Say it before it's too late
Sabi nila, mararamdaman mo daw ang tunay na pag-ibig kapag tungtong mo ng college.
Hindi na tulad ng elementary na, puro laro lang ang nasa isip, walang iniintindi at hindi marunong magseryoso at magfocus sa isang bagay.
Hindi na rin tulad ng highschool na, nagsimulang magexperimento ng mga bagay-bagay, hanggang sa matutong umibig ngunit hindi sapat ang kaalaman para mapanindigan at harapin ang mga nakaabang na balakid dito.
College. Dito, sa lahat ng ating pinagdaanan, karanasan at mga natutunan sa ating mga pinagdaanan. Magagamit natin ito upang, maiwasan ang mga mali noon at upang hindi na maulit pa ngayon. Dito, matututo na tayong magseryoso, at magfocus sa mga bagay-bagay at sa kung ano mang sitwasyon na ating haharapin.
Naniniwala ka ba? Na, kapag tungtong mo ng college, mararamdaman mo na ang tunay na pagmamahal? Ako kasi oo. Baket?
Kasi, sa tingin ko siya na. Sa tingin ko mahal ko na siya. Yung tipong kahit na hindi kami close sa isa't isa, masaya ako kapag nakikita ko siya. Masaya ako Kapag nakikita ko ding masaya siya.
Ako si Vincent Aguire, 17 years old. First year college. Certified inlove, kay Eliza Marie Miranda.
Ewan ko kung bakit ko nasabing inlove ako sa kanya. Sa simpleng pag ngiti kasi niya, at sa simpleng pag galaw ng mga kamay niya. Hinahangaan ko siya.
Nalulungkot ako kapag lumiliban siya ng klase. Bawat oras, minuto at segundo kasi gusto kong nakikita siya. Gustong gusto kong makita ang bawat galaw niya, at ang bawat gagawin niya.
Ayokong lumiban ng klase kahit na may nararamdaman akong hindi maganda. Ganon katindi ang tunay na pag-ibig. Daig mo pa ang adik.
Nagseselos ako kapag may kausap siya, o may kasamang ibang lalake. Ang hirap lang kasi, wala akong karapatan para bawalin siya, kasi hindi ko naman siya pag mamay ari diba? Na feel mo na ba 'to? Yung gusto mong sabihin sa kanya na, "ako lang dapat! Bawal kang sumama sa iba, bawal kang makipagusap sa ibang lalake. Ako lang!" Yung ayaw mo siyang maagaw ng iba? pero wala kang magawa.
Minsan naisip ko, ligawan ko kaya siya? Sabihin ko kaya sa kanya na mahal ko siya. Pero kahit anong subok ko, lagi akong dinadaga. Natatakot kasi akong mareject, natatakot ako na baka hindi niya ako gusto, o mafriendzone lang ako.
Pero ayoko naman ng ganito, yung wala akong magawa kapag nagseselos ako. Na, hanggang tingin at pagsstalk lang ang ginagawa ko.
Gusto kong gumawa nang aksyon. Gusto ko nang magtapat sa kanya. Gusto ko nang, mapasaakin siya.
Wala na 'kong pakialam kahit na mareject ako, o kahit na sabihin pa niyang hindi niya ako gusto o hindi niya ako mahal.
Ayoko nang lokohin at pahirapan pa ang sarili ko. Ayoko nang palagi nalang akong walang gagawin.
---
Pagkatapos ng klase, naglakas ako ng loob na kausapin si Eliza.
"E-eliza?" Bati, ko. Agad naman siyang lumingon, at ng makita ko ang muka niya, kinabahan nanaman at parang dadagain nanaman ako. Pero hinde, kaylangan ko ng sabihin sa kanya ang lahat.
"Yes? Vincent?"aniya, habang may kinukuha sa kanyang bag.
"Pwede, ba kitang makausap?"sagot ko.
Ngumiti siya. "Hindi pa ba tayo nag-uusap nito?"aniya, sabay, tawa ng mahina.
"What i mean is, mag-usap tayo sa ibang place, yung tayong dalawa lang." Unti, unting nagiging normal ang mga salita ko, lumalakas ang loob ko at bumibilib sa aking sarili dahil malapit ko ng masabi ang nararamdaman ko.
"Ahm, sige pero saglit lang ah? Susunduin kasi ako ngayon ni papa."Kanyang tugon na labis kong kinasaya.
Ngumiti ako. "Sure." At agad ko ng dinala si Eliza sa lugar kung saan kami maguusap.
Dito, kaming dalawa lang. At siyempre dahil espesyal siya para sa akin, ginawa ko ring espesyal ang lugar na 'to.
May mga ibat-ibang makukulay na papel na hugis puso ang nakadikit sa dingding at mga nakasabit. Mga lobong pula sa paligid. At mga fetals ng rosas sa bawat tatapakan niya.
Isang maliit na table sa gitna at dalawang bangko, para samin.
