IX. New Life

28 2 3
                                    

Pagkatapos ng ilang araw, napagpasyahan ng family ni Chad na ampunin ako. Ako na ngayon si Michelle Fuentebella.

Dumating si Chad sa buhay ko, para bigyan ako ng bagong pamilya.

Nagbalik-loob ako sa Diyos. Mas lalong tumibay ang pananampalataya ko sa Kanya.

Sabay kaming nakatapos ni Lance ng pag-aaral. Gumaraduate siya ng Engineering at ako naman, Architecture.

Naging kami after college. Nakapasa kami pareho sa board exam.

At sa kasalukuyan, isa na siyang engineer at ako ang architect nya.

Nagring cellphone ko habang nasa dinner ako with my family.

"Yes, hello?"

"Mitch, labas ka." Sabi ni Lance.

"Ha? Kumakain pa ko. Nasan ka ba?"

Biglang nag disconnect yung nasa kabilang line.

"Lance?"

"Oh bakit anak?"

"Si Lance po kasi Dad, pinapalabas ako."

"Baka naman may sasabihing importante?"

"Hindi ko alam Kuya eh, bigla kasing naputol."

Kinakabahan na naman ako.

"Iha, wag ka mag-alala. Baka naman pupuntahan ka nya dito. Maya maya lang nandito na yun."

"Opo mommy."

Itinuloy namin ang dinner nang biglang may malakas na katok sa pinto. Kinabahan ako at natatakot. Hindi ko alam kung bakit.

"Ako na po." Sabi ko.

Kabado pa din ako. Pero nag-think positive pa din ako. Nang buksan ko ang pinto, biglang may mga fire works. Tapos nakita ko sa labas si Lance may hawak na malaking bouquet. Lumabas na din sina mommy para makita.

"Tito, tita, bro, pakakasalan ko po prinsesa nyo." Sumigaw siya, as in sigaw talaga.

Tumango si Daddy at mommy tapos si Kuya, nagthumbs-up.

"Pano ba yan, Mitch? Boto sakin pamilya mo?"

Tapos biglang may fireworks na naman, may nakasulat na...

Mitch, will you marry me?

Tapos may isa pa ulit fire works.

Yes or Yes?

Napatawa kaming lahat. Pati mga katulong namin, kilig na kilig.

"A big yes, Lance. I will marry you!" sumigaw din ako.

Ang mga kapit bahay namin, naki chismis na din.

Hinalikan ako ni Lance sa noo tapos lumuhod siya sa harapan ko. Sinuotan nya ako ng isang diamond ring.

"I will always be your bestfriend, your engineer, your boyfriend, and your husband forever kaya diamond yan, bawat side ng singsing na 'yan, may role. I love you Michelle so much."

Niyakap ko sya.

"I love you too Lance."

Napakasakit maiwan at mawalan ng minamahal. Mahirap makalimutan ang mga alaalang naiwan nila. Pero hindi habang buhay na kailangan mong parusahan ang sarili mo. Kasi hindi ka makakawala sa sakit ng nakaraan kung patuloy mong ikukulong ang sarili mo dun. Tulungan mo ang sarili mong tanggapin ang lahat. Magsimula ka sa mga taong nandyan para sayo. Hindi habang buhay na mag-iintay sila para mapansin mo, kasi baka dumating yung time na kung kailan handa kana, pagod na pala sila. May mga pagkakataon na kailangan mong ngumiti ulit. That's life, talagang mahirap maging tao lalo na't hindi ka perpekto. Kung iisipin, talagang unfair minsan ang buhay, pero sa totoo lang, sinusubukan lang tayo nito at inihahanda para sa magandang kinabukasan na nakalaan satin. At huwag na huwag mong kakalimutan ang mga natutunan mo sa nakaraan dahil magagamit mo yun para maging isang mas mabuting tao para sa future.

---The End---

t-f7G

Yesterday's MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon