Panghuling Mensahe

45 3 3
                                    

Itong kwento na ito ay para sa mga taong broken hearted at hindi parin maka Move On.

Ilang minuto pa kaya ako bago makarating sa Pilipinas? Excited nako dahil magkikita ulit kami ni Lolo. Sabi ni Lolo  may susundo sa akin sa airport

Sino  kaya yun???

"Nagbago na talaga Pilipinas hindi gaya nung dati"

Habang sinasabi ko mga salitang  iyon. Bigla nalang akong natulala. I don't know kung angel siya na bumaba sa heaven o ano... Basta't ang alam ko na love at first sight yata ako sa kanya.

"Hmmmm....Ms??Ms?? Are you Sir Mabuchi's granddaughter?"

Ako pala si Sydney. Kilala bilang granddaughter ni Mabuchi Kei. Si Lolo ay kilala bilang isa sa pinaka mayaman sa Asia. I'm from Japan but before I go to the Philippines I study their language.Nagulat na lang ako na ako pala ang kinakausap ng gwapong estranghero.

"I'm... sorry... What did you say?"

He smile and introduced himself.

"I'm JR"

Biglang namula yung mukha ko sa sobrang kakahiyan. Hindi ko talaga maiwasan na hindi ako mangblush dahil sa kakahiyan. Habang nasa biyahe. At kami lang dalawa sa car. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Akala ko hanggang dun lang pero..... Nabigla ako ng malaman ko na makikitira din pala siya sa mansion ni Lolo. At ang mas malala nasa kabilang kwarto siya. Ilang araw pa ang lumipas pero simula ng nagpakilala siya sa akin. Di ko na uli narinig ang boses niya. Hindi na niya uli ako kinausap. Sabay kaming kumain tumutulong din naman ako sa company ni Lolo. Pero bakit parang wala parin siyang imik?

"Nahalata kaya niyang may gusto ako sa kanya?"

Sa sobrang inis ko ay kinausap ko siya ng kami lang dalawa.

"Hoy! JR galit ka ba o natatakot ka lang talaga?"

Ngumiti siya sabay iling

"Pag di ka nagsalita hahalikan kita! Sige ka!"

Ngumiti lang uli siya at tinitigan ako. Inilapit ko ng dahan dahan ang lips ko sakanya. Pero di parin siya natitinag.

"Ang bagal mo naman!" Bulong niya

Kinabig niya ako at bigla niya akong HINALIKAN....

MATAGAL......

NAKAKABALIW.......

Kaya bago pa man ako malunod.Kumawala ako.

"Baliw ka pala eh!" Sigaw ko

"Sino bang unang nang hamon?" Tanong ni JR.

Ngumiti siya at umalis. Galit na galit ako sa sarili ko ng mga oras na yun. Kasi nakagawa na naman ako ng katangahan. Pagkatapos ng gabing yun.... di na naman niya ako kinausap.

KAINIS......

At sino ba itong mga babae na nagpapansin sa kanya? Ngiti naman ng ngiti ang loko!

Sa bawat oras na binabalewala niya ako parang. Lalo akong nahuhulog para sa kanya. Sa bawat ngiti niya parang lalo akong gusto na mahalikan siya ulit.

2 linggo bago ako bumalik sa Pilipinas

Lumapit siya sa akin at nag sorry

"Sydney....Sorry na. Sorry sa pagiging arogante ko sayo Ah..."
Sincere na sabi niya.

"Sydney, gusto mo bang kumain ng ice cream?"

Napangiti ako at sinabing

"Ano ako bata? Bibigyan mo lang ng Ice cream ayos na lahat?"

"Diba 16 ka palang naman ako 17 edi bata pa tayo?" Biro niya

Maikli ang 2 linggo. Pero sa mga panahong yun lalo pa kaming napalapit sa isa't isa ni JR. Hindi na katulad ng dati na puros ngitian lang puros nakaw ng tingin lang. Mabait din pala siya
madaldal....kaya lalo pa akong nahulog sa kanya.

Kaso lang.........

Uuwi din pala ako. Maghihiwalay din kami.

Inutusan siyang pumunta ng Company ng araw na iyon. Naghintay pa ako ng ilang oras pero di parin siya dumadating. Sinabi ko nalang sa sarili ko na

"Babalik din naman ako sa susunod na taon"

At sa pagkakataong yun di na kami maghihiwalay. Pagkatapos ko ng High School. Mag-aaral na ako dito sa Philippines. At sa pagkakataong yun magiging masaya na kami. Umalis ako ng Pilipinas na hindi man lang nagpaalam sa kanya ng personal. Pero bago ako umuwi at sumakay ng eroplano tinext ko si JR.

To: JR

JR, aalis na ako....sorry kung di nako nakapag paalam ah......
Babalik din naman ako kaagad. Hihintayin mo ba ako?

Send to JR

Pero araw, linggo at buwan lumipas di siya nagreply. Galit kaya siya sakin? Kaya hindi pa man natatapos ang graduation namin. Pumunta na ako agad ng Philippines para makita si JR.

10 months na rin ng huli ko siyang makita. Siya agad ang una kong hinahanap pagkatuntong ko sa Pilipinas. Umasa na siya uli ang susundo sa akin.

Pero.....

Bigo Ako......

"Lolo? Si JR po.....Asan?"

"Ano po?  Asan po ba siya?"

Hindi na umimik si Lolo hanggang sa makarating kami sa mansion ni Lolo....
Iniabot niya sa akin ang cellphone ni JR na may bahid ng
DUGO....

"Ano to Lolo....? Bakit may dugo?"

Yumuko lang si Lolo at sinabing

"Tignan mo yung Drafts niya. Ang huling text message niya para sayo."

Huling text? Bakit?

Tiningnan ko ito at di ko napansin na nag-uunhan na pala ang mga luha sa mata ko......

"Sydney..aalis ka na..sandali lang hintayin mo ako.. Kahit naman 10 taon pa tayong di magkita.Maghihintay pa rin.... "

"Hindi na niya nakuhang matapos ang text niya sayo. Kasi nabundol na siya ng Truck sa pagmamadali...para maabutan ka Sydney. Sorry kung ngayon mo lang nalaman apo ayaw ko kasing masira ang pag-aaral mo."
Sabi ni Lolo

Halos.......

Hindi ako makahinga........

Akala ko..kinalimutan niya ako...yun pala......

Iniwan na niya ako ng tuluyan....

Kasalanan ko ba kung bakit siya namatay.....?

Oo kasalanan ko nga.....

Sana pala...umalis nalang ako ng nagpapaalam

Baka sakali hanggang ngayon

BUHAY PA SI JR

MOVE ON KAHIT GAANO PA KAHIRAP

THE END

Panghuling Mensahe(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon