Hope Natividad
Umatras ako para tumakbo dahil nagugulahan na ako. Pero sa kasamaang palad natumba ako, mabuti nalang nasalo ako ng isang lalaki na pamilyar ang mukha. Teka, siya ‘yung namatay. Teka, bakit naka-uniform siya? Nabuhay siya? Tinulungan niya ako na makatayo.
“ Teka ikaw ‘yung namata-... ” hindi ko tinapos at tumingin ako sa bankay. Nandoon pa naman ang bankay ah. Tumingin ako ulit sakanya. Lumapit sa akin si Cristelle.
“ Siya pala si Kenshi San Diego kambal ni Kendrick. ” Sambit ni Cristelle. Kaya pala kamukha niya yung mamatay. Pero kung kambal niya si Kendrick, bakit hindi siya malungkot? Parang masaya pa nga siya.
“ Hi Hope, ” then nilagpasan niya lang kami at lumapit sa bankay. “ Nararapat lang ‘yan sayo Drick. Inagaw mo kasi siya sa akin. ” Sambit niya, teka totoo ba talaga na kambal niya talaga si Kendrick?
“ Ano ka ba Kenshi, kapatid mo siya. At hindi lang kapatid, kambal mo pa! Walang hiya ka! Mahal ko siya, kaya hindi kita pinili! ” Sigaw ni Ginger sakanya. Luhaan na nagsisigaw si Ginger, malamang apektado pa rin siya sa nangyari.
Lumapit si Ziela sakanya at hinihimas ang kanyang likod. Kawawa naman si Ginger.
“ Requesting all of the students to go back to your respective classroom. The staff will take care of it. And Ziela, Dale, Ginger, Kenshi, Cristelle and the girl Cristelle brought here please stay there.Thank You. ” Announce ng speaker. Nagsibalikan naman ang mga students sa kanilang mga classroom. Bakit kaya kami pinaiwan dito?
Ang naiwan nalang dito ay si Ziela, Dale, Ginger, Kenshi, Cristelle at ako. Inip na inip na si Ziela habang si Ginger umiiyak.May mga lumapit na staff sa katawan at kumuha ng picture. May matandang babae naman ang lumapit sa amin.
“ I know most of you know me but I’ll still Introduce myself. I'm the Aunt of Kendrick San Diego, I'm Candy Alvarez. I am the owner of this school. As the owner, I can have the footage of the CCTV near this place. And we saw the six of you. Ziela you was with Ginger and Kendrick. Dale, you was with Kendrick five minutes before he was with Ziela and Ginger, Kenshi you was with Kendrick five minutes after he was with Ginger and Ziela. Cristelle and you, ” then tinuro niya ako. “ The both of you was here, two minutes before the body was found by a girl named Sharmina. Base on what she said, she got a note on her locker saying” Then may pinakita siya na isang sticky note na nagsasabing Your science book is on the Hunting Ground.
So ibig sabihin pinapunta ang witness sa Hunting Ground para makulay ang scene? Pero ang hindi ko maintindihan ay ang kutsilyong puno ng dugo bago ko nakita ang katawan. Hindi pa nga ako naka transfer nagsimula na ang kababalaghan. Ano ang ibig sabihin nito? Dinala ko ang kababalaghan na galing pa sa labas? Sinundan ba ako ng killer galing U.S. ? Hindi naman sana. Oo nga, hindi na dahil sabi ni Cristelle na may pumapatay na bago ako makarating sa pilipinas.
“ And that makes the five of you the Suspect. ” Sambit niya na dahilan ng pagkagulat ko.
Serial Killer
Dinala ko si Kendrick sa Hunting Ground ko para bawian na siya ng buhay. Salamat naman na madali lang siya kumbinsihin na pumunta dito. Ang bobo niya, hindi pa niya alam na ako ang killer.
Dinala ko siya sa lugar na hindi masyado makikita sa CCTV. Tinulak ko siya kaya siya napa-upo sa lupa.
“ Alam mo Kendrick? Kinamumuhian ka namin. Alam mo, inagaw mo lahat sa akin. Hindi, let me rephrase that. Inagaw mo lahat sa amin. Sa amin na sana ang kasikatan na sana nararapat para sa amin. Pero dumating kayo, inagaw niyo lahat! ” Hindi ko na napigilan ang sumigaw.
Kinuha ko ang kutsilyo na nasa loob ng bulsa ko. Sinaksak ko siya, sa abs niya. Mabuti ‘yan sakanya.
