Chapter 2
Na-stiff ako sa kinauupuan ko.
t-teka.. ano to?
"aah.. father sa totoo lang po hindi ko po alam kung paano ko to sisimulan eh.."
'h-hindi si father yun aa?' sa isip ko.
""mayron po akong nagustuhan.. sobra ko po syang minahal.. "
Sa isip ko hindi tamang makinig ako sa pag ko-confess ng ibang tao, isa pa nakakahiya sa taong yun at inakala nya na ako si father Ben. Aalis na sana ako ng marinig ko ang paghagulgol nya ng iyak.
"Sakit!.. S-sobrang sakit father.."
ramdam ko yung panginginig at galit nya sa pagsasalita nya. naawa ako sakanya kaya naman mas pinili kong wag munang umalis para damayan sya kahit ngayon lang.
"Hindi ko kayang - - makita yung taong pinaka minahal ko ng sobra.. ikakasal sa isang taong PINAKA mumuhian ko! .."
ang weak na ng boses nya..
"mamaya na yung kasal nila father eh.. at alam mo ba yung mas masakit don? ay yung kuhanin pa akong BEST MAN! isipin mo nga father sinong matinong lalakeng tatanggap non? ni-hindi ko nga kayang makita silang magkasamang dalawa tapos ngayon ang maging best man pa?
Nag paubaya na nga ako eh, kasi alam ko kahit na ganun dun sya liligaya sa walang hiya kong KUYA! Sorry father at napapamura ako. Sorry father kung pati ikaw nadamay pa.. pero gusto ko lang namang mailabas tong nasa loob ko eh.. hindi na makuha sa suntok at sa alak..
Sorry po talaga father.. pero salamat na din.." Atsaka umalis.
Wew!
ako ba? naiwan akong tulala. gusto ko sana syang sundan para makita pero ayaw kumilos ng mga binti ko. naawa ako sa lagay nya. siguro sobrang minahal nya yung babae na yun.. napaka swerte nya at nakakilala sya ng isang tulad nun. at sana kahit na ganun man ang nangyari sakanya sana mahanap nya yung taong tunay na magmamahal sakanya.
Pag labas ko, bigla akong sinalubong ni father Ben.
"Oh hija, san ka pupunta?"
"f-father, bigla pong sumama yung pakiramdam ko eh, pwede po bang sa ibang araw na lang?"
"sige hija, ikaw ang bahala."
Umuwi ako sa bahay ng lutang. Pag bukas ng elevator ay agad ko ng binuksan ang ang pinto ng pad ko.
Bumukas uli ang elevator pero hindi ko na pinansin pa kung sino ang lumabas doon.
**Ivan's POV**
Pag bukas ng elevator ay agd bumungad sakin yung bagong lipat na kapit-bahay. Actually, matagal ng walang gumagamit ng pad na yun at laking gulat ko na may gum,agamit na doon.
Ay teka! hindi naman sya yung issue dito aa? tss..
Nag luto na ako ng hapunan. Kumain at pagkatapos ay naligo. Pag kalabas kong ng bath room ay agad kong binuksan ang DVD player at isinalang ang paborito kong plaka na iniregalo pa sakin ni Alice noong last year na birthday ko.
Tulad ng dati, pinatugtog ko ito ng malakas na halos mabingi na ako. Sa pamamagitan nito kasi nakakalimot ako kahit pano sa mga problema ko. Pero gaya nga ng sinabi ko, si Alice parin ang nagbigay non kaya dahil sa mga kanta na yon naaalala ko pa din sya.
Eh pano ba ako makakapag move on neto anak ng Siopao at ng Siomai naman oh?!
**beep beep* *beep beep*
**Calling..Alice..**
men.. sya na toh! ano pa bang kailangan nya ee nag paraya na nga ako?
"hello"
- - "