TDHDHP
(islehSammy)
******
Sabi nila, Ang Love story daw palaging may happy ending. Pero di naman ako naniniwala dun. Kasi ang LOVE walang ending.. Di yan natatapos kahit pa nasa kabilang mundo na yung isa sa mga taong nagmamahalan. Tutuparin at tutuparin niya pa din ang pangako niya sa taong mahal niya na walang katapusan niya itong mamahalin at pangangalagan. TILL DEATH DO HIS PART..
******
*Kriiing! Kriiiing!*
Hay nakuu! ayan na naman ang alarm clock kong napakaingay! tsk. >.< Kung hindi lang yan bigay sakin ng classmate kong minamahal sa patagong paraan eh.. malamang naitapon ko na yan! Palagi daw kasi akong late kaya ayuuuun. nagregalo saken ng alarm clock nung christmas party last year. Haaaay! Ang bait niya talaga.. Sana lang malaman niya kung gano ko siya kamahal. Kaso mukang ala ng pag asa, kasi hayun sya.. mukhang INLABabo na dun sa Bestfriend ko!
"Hoy Crishane Samantha! Baka naman gusto mo nang bumangon dyan! Abaaa! Susmaryosep na bata ito. May alarm clock na nga eh ayaw pang babangon! Hoooy Crishane, Malelate ka na naman!"
Ayan naman ang pangalawa kong alarm clock. Si nanay. Pero sa lahat ng aalarm clocks ko.. Siya ang pinaka love ko! Abah' PRICELESS ata yan! By the way,hindi ko pa nga pala naipakikilala ang sarili ko. Im Crishane Samantha Viola. Bunsong anak nila inay at itay at may dalawang kapatid.
"Crishane! Bangon na diyan' Abah ayoko atang malate sa first day of school ng dahil lang sayo!"
Yan naman ang kuya Crisleh ko na sobra kug makakatok sa pinto ko.
"Opo kuya, eto na nga!" Yan na lang ang naisagot ko at bumangon na ako sa aking himlayan. (Himlayan talaga eh noh?? XD) Ginawa ko na lang yung daily routine ko at binilisan para di na umangal ang kuya ko! haha. ^.^
"Dyaraaaaan! Tara na kuya!"
At yun na nga, inihatid na niya ako sa school ko. Sa TOSMEHANZALAPAR Academy nga pala ako pumapasok. (A/N: Tosmehanzalapar po ay surnames namin ng mga barkada ko. montealTO, OSmillo, MEa, matanguiHAN, mendoZA, oLAp, Perez, titulAR. Trivia lang. XD)
Ooooooops! Di porket pang mayamang school yan eh mayaman na kami ha! Scholar kasi ako kaya naaford kong pumasok sa ganyang school! *Aheeem* Iba na talaga ang nagagawa ng matatalino. Hahah! Nakita ko nga pala sa Bulletin Board na IV-A ako pati yung bestfriend kong si Eiselle Louise Montealto. And guess whaaat! ^____^ Classmates ulet kami ni Veejhay Joshua Escalona! Remember? yung kinukwento ko senyong taong ahal ko! Hihih. *^.^* Kaya ayun nagtungo nako sa aming room, at seatmate ko ang bestfriend ko. Ano pa bang bago dun? XD
First subject namin ay English Which is yung adviser namin yung teacher. At tulad ng dati, ang pinaka ayaw kong gawin.. ang 'Introduce Yourself" thingy na yun. By lines ang pagkakasunod sunod kaya naman nung si Veejhay na ang magpapakilala eh saka lang ako nakinig. Bad ba? haha. Di naman. Konti lang! XD
"Good morning classmates. Good morning ma'am. I'm Veejhay Joshua Escalona, and I know all of you guys know me. So no need to introduce myself!" ^.~
Pakindat kindat pa eh, kaya ayun tilian tuloy ang mga Girls. Kenes! >.<. Pogi niya talaga sikat pa! Kaya nga wala na talaga akong pag-asang magkagusto ang gaya nya ang isang simpleng estudyanteng gaya ko! Di tulad nitong katabi ko-slash Bestfriend ko na palagi niyang nakakausap at mukang INLAB sa kanya! Teka, tumingin ba sya dito sa side ko? Gooosh! Hallucinate! Hallucinate! :)) OOow! Teka, tiningnan ko tong katabi ko? Nakangiti sa kanya? Awww! Di pala saken nakatingin. Kay Eiselle pala! :( Wala na!! Titig na ulit ako sa bintana!.