Bigla nyang narinig ang ringtone ng kanyang cellphone, the spongebob squarepants theme song. May 'child-inside-of-me' pa rin pala sya. Napailing na lang sya habang nakangiti. There's someone calling. Pumunta sya sa kanyang kwarto upang kunin ito ng mapansing tuwalya lang pala ang suot nya. Hah!? What's happening to her? Agad nyang dinampot ang kanyang cellphone at pinindot ang accept button. Ginagawa nya to habang nagbibihis. "hello Agent Bliss", panimula ng kabilang linya. May awtoridad sa boses nito at halatang may mataas na posisyon.
"Yes, Sir?!',sagot ni Devon at tapos ng magbihis.
"May bago kang kaso na hahawakan,madali lang to para sa iyo."
"Ok sir, pupunta na ko dyan sa camp para mapag usapan natin yan", Devon
"Ok good! Dalian mo. Be on time Bliss."
"I always do." at tinapos na nila ang usapan.
Inayos na ni Devon ang kanyang sarili, suot nya ang isang gray sleeveless na fit na fit sa kanyang katawan at pinatungan ito ng lether jacket. Bilang pang ibaba ay nagsuot sya ng simpleng faded denim pants at black lether boots. Pinusod rin nya ng mataas ang buhok nyang hanggang braso ang haba paraan upang lumabas ang natural nyang ganda, she's a morena beauty. Di rin sya naglagay ng kolorete sa mukha tanging black shades lamang upang matago ang kanyang makislap ngunit may lungkot na mga mata. Dala nya ang mga importante at personal na gamit, lumabas na sya sa kanyang condo unit. Oh! Di nya makakalimutang pasalamatan ang nagbigay sa kanya nito kahit na kasama sa trabaho iyon. Tinatahak na ni Devon ang mataas at makipot na hagdan hanggang makarating sya sa dulo nito. Lumabas sya sa isang pader na hindi mo aakalaing pinto pala upang magsilbing sikretong lagusan. Kasama din ito sa trabaho nya, ang walang makaalam tungkol sa kanya. Isang masikip na eskinita ang patuloy na tinahak ni devon hanggang marating nya ang nakaparada nyang motor bike. Galing din ito sa ahensyang pinapasukan nya. Agad na nya itong pinaaandar at pinaharurot.She's damn cool. she knows she is.
"So, what's on that case?"pamungad ni devon pagpasok nya sa opisina ng kanilang head na si Mr.Pax. Kaibigan ito ng kanyang ama, buti pa ang kanyang ama may kaibigan.
"Oh! Well, isa lang namang kaso ng negosyanteng mandurugas. Nagtatago sya ngayon at ikaw ang inaasahan kong magiging daan upang mahuli sya.",paliwanag ni Mr.Pax
"Ok. Kailan ba naman ako tumanggi sa isang kaso? At kailan ko ba kayo nabigo?",my pagkasarkasmong sagot ni Devon. Di ba naiisip ng boss nya na kagagaling nya lang sa isang misyon bago sya nagbabad sa bath tub nya kanina? At di ba naiisip nito na napapagod din sya? Well, wala nga namang may magiisip ng ganun kasi ang tingin ng lahat sa kanya ay si wonder woman con darna.
"Makakasama mo sa misyong to si Agent Aguirre."pagputol nito sa naghuhuramentado nyang isip." I want the two of you to be a good par----"
"I dont need one sir! I can do it in my own. Im the super woman here right?",putol din nya sa mga sasabihin pa nito.
"Hai!! Ang tigas mo talaga Devon. Kung ganon ikaw bahala, sa tingin ko wala naman akong magagawa kahit lipunin ko pa ang buong mundo para kumbinsihin ka." tanda ng pagsuko at pagpayag na rin nito na mag-isa nyang harapin ang misyon.
Lumapit si Devon sa kanyang boss at inilapit ang mukha sa mukha nito at sinabing," sisihin mo ang tatay ko",tsaka ngumiti ng kung makakapatay ay kanina pa nakabulagta ang kausap.
"Sir!".wika ng baritonong boses na iyon habang nakasaludo sa kanilang commander. Nakabihis ito ng uniporme ng isang pulis at sa bandang kanan ng damit nito ay nakatatak ang pagkakakinlnlang 'PO3 Buenaventura'.
" O Paulo! Nandito ka na pala!? Maupo ka.,"paggiya ng chief superintendent kay Paulo." May bagong kaso tayo na pipigilan mamayang gabi. Gusto kong ikaw ang mamuno sa misyong ito. Nakipagcooperate na din ako sa Blizzard Agency. May itinalaga na sila na mangunguna upang mahuli ang suspect. Tandaan mo Paulo, papasok lang kayo sa eksena pag nagbigay na ng go signal ang Blizzard , naiitindihan mo?"