“ Bakit mo ginagawa sa akin ‘to? ” Panghihinang sabi ng walang hiyang taong ‘to.
“ Bakit? Tanungin mo ang sarili mo kung bakit! Ah, baka dahil sa ginawa mo! ” Tinanggal ko ang kutsilyo at ibinaon sa dibdib niya.
Kawawa namn siya, naging prey ko siya. Kasalanan kasi niya na inagaw niya lahat.
Hinubaran ko siya. Hindi nababagay sakanya na naka-uniform. Dapat sakanya nakabarong, dahil patay na siya. Tinapon ko ang kutsilyo at naghintay na makarating na si Sharmina.
Pero imbes na si Sharmina ang dumating si Hope ang dumating. Bakit siya nandito?
Natakot siya kaya aalis na sana siya. Matutuwa na sana ako, pero nasinagan ng araw ang kutsilyo kaya nakuha ang atensyon ni Hope. Malas naman! Lumapit siya sa kutsilyo. Ang malas ko ngayon. Dumating pa si Cristelle. Mabuti nalang na lumapit sila sa isa't isa.
Kaylangan ko patayin si Hope. Alam niya na may ebidensya. Hindi pa naman ako nag gamit ng gloves. Kaylangan wala ang magsasabi na may ebidensya. Dahil malilintikan ako.
Sumunod na ako pero nakailad si Cristelle. Tumakbo nalang ako palayo. Kaylangan ko pumunta sa Guard House. Kaylangan ko burahin ang footage na may nakita si Hope. Kaylangan ko ring burahin ang footage na umatake ako. Ngayon lang ako na pressure ng ganito. B*llshit naman! Dahil ‘to kay Hope.
Kinuha ko muna ang kutsilyo at linagay sa bag ko. Pumunta na ako sa Guard House. Dumaan ako sa likod para hindi ako makita ng mga kaklase ko.“ Manong Fred, kung hindi ako nagkakamali pinapatawag ni Ms. Issa. Kung wala siya sa Cafeteria baka nandoon siya sa Computer Room. ” Sambit ko sa Guard. Mabuti nalang na bagohan at madali lang siyang utoin.
Nahorapan ako na malaman ang password kaya natagalan. Tinignan koi muna ang Guard kong malapit na ba siya dito. Nang makita ko na malayo siya sakto din na na-open ko. Sinumulang ko na ang pagbura. Binura ko na ang footage kung saan makikita na may nakita si Hope. Nabura ko na rin na umatake ako sa kanila. Ang ibubura ko nalang ang footage kung saan dinala ko si Kendrick. Umalis na ako at pumunta na sa classroom.Pagpunta ko, narinig ko na ang sigaw ni Sharmina. Senyales na ‘yun para sa gagawin kong pangalawang plano.
Hope Natividad
Naghihintay kami ngayon sa Crime Scene. Nakakatawa lang kasi dahil nagaasaran si Dale at si Kenshi. Hindi ko alam kong paano pa sila nagaasaran na may namatay na.
“ Bakit ba ang lungkot niyo palagi? ” Tanong ni Dale.
“ Ah, may namatay kasi. Baka ‘yun ang dahilan. ” Pagpipinilosopo ni Kenshi.
“ Baka nga. Oo nga pala may namatay. Kenshi kaano ano mo ang namatay? ” Talaga bang ganito siya kabobo?
“ ‘Wag nga kayong maingay. May namatay na tapos maingay pa kay-... ” Naputol si Ginger dahil may kutsilyo na dumaan na para bang ginamit na dart.
Natamaan si Kenshi sakanyang braso. Mabuti nalang galos lang. Dumudugo na ang braso niya. Pero napunta pa rin ang kutsilyo sa taong nasa likod ni Kenshi.
“ Ahhh! ” Sigaw ni Ziela dahil natamaan siya ng kutsilyo at tumama ito sa tiyan niya.
Bakit kami ang suspect? Hindi naman kami dapat ang suspect dahil meron din ang gustong pumatay sa amin. Wait! Ibig sabihin dalawa ang killer?
BINABASA MO ANG
The Serial Killer
HorreurRoyal High a school full of fun and adventure. But Hope Natividad, a freshman in Royal High, found the dark side of Royal High. When she witnessed a crime happened at her school, and then she became one of the prey of the Wild and Furious Predator...