Playful Kiss

31 2 2
                                    

Chapter I.

Loud Music, Bright Lights & Sweaty Bodies dancing with each other getting lost to the groovy beats of the DJ.

"Happy Birthday Leo." sigaw ni Quin sa lahat ng mga kaibigan namin habang nakataas ang isang kamay na may hawak ng alak, LOL ang kulit talaga ng best friend kong ito.

Hi sa lahat ako nga pala si Leonna Sky B. Mortega, 19 years old well 20 na pala ngayon at birthday ko. Andito kame ngayon sa bar na 240, dapat hindi ako magcecelebrate dahil 1st day of school na bukas, ayoko naman pumasok ng mukhang zombie dahil sa puyat at may hangover, pero wala eh mapilit ang mga kaibigan ko at lalo na ang mga best friends ko so heto kame ngayon medyo tipsy na halos lahat.

"Tara! Laro tayo ng truth or dare" aya ni liensey. "Yes ! my fav. game una ang bithday girl" sabe naman ni Quin, ang nag-iisang dare queen sa aming group. Haist eto nanaman po kame sa laro na eto sana naman makasurvive ako sa gabeng eto.

"So leonna Truth / dare?" tanong sakin ni miks, ang bilis tumibok ng puso ko grabe nakakatakot mamili pag truth masakit sa kamay at mahohot sit pa ko pag dare naman masyadong mystery dahil depende sa maiisip nila waaaahhh! BAHALA na nga

"uuuhhmmm dare?" sagot ko sa kanila  "oh trix bigay ka number" sabe ni liensey sa isa naming kaibigan "25" ang binigay na numero ni trix "Alright ako na bahala guys" kindat ni quin sabay ngiti ng evil smile , nako po pag ganyan ang itsura ni quin masamang balita to.

"1..2..3" simula ni quin at tinuturo bawat isa sa mga kaibigan namin para malaman kung sino ang magbibigay ng dare sakin "10.. 15..20..24.. 25" sabay turo sa sarili niya, dinaya pa talaga niya ang pagbibilang para lang mapunta sakanya at ako naman tong mentally nag face palm sa sarili.. i'm dead's

"Oh Leo pansin ko kanina mo pa kasi tinititigan yung isang lalake dun sa katapat nating table" sabe ni quin sabay turo sa katapat namin na table "Go and give our mystery guy a sweet kiss" talagang pagkatapos niya sabihin yun eh tinaas niya ng sabay yung kilay niya, nang aasar pa talaga.. QUIN!!!! sigaw ko sa sarili ko and ramdam ko na ang paginit ng aking mga pisngi sa hiya nakakahiya.

"SKY!..SKY!..SKY!" Ang malalakas na pag cheer nilang lahat habang dahan dahan akong tumatayo at papalapit sa table nung guy andame pa naman din niyang kasama, pano kung my kasama ding gf to haist. "GO! SKY KAYA MO YAN" pahabol pa ni Quin. Yare ka talaga sakin quin hintayin mo lang. Ok andito na ko sa table nila at nakatingin silang lahat sakin "Hi miss, anong maitutulong namin sayo" bungad sakin ng isa niyang kasama "Hi, ako nga pala si sky.. uuhhmmm" pakilala ko sabay upo sa tabi nung target ko, buti nalang at pumunta kung saan ung kaninang katabi niya, sa CR siguro o sa dance floor  "and i'm mike, nice to meet you sky" inabot niya ang kanang kamay niya sabay nag shake hands kami nung unang bumati sakin, pero itong target ko parang wala lang ako sa kanya chill lang siya "same to you, hhhmmm so pasensya na pero dinare lang ako ng mga friends ko, birthday ko kasi eh." explain ko sa kanila "Oh anong klaseng dare naman ba yun?" tanong nung isang babae na kasama nila

"ah eto" sabay lagay ng dalawang kamay ko sa magkabilaang pisnge ni guy na target ko at hinalikan agad agad siya bago pa siya makapalag, pag tapos ko siya halikan tumayo na ko pabalik sa table namin at kinuha yung bag ko sabay takbo sa kotse ko, kahit na naririnig ko sila quin na tinatawag ako. Ako na KJ alam ko, eh natatakot lang ako sa pwede mangyare.

"Leo, uwian na agad?" banat sakin ni liensey kasama sila quin, miks, at trix. Andito kame ngayon sa parking lot. "Ano sa tingin niyo?" sabe ko habang hinahalungkat ang bag ko para sa susi at nakatalikod sa kanila "Hindi pa ko lasing eh" sabe naman ni quin na parang bata "Sa bahay nalang tayo kung gusto niyo, basta ako ayoko na ulit pumasok sa loob." sagot ko at sawakas nahanap ko din yung susi, binuksan ang pintuan at inistart na ang kotse "Itext niyo nalang sila na sumunod sa bahay" sabay sabay silang tumungo ng ok at sumakay na din.

Dare To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon