You Again

83 7 2
                                    

Apat na taon.

Apat na taon na mula noong makilala kita, at simula noong pumasok ka sa buhay ko.

Tatlong taon.

Tatlong taon naman simula noong magkahiwalay ang mga landas natin... simula noong kinalimutan kita.

Best friends.

Matalik na magkaibigan. 'Yan tayo dati. Kahit na noong nalaman ko ang mga pinagsasabi mo tungkol sa'kin.

Tanga.

'Yan ako noon. Pero ngayon? Mas mabuti na yatang patayin ko 'yung sarili ko , kaysa magpakatanga na naman ako - magpakatanga na naman sa'yo!

Sa dami ba naman kasi ng mga pinagdaanan ko simula noong mag-high school. What you did was just really a piece of cake for me now. 'Yun nga lang, I was still too young and naive that time, kaya sobrang sakit nung ginawa mo.

Pero thank you, dahil kung hindi mo 'ko trinaydor, siguro hindi pa'ko namulat sa katutuhanan at baka mas nasaktan pa'ko sa ginawa ng mga taong itinuring ko ring mga matatalik kong kaibigan.

I hate you. Hindi kita kayang patawarin. And FYI, you're the only one that I really can't forgive. Nag-iisa ka nalang sa hate list ko.

But I did managed to forget you... until you showed up in my life again.

Ganyan ka na ba talaga?

Gawain mo ba talagang sirain ang tahimik at matiwasay kong buhay?

Okay na kasi sana eh. You were just someone I used to know. Bakit ka pa bumalik sa buhay ko?

Grade five palang tayo, sinira mo na ako - sinira mo 'ko sa lahat ng mga kakilala natin sa school!

Transferee ka lang noong mga panahong 'yun, kaya wala ka pa talagang masyadong kakilala sa klase. Lahat kami pamilyar na sa isa't isa, and as far as I know, iilan lang sa mga kaklase natin noon ang friendly at may makapal na mukha. Too bad, I was one of them.

I'm Addison Marquis, the good girl of our batch. I was known for being the sweet, thoughtful and friendly Addie. Some even said that I was one of the teachers pet, na hindi naman talaga totoo.

Nagkataon lang talaga na hindi ako umaayaw sa lahat ng mga sinasabi at iniutos sa'kin. I don't say no, I never did. Kung halos lahat kasi hindi nakikinig, hindi marunog sumunod sa mga rules at mahilig tumutol, I'm different - I'm the total opposite everyone.

Siyempre, magiging good girl ba'ko kung hindi?

I don't know why but, I find joy in following the rules, in doing whatever I was told. I love pleasing the people around me, especially my family. I do whatever they want, I follow every single thing they tell me, I work hard to make sure that everything's in the right place. Even though I learned how to retort, ginagawa ko pa rin. Maybe that's the reason kung bakit nagpakatanga ako nung nalaman ko ang mga paninirang ginawa mo sa'kin.

Honestly, nakakagulat ka. Sa pagkakakilala ko kasi sa'yo noon, parang masyado kang mabait... at paawa. Oo, paawa. Ang galing diba? I pitied you. Nasobraan kasi ako sa kabaitan eh. Dapat pala, hindi na kita dinamayan sa lahat ng problema at hinanakit mo. Kasi sa huli, ako rin pala ang kawawa.

I had a crush on you na kahit kailan hindi ko ipinaalam sa'yo. Eh sa'kin ka nga lumalapit kapag may umaaming babae sa'yo diba, alangan namang ako mismo umamin na crush nga kita. I was scared that you would cut off our friendship kapag inamin kong may gusto ako sa'yo. Ang kaibigan ay kaibigan, that's what you told me.

Ikaw naman kasi, masyado kang paasa. The way you used to treat me like a precious jewel, the way you used to talk to me in a very sweet manner, the way you kept me away from choosing the wrong choice, and the way we complemented each other when it comes to kids. Ewan, everything felt right when I was with you. Ang hindi ko lang alam, you really planned everything.

You Again (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon