Kaibigan,Naalala mo pa ba?
nung minsang tayo ay magkasama.
Ang sarap balikan ng masasayang ala-ala, diba?
Natatandaan mo pa ba? nung mga bata pa tayo,naglalaro tayo sa kalsada at sabay pa nating sinigaw sa hangin ang katagang "WALANG IWANAN".
Pero alam mo ba kung ano ang pinakamasakit? nung sinabi mo sa akin "PAALAM MATALIK KONG KAIBIGAN, SAPAGKAT KAILANGAN NA KITANG IWAN AT IWASAN?"
Bakit?,ano bang ginawa ko sa'yo para iwan at iwasan mo ako?
Para saan?
Para ako ay saktan?, kung kailan ang loob ko ay nahulog na sayo?
kung kailan mahal na kita...
Pilit kong tinatago ang aking nararamdaman para di mo malaman ang masaklap na katotohanan.
Pilit kong kinakalimutan ang mga bakas ng ating nakaraang kailan ma'y di na magaganap.
Alam mo bang hanggang ngayon patuloy paring nananalatay sa aking isipan na "hindi na iyon mauulit at mangyayari kahit kailan",dahil iba na ang iyong tinuturing at hinahangaang mas higit pa sa kaibigan.
Masakit mang malaman pero kailangan tanggapin ang katotohanan, na ikaw ay isang NAKARAAN lamang.....____________________________________
CREDITS TO: PINK LADY