Chapter II.
Leo's POV
"LEO!" sigaw ni quin, Sh*t talaga kung isa siguro akong ninja! nakatakas na sana ako, haist bahala na nga.
"Quin" bati ko agad pagkalingon ko sa kanya at tuluyan ng lumapit. Umupo ako sa tabi ni miks at clint para safe at malayo sa lalaking yun, "Ngayon nandito ka na, ipinapakilala ko sayo si carlo" sabay gesture sa katabi niya at sa akin "Carlo, si leo ; Leo, si carlo". "Wait lang" taas kamay na sabi ni liensey "Eh si kuya, ano pangalan?" tinuro niya yung isang lalaki na katabi ni carlo, bigla itong tumayo at inabot ang kanang kamay niya kay liensey "Marvin nga pala" sabay ngiti at kindat.
Pasimple pa si liensey na hindi siya kinikilig, eh halos hindi na niya bitawan yung kamay. After ni marvin magpakilala ay pinakilala din niya yung 3 pa nilang kaibigan na sumunod dito, sila mike, rica at patrick. Naka dalawang towers ng zombie kami at ang dadaldal na nilang lahat, maliban nalang kay liensey na opposite ang epekto ng alak sa kanya.
"CR lang ako guys" paalam ko sa kanila at umalis na. Paglabas ko ng cr, nakita ko si carlo sa labas ng boy's cr, bigla akong na stuck-up sa kinatatayuan ko. "Like what you see?" tanong niya bigla sa'kin, KAPAL! nag english pa, pero oo gusto ko nakikita ko duh! hahalikan ba kita nung ganing yun kung hindi "Ano sabe mo?" tanong niya ulit at ngayon super laki ng ngiti niya "WALA!" sigaw ko sabay walk-out pabalik sa booth naimin. Akala ko pa naman sinasabe ko lang yun sa utak ko, hindi pala "Baliw ka talaga" bulong ko sa sarili kasabay ng paghampas sa noo ko. "Oh anyare sayo?" tanong ni clint pag-upo ko "wala may lamok lang."
Hindi ko alam pero pakiramdam ko matutunaw ako, feeling ko nakatingin siya sakin. *Assuming ka naman masyado* sermon sakin ng aking utak. HAY!
"Leo, tara sayaw tayo! dali ang daming HOT PAPA dun oh!" aya ni quin habang nakaturo sa dance floor.
"Ha ! Ayoko! dito nalang ako" "Oh sige bahala ka! Tara guys, let's dance!" Isa-isa silang tumayo at pumunta sa dance floor hanggang sa dalawa nalang pala kami ni carlo ang natira sa booth. "Ano ba yan, bakit ba ang malas ko ngayon?" reklamo ko sa sarili ko.
"May sinasabi ka ba?" tanong niya sa'kin, pero hindi ko siya pinansin para hindi na niya ko kausapin. wahahaha!
"Naalala mo ba yung ginawa mo nung birthday mo?" sabi niya sabay ngiting wagas. Oh sh*t! Sana pala sumama nalang ako sa mga yun, ramdam ko ang pag init ng mga pisngi ko! Ano ba yan!
"Bakit ayaw mo magsalita? Gusto mo bang gawin ko din sayo yung ginawa mo?" sabi niya, nagulat ako lalo na nung tumayo siya at tumabi sakin! OH MY GULAY!
tatayo na sana ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko, waaaahh ! bigla akong kinilig, Hindi ! hindi pwede! "Bitawan mo nga ako!" "and why would i want to do that?" hinila ko yung kamay ko na hawak niya para makaalis pero bigla niya ulit akong hinila at hinalikan!
"AYYIIEEEHH!" para akong nabuhusan ng malamig na tubig nung narinig ko sila quin na sumigaw!
Mabuti nalang at madilim, hindi nila mapapansin na super pula na ng mga pisngi ko sa pag kakaBLUSH!. Wala na akong kinakausap sa kanila simula nung bumalik sila dito sa booth, hanggang sa magkayayaan ng umuwi.
Nandito na ako ngayon sa bahay, 2 hours narin ang nakalipas simula nung hinalikan niya ko, hindi ako makatulog!! Bakit ko ba iniisip yung kiss na yun !! AARRRGG??!!!
Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.