SKY'S POV
Nandito ako ngayon sa hallway ng school building namin nakaupo sa may gilid, vacant time kasi dahil hindi sumipot ang Instructor. (Sayang tuition) Kaya nagkalat kami rito, yung iba naman nasa may hagdanan busy magdaldalan habang ako mag-isa lang. Ganito na talaga ako, laging mag-isa. Minsan lang ako makihalubilo sa mga kaklase ko, kapag gusto ko lang. Depende pa kung sino.
Abala akong nakikinig ng musika habang nakasalpak ang headset sa tenga ko nang biglang tumabi ang isang kaklase ko sa akin.
"Mag-isa ka na naman dito, bakit hindi ka makisama doon sa amin. Baka sabihin ng ibang section at department inaway ka namin."
Siya si Kuya Ron, nakasanayan ko ng tawagin siya ng kuya syempre dahil mas matanda siya sa akin. 22 na kasi niya, tahimik rin siya gaya ko. Kaso ako kasi, sobrang tahimik talaga. Hindi ako magsasalita kung walang magtatanong o babati sa akin. Hindi ko kasi ugaling ako yung unang pumansin sa isang tao, nahihiya kasi ako. Baka mamaya hindi ako kibuin. Tinanggal ko muna ang headset ko para kausapin siya.
"Alam mo naman ako Kuya, hindi sanay sa daldalan at ayoko ng maingay. Ikaw nga dyan eh, nahahawa ka na sa kanila. Madaldal ka na rin."
Biro ko sa kanya. Tumawa lang siya saka sumagot.
"Hindi ah, nakikisali lang ako sa usapan pero hindi naman ako ganoon kadaldal. Okay ka lang ba? Pinag-uusapan ka nila doon kanina, hinuhulaan nila kung bakit lagi kang mag-isa. Iniisip tuloy nila ayaw mo silang kasama."
"Hindi naman sa ganoon yun eh, saka nakikisama rin naman ako sa inyo ah? Minsan nga ako pa yung bangka. Okay lang ako, dalawang buwan na tayong magka-klase hindi pa rin kayo nasasanay."
May sasabihin sana siya kaso hindi natuloy dahil sa maingay ang mga taong naglalakad galing sa may hagdanan ng unang palapag, mga taga-IT department. Kilala sila sa pagiging maingay sa klase kahit naman sa labas maingay parin. Mga trouble maker. Hindi naman lahat pero mas marami ang ganoon.
Naunang dumaan ang mga lalaki sa harapan namin, may mga bitbit na gitara. Halos lahat may snapback na suot. Nagkakantyawan sila habang papasok sa isang silid-aralan. Kasunod naman nila ang mga babae, maingay dahil naghahagikgikan sila sa pinag-uusapan nila. Malamang mga manliligaw, boyfriend at crush ang laman ng kwentuhan nila. Ganoon naman yun eh.
At nakita ko na naman siya, yung babaeng laging naka-dress kapag sabado. Civilian kasi kada last day ng klase. Pwede mong isuot ang kahit na anong gusto mo basta siguraduhin mo lang na disente siyang tingnan.
Maganda siya, matangkad, medyo mataray ang aura niya, feeling ko rin maarte siya. Haha! Hindi ko pa siya nakitang pumasok ng school na hindi naka-make up at lipstick, red pa man din. Parang naaasar kasi akong tingnan yung mga babaeng ganoon kung mag-ayos, ginagawang coloring book ang mukha.
Lagi mo ring makikita na naka-nail polish ang mga kuko niya, bumagay naman yun dahil maganda ang hugis ng mga daliri niya. Parang hindi sanay sa trabaho. Papalit-palit din siya ng kulay, minsan red, sa susunod naman na linggo pink, basta kung trip niyang palitan papalitan niya. In short, kikay siya. Kikay na kikay.
Lagi ko siyang nakikita pero hindi ko alam ang pangalan niya. Lagi niyang kasama yung pinsan niyang kambal, parehong babae. Yung isa kikay rin pero mas lamang parin siya samantalang yung isa naman ay simple lang. May kasama rin silang lalaki, bading nga lang.
Nang maka-daan na sila ay tinanong ko si Kuya Ron,
"Kuya, sino yung mga yun?"
"Yung bading, siya si Jessel. Yung kambal naman, sina Marian at Maureen tapos yung magandang matangkad na kikay, yun si Apple."
BINABASA MO ANG
Kikay (GirlxGirl One-shot)
Teen FictionSino ang mag-aakala na ang ugaling kinaiinisan ko sa isang tao ay siyang ugali ng taong mahal ko?