Chapter 12 Tell me how to people find each other

509 6 11
                                    

[A/N: Kala ko namatay na yung author eh. Chos. First of all, sorry guys for the long wait. Di ko inexpect ang dami ng school works, office works at kung ano ano pang works. Wala na tuloy kaming quality time ni Jeron. Chos. Pinilit ko lang talagang mag UD ngaun. Kaya ayun, sorry. I think waley to. Pero sana magustuhan nyo :) Updates will be on Mondays and Thursdays pag sinipag at walang gagawin syempre go lang ng go. Saka ayun po, Thank you sa mga nagbabasa neto at sa nag add sa reading list nila. I love you all people. Dahil tapos na ang hell week, midterms (isang major na lang kami ♥♥) eh mapagtutuunan ko na to ng pansin. Again. Thank you po talaga. Please vote, comment and tweet me for your reactions. I'm very grateful to hear them. Love you guys! ♥♥

PS. SORRY FOR THE WRONG GRAMMAR AND TYPO ERROR. DI KO BINASA YAN. BUKAS NA LANG. HEADACHE >.<

-------------------------------------------------------------------------------

Chapter 12

Tell me how to people find each other

[Chelley’s POV]

“Ah- aaaaaah- ahhhhhhhhhh-”

“Are you ready baby? I’m coming”

“Give it to me baby! I want you now”

“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh”

Echos lang yun.

Nasilaw ako sa sikat ng araw. Tokwa sino ba nag bukas ng bintana sa kwarto ko? Sabi ng ayokong may pumapasok sa room ko pag natutulog ako. Manenermon ako mamaya.

Ang weird ng panaginip ko. Puro itim lang tas may nagsasalita? Hays. Pati panaginip ko sabog.

Napahawak ako sa ulo ko, grabe ang sakit, ang dami ko atang nainom eh. Teka sino kaya yung nag hatid saakin sa bahay?

Naku po baka si daddy. Yari ako.

Bumangon ako and nagitla sa nakita ko.

H-hindi ito ang kwarto ko!

T-teka, nasaan ako?

Napasilip ako sa ilalim ng kumot at nakita kong naka undies lang ako. As in NAKA UNDIES LANG AKO.

“WAAAAAAAAAAAAAAAAH!! ”

May lalaking lumabas galing sa C.R

Naka topless at towel lang ang suot. Bagong ligo pa sya. At basang basa ang buhok. Teka, Lord, mali naman po diba yung iniisip ko di ba?

“oh gising ka na pala. Good morning Baby” sabay ngiting nakakaloko.

Teka! Sya yung ka-teammate ni Kevin! Yung….. kapatid ni… sino ba yun! Anak ng tofu. Di ako makapag isip ng matino.

“ikaw! Ano ang ginawa mo sakin ha?! ”

Napangiti siya at lumapit saakin. Sobrang lapit “ako? Ikaw kaya yun! Di ko alam na aggressive ka pala. Anyways, nag enjoy talaga ako sayo kagabi! ”

Naku po! Pakisampal nga ako please.

“Kung hinahanap mo si Jeron, kanina pa sya umalis. So papasok na ko sa school. Ikaw din alam kong may klase ka pa. Pero una na ko ha. Ihahatid ka na lang ni Mang Kanor” Nakapag uniform na pala tong lalaking to.

Jeron? AYYYY Lech! Naalala ko na. Sya yung kapatid ni Jeron. WTF Chelley. Ang tanga mo talaga.

Napansin kong parehas sila ng uniform ni Kevin. So taga UST pala sya at commerce.

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon