Prologue

10 0 0
                                    

Hope Natividad

“ Cristelle, I'll be back in the Philippines tomorrow! ” Bati ko kay Cristelle ng tinanggap niya ang tawag ko.

“ Really Hope? OMG! I'm so excited na!” Nakakarinding sigaw ni Cristelle.

“ Relax Cris, sige papasok na kami sa Airport para magcheck-in. ” Sambit ko sa kanya tapos binaba ko na ang phone.

It's really been a long time ng makabalik ako sa Philippines. Nag-migrate kasi kami ng family ko ng may bagong pinakasalan si Dad. Pero sa kasamaang palad, the girl that my Dad married was a Gold Digging flirt. But now I'm happy cause I'm gonna see again my Mom.

Nagcheck-in na kami at hinihintay nalang namin na  makarating ang Plane na sasakyan namin. Tinabig ko si Kuya Anjo para mapansin niya ako, kanina pa kasi siya nakatutok sa mga babaeng katapat lang namin.

“ Kuya, pati ba dito sa Airport you'll do your Sexy Girl Hunt? ” Tanong ko sa kanya na dahilan ng pagbago ng kanyang ekspresyon.

“ Hope, if your a Man like me you'll understand why I like girls. ” Sagot niya tapos bumalik na naman sa pagtingin ng mga babaeng naka shorts lang.

“ Kuya Anjo, playboy ka lang talaga. At kung maging lalake man ako, stick to one ako no! ” Hindi talaga ako tutulad sa kanya.

--

Salamat naman at nakarating na kami sa NAIA. Nakita ko naman agad si Cristelle na may banner na may nakalagay na Welcome Back Natividad Family at sulat kamay pa ‘yun. Ang galing talaga ni Cristelle.

“ Cristelle alam mo, miss ka na ni Kuya Anjo. ” Bulong ko sakanya.

“ Wala na akong pake sa kanya Hope. Dapat lang sa kanya na naghiwalay kami. ” Sabi niya na alam kong pinatatamaan si Kuya.

Then nagkaroon ng katahimikan.

“ Dad, where is our service? ” Binasag ko na ang katahimikan.

“ They are here. ” Then tinuro niya ang dalawang driver na magsusundo sa amin.

“ Hope, I'll just see you at your house later. Pupunta pa kasi ako sa school, kaylangan ko pa pumunta sa practice namin. ”

“ Sasama ako sayo. Gusto ko kasi na alamin ang pasikot sikot sa Royal High. ” Then kinaladkad ko siya palayo.

“ Hope, dalawa ang Van na susundo sa inyo tapos dalawa lang ang sasakay? ” Tanong niya ng makalayo kami sa kanila.

“ Hayaan mo na Cris. I'm tired of their seriousness. I want to be crazy. Remember? When we were at our Grade School? We did a lot of crazy things. ” Paliwanag ko sa kanya.

“ That was before. I don't want you to go to Royal High today. ”

“ Why? ”

“ Today is Friday. Nag absent lang ako. ”

“ Bakit may problema ba sa Friday? ”Tanong ko.

“ You really want to go? ” Tanong niya.

I just nodded at her and then pumunta na kami kung asan nakaparada ang sasakyan ni Cristelle. Umupo ako sa passenger seat. Tinignan ko si Cristelle pero ang seryoso niya.

--

Pagdating namin sa school. Pinarada muna ni Cristelle ang sasakyan sa Parking Lot. At bumaba na kami.

“ C.R. muna ako Cristelle. ” Hindi ko na hinintay ang sagot ni Cristelle at pumunta na ako kung saan ang C.R.

Alam ko kung asan ang C.R. dahil dito ako nag Grade 7. Mabuti nalang na walang tao sa mga room na nadadaraanan ko. Marami na talaga ang nagbago. Pero ang nakakataka ay ang dahilan kung bakit ayaw ni Cristelle na pumunta ako dito dahil daw biyernes.

Pagdating ko sa C.R. nagulat ako dahil parang abandunado na ang mga lugar na ito. Lumayo ako, humakbang ako paatras. Natakot na ako. Tatakbo na sana ako pero may nakakuha ng atensyon ko.

Isang makintab na bagay. Linapitan ko ‘to, paglapit ko nakita ko ang isang kutsilyo. Ang kutsilyo ay puno ng dugo. Tumakbo na ako pero nakita ako ni Cristelle. Tumakbo ako palapit sa kanya at ganoon din siya. Yinakap ko siya. Pagtapos ko siyang yinakap ay magsasalita na sana ako pero may nakita akong tao na papalapit sa amin na may dalang kutsilyo.

