Habang palakad ako ng school pinagtitinginan ako ng mga schoolmates ko. Alam kong dapat masanay nako pero parang iba yung tingin nila ngayon.
Uhhh. Pshh. Whatever.
Pabayaan ko nalang sila.
Grabe. Bumabalik nanaman pala siya sa dating bf niya - di ko kilala
Oo nga. Akala ko pa naman matalino na siya. Tanga nanaman pala ulit. -di ko ulit kilala
Uhh!! bat bako nakikinig sakanila? Sino ba kasi tinutukoy nila?
Dumiretso nako ng room ko kaso pagdating ko palang sa tapat may nagaantay ata sakin.
Tishh!!!!! -Haylee
(Siya yung ex bestfriend ni abcedee tas yung umagaw kay tyler)
Ayos huh! susugod siya dito tas galit pa!
Kilala ba kita?!! -ako
Akala ko ba ayaw mo na sakanya?!!! eh bakit gusto niya makipagbreak sakin kasi sinabi mo daw?!!! -siya
Aba't ang kapal ng mukha nito!
Hoy!! for your information. Ayoko na talaga sa BOYFRIEND MO! At bakit ako sinisisi mo?!! kasalanan ko bang ayaw na niya sayo?!! kasalanan ko bang kinakarma ka ngayon?!! kasalanan ko bang MALANDI yang BOYFRIEND MO?!!! Bat ako sinisisi mo sa KARMANG nangyayari sayo?!!! -ako
Nakakaloka to. Wa poise na tuloy ako. Umagang umaga nababadtrip agad ako.
Eh kung ayaw mo na sakanya bat sabi niya magbabalikan na daw kayo?! akala ko ba basura na siya sayo?! eh bat pinupulot mo nanaman?!! -siya
Siraulo to ah!
Hoy!! Hindi naman ako kasing tanga mong nagpupulot ng basura! atsaka wala akong sinasabi diyan sa MAGALING MONG BOYFRIEND na magbabalikan kami. Masyadong assuming yang BOYFRIEND MO. Wag ako yang awayin mo ni hindi NA nga kita kilala. Atsaka para lang di ka magmukhang tanga. Niloloko ka na ng BOYFRIEND mo!! Nagmakaawa yan sakin para lang bigyan ko siya ng second chance! -ako
Hindi niya yon magagawa noh! baka ikaw pa yung lumapit at humingi ng second chance sakanya!! iniwan ka na nga niya para sakin eh!! ako pinili niya!! hindi ikaw!! ako! ako! ako!!! -siya
Bobo ka ba?!! nagawa na nga niya eh!! at ako pa talaga sinisi mo huh?!! di naman ako katulad mo na FLIRT!! DI AKO YUNG TAONG MANGAAGAW NG BOYFRIEND!! -ako
Tas galit na galit na itsura niya.
Oh! bat parang nagagalit ka?!! kasi nareveal na totoo mong pagkatao?! Kasi nalaman na nila na MALANDI KA?!! *sabay harap sa mga tao* MAKINIG KAYO?! GUSTO NIYO MALAMAN KUNG ANO YUNG TOTOONG STORYA DIBA?! HINDI KAMI NAGBREAK! DAHIL PINAGBREAK KAMI NG BABAENG NASA HARAP KO NGAYON! ANG ALAM KO NGA BESTFRIEND KO TO EH! MALI PALA AKO! Ngayon alam niyo na na hindi kami nagbreak dahil sa gusto namin. Na mabilis lang siya makapagmove on pagkatapos namin magbreak. Kasi kami palang nakamove on agad siya kasi nga INAHAS siya ng babaeng to! -ako
Pag katapos ko sabihin yun pumasok nako ng classroom. Tae. Badtrip amputek!
Alam kong masyadong masakit yung mga sinabi ko. Pero eto nako ngayon. Hindi na ako si tish na tanga ako na si abcedee na matapang.
Hoy! ano meron don sa labas? aga aga nagsisigawan kayo! -lily
Malay ko dun. Bigla ba naman ako sugurin dahil sa boyfriend niyang nakikipagbreak sakanya. Parang gag* lang eh. -ako
Tas di nako umimik.
Nagsisimula na pala yung plano ko. Ang galing ko naman. Haha. Kanina ko palang sinabi sakanya tas nakikipagbreak agad siya. Haha. Tang*na niya!