Makaluma man. Madami man ang nakagawa na nito. Hindi ko ikahihiyang gawin sa kanya 'to. Basta ang mahalaga, may ginawa ako. At naiparanas ko sa kanya ang tulad nito.
Hindi, nagsasalita si Eliza lumilinga-linga lang siya sa paligid, na tila ba tinitignan ang bawat dekorasyon sa paligid.
Hinila ko ang, bangko para makaupo si eliza sa kanyang upuan. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata, at naupo na siya.
Agad na din akong umupo sa upuan, kung saan kaharap ko siya. Nakakabingi ang katahimikan sa ma oras na to. Ang tanging naririnig ko lang, ay ang mabilis at malakas na pagkabog ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, pero kaylangan ko ng magsimula.
"Ahm, Eliza?"kinuha ko ang kanyang atensyon, at ng mangyari 'yon, tinitigan ko siya sa kanyang mga mata.
"Y-yes?"nag-aalangan niyang sagot.
"A-Ano, kasi. Ah, mahal kita."huminto ako saglit, at hinawakan ang kanyang kamay. "Ewan ko kung papano, o kaylan nagsimula tong paghanga ko sayo. Ilang beses akong sumubok magtapat sayo, pero lagi akong naduduwag, at laging natatakot. Yung, bang nagseselos ako kapag may kasama kang iba. At Nalulungkot ako kapag hindi kita nakikita. Nababaliw ako, kapag iniisip kita. Mahal na mahal kita Eliza."seryoso, kong binitawan ang mga salitang aking binitawan. Hindi ko alam, kung ano ang sasabihin niya, ang tanging nakikita ko lang sa mga mata niya ay may sumisilip na mga luha at malapit na itong mahulog sa mapupula niyang pisngi.
"Sorry, Vincent."at tuluyan na ngang bumagsak ang kanyang mga luha."May boyfriend na ako. si Alex." hinigpitan niya ang hawak sa aking kamay at tinitigan ako sa mata.
"Alam mo ba vincent na? Gusto din kita? Matagal na kitang gusto? Oo matagal na akong may gusto sayo. Kahit kasi, hindi mo sinasabi sa akin na mahal mo ako. Naramdaman ko ang lahat ng 'yun. Sa pagiingat mo sa akin, sa pag-aalala naramdaman kong may pagiingat at pagiintindi ka sa akin. Kaya minahal kita." Pinunasan niya ang kanyang mga luha, na patuloy na bumabagsak sa kanyang pisngi.
"Naiinis ako vincent, sa sarili ko dahil, hindi ko pinaglaban ang nararamdaman ko para sayo. Na-natakot ka-kasi ako. N-na baka, mali lang a-ako ng nararamdaman p-para sayo. N-na b-baka, nagaassume lang ako na nararamdaman kong mahal mo din ako." Sa bandang 'to, nag-iiba na ang tono ng kanyang pananalita. Ramdam ko ang lungkot, inis at panghihinayang sa kanyang mga salita.
"Antanga-tanga ko vincent! Ang tanga-tanga ko! Dapat pala, sinabi ko sayo na mahal kita, dapat sinabi ko na may feelings ako para sayo, na may pakialam din ako sayo. Bilib na bilib ako sayo vincent, kasi ang tapang tapang mo. Kahit, na ilang beses kang naduwag, natakot, at pinanghinaan ng loob. Gumawa ka ng paraan para masabi mo ang nararamdaman mo para saakin. Ipinaglaban mo ko! Salamat vincent."sa puntong ito, umiyak na siya ng umiyak.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Wag ka ngang umiyak! Hindi, ganyan yung eliza'ng hinahangaan ko. Tignan mo ko sa mata."at ng nakatingin na siya sa mga mata ko, pinunasan ko ang kanyang mga luha. "Alam mo? Masaya ako, kasi nasabi ko na, na mahal na mahal kita, kung gaano ka kaimportante sakin. At kung gaano kita pinahahalagahan. Masaya din ako dahil nalaman kong minahal mo din ako. Nanghihinayang ako, kasi kung dati ko pa pala nasabi ang lahat, at kung hindi ako naduwag nung mga panahong gustong gusto kong magtapat sayo ng aking nararamdaman. Edi, sana naging tayong dalawa. Edi sana, maaalagaan kita, mababantayan kita at masasabi kong akin ka. Pero ganun siguro talaga, hindi talaga siguro tayo para sa isa't isa.
Basta lagi mong tatandaan, sa oras na ikaw ay, masaktan, lokohin at ipagpalit ni Alex. Andito lang ako, maghihintay ng maghihintay, hanggang ang tadhana na ang gumawa ng paraan upang tayong dalawa ay maging para sa isa't isa. Mahal na mahal, kita at hinding hindi magbabago 'yun.
"Mahal din kita vincent! sambit niya sabay yakap sa akin ng sobrang higpit. T.T"
The end.
BINABASA MO ANG
Say it before it's too late (OneShotStory)
RomanceSay it before you run out of time. Say it before it's too late. Waiting is a mistake.