Chapter 1 | Juliet in Converse Sneakers

52 3 0
                                    

Chapter 1 | Juliet in Converse Sneakers

***

Simula bata pa lang ako, mahilig na ako sa fairy tales. Lagi kong kinukulit si Papa para magkuwento sa'kin tuwing gabi - hindi niya naman ako ma-hindian - ako kaya ang natatangi niyang prinsesa! Oo, ako lang ang nag-iisang anak na babae sa'min. Hindi naman ako spoiled, pero spoiled ako sa kuwento. Dapat laging may fairy tale book na nakahanda bago ako matulog. Adik talaga 'ko nung bata ako.

Siguro nga, naubusan na si Papa ng mga ikukuwento niya sa'kin at nagimbento na lang siya eh!

Pero syempre, things change. People change. Everything changes over time.

At ang dati kong mala-fairy tale na buhay ay naging isang living nightmare. Akala ko mapapatahimik ko ang aking nakaraan pero hindi naman kasi ganon kadali kalimutan ang mga lumipas na panahon. At hindi na talaga nakakatuwa ang tadhana! Hmpf!

Sobrang init! Sobrang init parang sinusundan ako ng araw sa bawat lugar na pinupuntahan ko! Nakakainis yung init! Napairap na lang ako sa sobrang init. Rinig na rinig yung pagmamadali ko papunta sa sixth floor! Jusme, sa lahat ba namang kasing lugar, sa sixth floor pa!

Walang masyadong tao sa Far Western University, siyempre, sino ba namang magpapiuuahuli? Friday na ngayon! Pero eto ako, basang-basa sa sarili kong pawis - nakakadiri na - tumatakbo papunta sa gym para sa practice namin.

Romeo and Juliet ba naman yung play?! Hayst. Okay na talaga eh! Hopeless romantic ako at alam yan ng mga kaibigan ko pero grabe! Hindi naman ako informed na kapag adik ka sa isang libro, automatic ikaw na si Juliet! Hmpf!

Huminto ako sandali, at halos napaluhod na sa sobrang pagod. Pagkatingala ko, halos lumuwa na yung mata ko sa mukha ko! Third floor pa lang?! Ano ba naman 'to! Feeling ko inakyat ko na yung buwan, tapos third floor pa lang?!

I sighed. Walang saysay kung magsasayang pa 'ko ng oras, siguradong pagagalitan na 'ko ng mga kaibigan ko! Late na late na 'ko!

Pero hindi ko talaga kaya! Patawarin na po sana ako, pero ang hirap talaga tumakbo nang naka-heels! Dumaan muna 'ko sa locker room para makuha yung Converse ko at halos matawag ko na lahat ng santo nung nasuot ko na yung sapatos.

Pangiti-ngiti pa 'ko dito, tapos naalala ko yung pupuntahan ko. Napairap na lang ulit ako at mas madaling nakatakbo with matching padulas-dulas pa sa newly waxed floor nung school.

Sa awa ng Diyos, nakarating din ako roon ng buhay! Halos halikan ko na yung semento nung makaakyat ako eh.

"Hala, buhay ka pa pala!" Narinig kong sigaw nung best friend babe kong si Bea. Inirapan ko nga. "Hoy, umayos ka diyan ha! Mamaya dukutin ko yang eyeballs mo!" Banta nito at ako naman itong hingal na hingal pa, tumango-tango na lang. "Late kang bruha ka!" Sigaw niya ulit habang papalapit sa'kin at napangiwi na lang ako, hinahabol ko pa rin yung hininga ko. Jusme, sa totoo lang mabibingi na 'ko dito eh! 3.662794 feet lang ang layo namin sa isa't-isa, akala mo nasa NAIA siya eh. Juskopo.

"Ano ka ba! Nakakapagod kayang umakyat dito!" Reklamo ko naman. Piningot ako! "Ahhh! Child abuse!"

Inirapan ako bago hilain ako gamit yung buhok ko papasok ng dressing room. "Ow. Ow. Ow. Ow." Sambit ko habang enjoy na enjoy naman siya. "Masakit Beatrice ha!"

"Parusa mo 'yan! Late na late ka!" Hinampas pa 'ko ng bruha, kaya nagdabog pa 'ko bago ako umupo. "Umayos ka ng upo! Ang hirap-hirap tahiin nung damit na yan, tapos gugusutin mo lang?! Ayos ka ah!" Hinila niya braso ko hanggang umayos upo ko.

Kinuha niya yung makeup kit dun sa vanity. Umirap na lang ako. Makeup na naman! Sa lahat ng pwedeng ilagay sa katawan, makeup pa?! "Eh, bessy, wag na lang makeup, please. Makati sa mukha eh." Pagpupumilit ko.

Chasing Alexa [TAGLISH] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon