t-shirt...

68 1 0
                                    

 d_EVIL_one’s POV

@@@@

Almost 2 years na rin ang nagdaan noong pumasok kami ng aking kaibigan na si daikz sa DATA COLLEGE, computer  technician ang kinuha ko, sya naman AY comsci. First day of school madami na rin kaming nakilala. Meron syang naging kaibigan, maputi , matangos ang ilong may itchura naman  kaso nga lang tahimik at my pagkasuplada. Madalas ko syang binibiro at inaasar noon. Masaya ako kapag naasar ko sya, hindi ko alam pero talagang nageenjoy akong asarin sya. Kung tawagin ko nga sya “timang” eh o kaya “wacha” naging taekwondo player kasi sya noong high school. Ibang-iba sya sa mga babaeng nakilala ko, masyado syang weird and mysterious.. madalas noon na hindi kami pumapasok ni daiks, wala kaming ibang ginagawa kundi mag online games. At isang araw na nag cut kami ng klasi sumama si timang , ayos yun dahil may maaasar  nanaman ako. Magmula noon madalas na naming syang nakakasama at syempre madalas ko din syang naaasar.

Kapag nakikita na nya akong paparating , talagang nagsasalubong  ang kanyang mga kilay. Ang totoo nga nyan hate na hate ako nyan. Kung sigurong irarate ako sa mga mamamatay mundo, 100% sigurado ang grade ko, kapag nga tumatawa ako suklam na suklam sya eh. Madalas kaming nagsusumbatan at kapag nga ninaasar ko sya, madalas wala syang comment, tapos sasabihin nya lang “nakakasawa ka na” tapos nga kung tatanungin ko  sya kung bakit hindi sya naaasar… response nya “hindi ako pikon” sabay snob…

Kapag pumapasok ako ng school, sya ang una kong hinahanap, Ganado ako kapag naaasar ko sya. Iba kasi ang feeling kapag napipikun ko sya eh…

Yes!!!! Nakuha ko  rin ang number nya, at kahit sa text unlimited na pikunan na naman…                              ang sarap talaga ng feeling,, asar  talo si timang…

Hmmm.. minsan biniru ko sya at nanghingi ng t-shirt sa kanya , sabi ko remembrance… ayaw nya kaya tuloy nasabi ko sa sarili ko,   “damot ng buysit na ‘to”

Kinabukasan,  bago matapos ang klase tinanong ko kay daiks kung may dalang t-shirt para sakin si timang, todo tanggi  pa na wala syang dalang t-shirt, sabi pa nya   “HU U” grrrrr….

Hanggang sa napilit ko sya at ibinigay sa kin ang t-shirt na nakatago sa bag nya.

Noon nalaman kong  meron syang dalang t-shirt para sa akin. Napaisip ako, halos hindi ako makapaniwala na nagbigay ng isang bagay  sa akin yun… eh hindi nga kami magkasundo nun eh…

Ilang araw din na  nagtatanong ako sa sarili ko kung bakit nya ako binigyan, eh hate nga nya ako e..

Minsan pumunta kami sa porac, part ng nstp namin, sumama ako dahil siguradong mage enjoy ako dahil nandoon si timang. Pagdating doon, ok naman ang bonding  at kahit doon walang humpay parin ang asaran, pero nagdududa na ako sa sarili ko. Bakit di ko sya maiwasan biruin at asarin…

Pauwi na rin kami noon at sobra ang alikabok sa daan.  Pinahiram  ko si daiks ng ng extrang damit para pantakip. Napansin ko din si timang na napupuwing  na sa alikabok kaya pinahiram ko din sya ng isa pang damt. Ayaw pa nga  nyang kunin,, pinilit ko lang…

Dumaan ang ilang araw , nagtataka na ako sa sarili ko. Bakit iba ang pakiramdam ko kapag nandyan sya?! Ano bang problema ko?! Hindi kaya mahal ko na sya kaya ganito ang pakiramdam ko. Naisip ko, Malabo naman yata yun, matapos na ang buhay ko ngayon hindi ko mamahalin yun.

Dumating ang puntong palagi ko  na syang hinahanap.  Nawawala na yata ako sa sarili , bat ba nagiiba ang pakiramdam ko.. grrrr.. kainis… Kapag hindi ko sya nakikita, nawawala ako ng ganang maglibang..

Ilang araw na naman ang lumipas. Naisipan kong umiwas na lang sa pamamagitan ng hiindi na pagpasok sa school. Ok naman ang ginawa ko, nag improve naman kahit kaunti. Hindi ko na sya  gaanong naiisip..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

t-shirt...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon