Formula #5

6 0 0
                                    

Alam nyo, sa isang formula, madaming kailangang sakripisyo. Kelangan ng oras, pera pang gastos, passion para sa ginagawa, kokote, at kung ano ano pa.

Pero alam nyo, ang pinakamagandang bagay sa isang formula ay ang success nito. You made it and it worked. Pinaghirapan mo to, sobrang sarap sa pakiramdam ng naging matagumpay yung project mo.

Kaso, ang sakit naman nito kung isang ultimate fail ang ginawa mo. Yung tipong ng sakit na nangangain ng kaluluwa. Iisipin mo na hindi to para sayo etc etc. Eh punyatang failure yan. Yan lang naman ang nangangain ng salitang hope. Kaya punyeta sya! Mamatay na yang failure na yan. Leche.

Sa totoo lang. Wala akong kaalam alam sa formula ng love! Kailangan ba ng 'puta'ssium? 'Soul'ium? O baka naman 'lito'ium?

Nalilito ako. Ever since last night when he kissed me on the forehead. Napaka awkward na around him. Nauutal ako na ewan. Tapos pag naaalala ko ninenerbyos ako. And i fucking hate every second of it.

I fucking hate how he can be so confident even after that. I hate how i have an uneasy feeling at the pit of my stomach. I hate how he can somehow make me smile whenever i remember it. And i hate it how he triggered my feelings with just a fucking kiss on the freaking forehead. On the fucking FOREHEAD!

Im so pathetic.

"Bes. Kanina ka pa nagspespace out. May problema ka ba?" Adri asks, concerned. Umiling lang ako. Im sorry Adri, pero kay Sally ko lang to pwedeng sabihin eh. Bestfriend kita, pero sister ko sya.

"Anong wala? Eh tulala ka kanika for almost 10 minutes. Tapos kanina sa klase, wala kang homework sa Science. Science yun beh! It's a big deal for you." Paliwanag nya sakin.

"Ewan ko... Siguro magkakaron na ako." Sana makalusot.

She just sighed.

"Alam mo-" naputol ang sasabihin nya nang umakbay sa kanya si Jaycee.

"Hi babe." Namula naman agad bigla si Adri.

"Tumigil ka nga. Tara na! Uwian na noh. Anyare sa date natin?" Cute nila. Napabugtong hininga ako. Di ko rin alam kung bakit, inggit siguro?

"Haha tara na nga. Mc do tayo babe? Large Fries? Chicken? Mcflurry?" Tanong ni Jaycee sabay lakad nila palabas ng campus.

Haha sanay naman akong iwan eh.

"Hoy. San ka pupunta?" Ugh. Napairap ako kahit hindi pa ako nakatingin sa kanya. I know that voice too well.

"Wala. Sa tabi tabi lang." Sabi ko.

"Sabay na tayo uy." He requested.

I turned around to look at him bored.

"May sasakyan ka?" Tanong ko.

"Yup!" He smiled, like a five year old who's showing off his new truck. Cute. But pathetic.

"Edi tara na." Sabi ko sabay talikod. Pupunta kami ng parking lot nang bigla nya akong hinila sa isang resto na katapat lang ng school namin.

"T-teka! Anong gagawin natin dito?" Tanong ko. Weird kaya ng lugar noh! Ang baho baho. Mabango naman si Chase eh. Napailing ako sa naisip ng kokote ko.

"Anong gusto mo?" He turned to look at me.

"Ice cream" I answered him with a deadpanned look on my face.

Napakamot naman sya. "Ah, eh... Mall tayo?" Aya nya sakin. I thought about it. Why not? Malamig sa mall, madaming---- oooooh. I just had the most brilliant idea. MWAHAHAHA!

MTOLFYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon