All About Us
Uuhh. Okay. So, san ko ba sisimulan? Siguro, nung high school days kami.
Story starts here:
4th year ako ngayon. First day of school to be exact.
Hindi magkamayaw ang mga estudyante kesyo raw ang tagal hindi nagkakitaan, mga friends, colleagues, mga boyfriend, girlfriend, crushes, teachers, ano pa ba? Basta! Lahat na makikita at makakasalamuha mo sa isang paaralan.
Mas lalong umingay ang hallway dahil sa bali-balitang may Transferee raw galing sa isang all boys' school sa Korea. Syempre, tilian factor yung mga girls kasi nga, alam nang lalake ang new student.
"Kyaaaaah! Ang pogi!!" napuno ng tilian at sigawan ang hallway nang may bumabang lalake sa isang mercedez benz. Bigtime!
Para full-packed na, pogi pa si Koya. San ka pa?
Being the loner type, tahimik akong naglalakad papuntang classroom.
**Bogsh!
Aray naman oh! Kung minamalas ka nga naman. First day of school ang malas ko na.
Sa pag aakalang poste lang ang nabangga ko, agad-agad akong tumayo at pinulot ang mga gamit ko. Pero, may napansin lang ako, ba't arang tumahimik ang paligid?
"Are you okay, Miss?" ahh. Kaya naman pala, sa dami ng pwedeng banggaan si Mr. Transferee/Koya Pogi pa yung nabangga ko. Kaya instead na ipaalam sa kanya kung okay ako, nag-'sorry' nalang ako.
Mahirap na.
Iba pa naman ang nga estudyante sa school na 'to.
Konting bangga lang, malisya at pambubully na matatanggap mo kaya naman, ako etong si Loner type, iwas iwas mode on. At hindi na pinansin si Mr. Transferee/Mr. Pogi.
pa kahit kelan.
Sa mga sumunod na araw, naging peaceful na ulit ang mga araw ko. Nakatuon sa pag aaral ang isip, ang mga mata laging nakatutok sa libro, ang kamay laging nakahawak sa ballpen. Ganyan ang estudyante! Sing sipag ko. (:
Nalaman ko rin na kaklase ko si Mr. Transferee/Koya Pogi.
Ang cool kamo pakinggan ng pangalan nya, bagay na bagay sa mukha nya, Zeve Elizxirr Go.
Hehe. Wala, swabe pakinggan eh.
Pati, February na ngayon. Time.flies. Bilis nga eh.
"Hi."
Ang katahimikan ng buhay ko ay biglang nawala nang may lumapit sa akin. Nasa may library ako ngayon at nagsusummarize ng report ko. Napaangat ako ng tingin para tingnan kung sino ang natawag sa akin at umupo sa harap ko.
Si, Zeve. Kilala si Zeve sa pagiging easy-go-lucky at super gentleman. No wonder, pinagkakaguluhan sya ng mga girls sa campus namin. Tiningnan ko lang sya at nagnod. Sign of response ko na yun.
Hindi ako marunong makipag socialize kaya sensya na.
**Riiing!
Ayan bell na, iniligpit ko na ang mga gamit ko para bumalik na sa classroom.
"Gusto mo tulong?" Ayy palaka! Nandito pa rin pala tong Zeve na to.
Umiling nalang ako at nagsimula nang maglakad.
Sumunod na rin naman si Zeve at mukhang natakot nang kausapin ako.
"Okay class. We'll have our first project in MAPEH. Music to be specific. By pair." umingat ang classroom nang dahil sa state ni Sir.
BINABASA MO ANG
All About Us (Oneshot #1)
Teen FictionMusic will bring 2 souls together. <3 One-shot no. 1