“ Cristelle! ” Sumigaw nalang ako ng papalapit siya sa amin.

Tumingin sa kanya si Cristelle at nailagan niya ito. Tumakbo agad ang misteryosong tao at hindi na namin siya sinundan. Dumapa ako at ganoon din si Cristelle. Hinawakan niya ang mga kamay ko. At tumingin siya sa mga mata ko.

“ Okay ka lang ba? ” Alalang-alalang tanong ni Cristelle.

“ Explain mo nga Cristelle. ” Sambit ko. Huminga muna siya ng malalim.

“ Every friday pumapatay ang killer na ‘yon. At ito ang naging hunting ground niya. Swerte nalang tayo na hindi niya tayo pinatay. Siya ang Serial Killer ng school na ‘to. Alam ko na mahirap paniwalaan, pero isa siyang student dito. Since the first friday of June may pinatay na siya. At ngayon, tayo sana ang mamatay. ” Paliwanag niya. Napanganga nalang ako dahil sa mga sinabi niya.

Tumayo ako at ganoon din siya. Mabilis kaming umalis sa lugar na ‘yon at pumunta nalang kami sa room niya. Hinatid ko siya, pinapasok ko siya.

“ Well, it seems someone is absent this Friday. ” Nakapamewang na sabi ng isang babae kay Cristelle.

“ Ziela, absent ako dahil sinundo ko siya. ” Pagsabi niya ay tumingin siya sa direksyon kung asan ako nakatayo. Nagulat naman siya na para bang nakakita siya ng multo. Ngumisi naman si Cristelle sa kanya at umupo.

“ Ms. Ziela Fernando please go back to your seat, ” Utos ng teacher nila.

“ Huy matanda, kung gusto mo pa magtrabaho dito tumahimik ka. ” Sagot ni Ziela sa Teacher nila. Hindi talaga siya nagbago, inaabuso niya kasi ang kapangyarihan ng kanyang ama. Congressman kasi ang ama niya.

Tumahimik nalang ang guro nila at nagpatuloy sa pagsulat ng mga equations. Umupo nalang si Ziela at si Cristelle. Nakita ko naman na may maraming mga mata ang nakatutok sa akin. Umalis nalang ako at pumunta ako sa Cafeteria. Pagdating ko sa Cafeteria ay umupo agad ako sa pinakamalapit na upuan. Luckily ay ako lang nandito. Oo nga pala, may klase pa sila.

Ang hindi ko talaga maintindihan ay ang kutsilyong puno ng dugo. At ang killer na tuwing biyernes pumapatay.

“ Kyaaaaaaaaaaaaaaa! ” Ano ‘yon? May sumigaw!

Lumabas ako at pumunta agad sa lugar kong asan ko narinig ang sigaw. Lumapit ako sa babae na sumigaw.

“ Bakit ka sumigaw? ” Tinanong ko siya pero hindi siya sumagot kung hindi ay may tinuro siya. Tinignan ko ang direksyon kung asan siya tumuro.

May... May patay. Napahawak ako sa dibdib ko at pinigilan ang pagsigaw. Ang katawan niya ay puno ng dugo. Isa siyang lalaki na naka boxers lang. Nakahandusay ang katawan niya at puno ng dugo ang katawan niya. Nakabukas ang mga mata niya. Ang pinakamaraming dugo ay ang kanyang abs.

Nagsilapitan naman ang mga students sa kinakaruunan namin. Lumapit sa amin si Cristelle. Halata naman na nagulat siya pero parang hindi din.

“ Kendrick San Diego, a Grade 9 student, a Tennis Player, and the Boyfriend of Ginger, he is also the 9th victim of the killer. ” Sambit ni Cristelle. Paano kaya niya nalaman? Mamaya ko nalang siya tatanungin.

May lumapit naman sa katawan ni Kendrick.

“ Hindi! Kendrick my love! ” Sigaw ng babae, kung hindi ako nagkakamali siya si Ginger. Siya ra kasi ang nagreact ng todo.

So Royal High is a place where a serial killer study? Then let us see how it will end. I'm scared and at the same time angry. Bakit siya pumatay? Bakit tuwing biyernes? Bakit dito lang na lugar? So many questions, but still no answers.

Is this school safe? Well, it's my idea to come back here. So kaylangan ko panindigan ang desisyon ko.

The Serial KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon