A Letter To My First Love

64 6 5
                                    



6:50 a.m

Sigurado ako, dadaan na naman siya. . .

Bumibilis ang tibok ng puso ko habang papalapit ng papalapit ang alas siyete ng umaga. . .

♫♫♫ You were always gonna be my love
And you should know
Even if I fall in love with somebody else
I'll remember to love, you taught me how
You're always gonna be the one
And for now, I'll still be singing this love song for
Somebody like you, my FIRST LOVE ♫♫♫
(First Love by Boys II Men)

"Wow ate Hope ayos sa mga tugtugan ngayong umaga ha, lakas maka lovelife ah, Hinihintay mo na naman ba si Crush?" sabi nang bunso kong kapatid na si Norelle.

Tumingin ako sa kaniya "Tigilan mo ko Norelle, nag eemote ako, lumayas ka diyan." sabi ko

Ngumuso lang siya, saka itinuon ang pansin sa labas ng gate namin, "Ate Hope ayan na si Luke! Silip ka na!" natatarantang sabi niya.

Pinandilatan ko siya ng mata, "Norelle pag narinig ka niya, sabi ko sa'yo kakalbuhin kita talaga!"

Ngumiti siya, "Sige ate Hope, ipagsisigawan kong super duper mega ultra crush mo si Luke! Akin na yung sulat mo bilis! Ibibigay ko na sa kaniya. Ano ba nakasulat diyan?

'Dear Luke,

I Love You. Maganda ba ako?

Ganoooooooon ate Hope?" aniya

Sumilip ako sa labas ng pinto, pero hindi ko pinahahalatang may tinitingnan ako, kunwari wala lang, dedma.

Nakita kong papalapit ng papalapit si Luke sa Computer Shop namin. Para kong kakapusin ng hininga sa kabang nararamdaman ko. Araw araw siyang dumadaan sa tapat ng bahay namin tuwing papasok siya sa eskwela, parehas kaming nasa 2nd year College na, pero magkaiba kami ng school. Kaya ito lang ang paraan para makita ko siya nang madalas, ang pag abang sa kaniya tuwing umaga. Na pepressure at stress ako dahil hindi ko malaman kung ibibigay ko ba ang sulat sa kaniya. Sa first love ko.

Nasa ika apat na baitang pa lang ako sa elementarya, crush ko na si Luke. Luke Jared Araniz. Bukod kasi sa napaka gwapo niya, matalino pa siya at napakabait. Gustong gusto siya ng mga guro sa paaralan namin noon, dahil magalang at matulungin siya. lagi siyang top sa section nila. Alam kong lahat nang iyon, dahil nga crush ko siya. Pero hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na magpakilala sa kaniya, dahil nahihiya ako at baka hindi niya ako pansinin. Sino ba naman ako? Ordinaryo lang ako, at hindi ako kasing talino niya. Bukod doon, marami ring babae ang may crush sa kaniya. Halos ata bawat section, may babaeng nagkakagusto sa kaniya. At isa na ako doon.

Naalala ko noon, kapag ka pumupunta siya sa library, yayayain ko ang isa kong kaklase para magbasa doon.

"Halika Citha Rose punta tayo sa library, doon tayo gumawa ng assignment natin sa Filipino". natatarantang sabi ko

Nginitian niya ako, "Siguro nakita mo na naman si Luke na nandoon kaya mo ko niyayaya?"

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko, "Ah, ano. . . kasi. . . "

Natawa siya, "Halika na nga at baka magkanda buhol buhol pa yang dila mo, nauutal ka pa diyan."

Pumunta na kami ni Citha Rose sa Library, pumwesto kami malapit sa kinauupuan ni Luke. Dahil bata pa ako noon, alam ko naman na paghanga lang iyon at hindi pa pag ibig. Baka pag sinabi ko sa mga magulang ko na umiibig na ako sa edad na sampu, ay ipatapon nila ako somewhere over the rainbow. 😃😆😄

A Letter To My First Love#Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon