ngumiti ka na mas maganda ka kapag nakangiti."

Hinawakan niya pa ang mukha ng dilag at pinilit na pangitiin na ikinatawa naman nilang dalawa.

Lingid sa kaalaman ng dalawang magkaibigang masayang naguusap ay mayroong taong nakatingin lamang sa kanila.

Masama ang tingin sa lalaking minsang naging kanya.

Matapos niyang ialay ang mga bagay na mayroon siya ay iniwan na lamang siya dahil may mahal daw itong iba.

Tinignan din niya ang babaeng kasama ng dati niyang kasintahan.

Maganda ito, at halatang mayaman. Halata din ang pagiging malapit nila sa isa't-isa na mas lalong ikinagagalit ng babaeng nakasilip lang mula sa malayo.

Mahinhin ang mga galaw nito, maging ang tawa nito.

"Maganda siya, mahinhin, at simple lang ang pamumuhay."

Yan ang mga salitang bigla niyang naalala noong araw na iniwan siya ng nasabing lalaki.

Tinitigan lang nito ang dalawa. "Hindi ako papayag na kayo lang ang masaya. Hindi." Labag man sa loob niya ay umalis na siya sa kanyang pinagtataguan at nilisan ang lugar na yun.

"Morris, mauuna na ko. Malamang hinihintay na ko ng papa at mama. Maghahanda pa ko para sa kaarawan ko. Pumunta ka. Halos lahat ng malalapit sakin at mga tao sa lugar natin ay dadalo." Aya sa kanya ng dilag.

Tinitigan niya ito, na ikinahiya ng dalaga kung kaya't tumingin tingin na lang siya sa paligid.

Natawa siya sa naging reaksyon ng dalaga. "Oo, pupunta ko. May mahalaga din akong gustong sabihin sayo maging sa mga magulang."

Nilingon siya ng dalaga at nginitian. "Aasahan kita. Mauuna na ko." Tumayo ang dalaga at nagsimula ng maglakad habang bahagyang kinakaway ang kamay.

Ganun din naman ang ginawa ng binata.

Habang naglalakad ang dalaga sa bayan at nagtitingin-tingin sa mga produktong naka disenyo sa labas ng mga tindahan ay mayroon siyang nakabanggaang isa ding dilag.

Humingi siya ng paumanhin dito ngunit masamang tingin lamang ang iginanti nito na ikinagulat niya.

Nanindig din ang mga balahibo niya.

"Iha, ayos ka lang ba?" Tanong sa kanya ng isa sa mga katulong nila na sinamahan niya mamili.

Tumango ito pero hindi niya alam kung ano bang pakiramdam ang naramdaman niya ng tignan siya ng babae kanina.

Agad niyang inayos ang sarili niya at nilingon ng may ngiti ang kasama niya. "Magsimula na ulit tayo. Madami pa tayong kailangang bilhin."

Nagsimula na silang maglakad.

Hilig ni Mercury ang magsuklay palagi dahil ang sabi ng kanyang ama, napakaganda ng kanyang buhok, kung kaya't inalagaan niya talaga ito.

Kinapa niya ang suklay ngunit wala na ito kung saan man niya inipit.

Agad niyang nilingon ang lugar kung saan mayroon siyang nakabanggaan ngunit wala naman duon.

Isinawalang bahala na lang niya iyon at bumili ng panibago.

I Love YouWhere stories live. Discover now