Chapter 2 | Drag Racing & Donuts

28 3 0
                                    

Chapter 2 | Drag Racing & Donuts

***

"Hoy, Alexa, ano yan?" Ani Casey habang pilit niyang tinitingnan yung ginagawa ko sa DSLR ko. "Bakit ka may camera?" Napabuntung-hininga na lang ako at pinilit ubusin yung laman nung Starbucks ko.

"Oo nga, babae," Sinundot naman ni Beatrice. Oo, kasama namin 'tong bruhilda na 'to. "Busy-busyhan?" Sabi niya sabay inom sa malamig niyang kape.

"Wala 'to. Tumitingin lang ako ng inspirasyon para sa contest." Nabanggit ko na sa mga 'to yung tungkol dun sa contest at sa mga kapatid ko rin. Proud na proud nga sila eh. Nakakatuwa, at least sila, may pake talaga diba?

Napatingin ako sa labas. Maganda ang araw, hindi ko dapat sisirain yun kaiisip sa mga magulang kong wala namang pake o kung anuman sa'kin. Kung hindi lang siguro kailangan ng tagapagmana, wala na kami ng mga kapatid ko sa mundong 'to. Hayst. Ka-stress.

"Inspirasyon?" Singit naman ni Cheryl na may nakakalokong ngiti. "Ano ka ba, ka-partner mo kaya si Damien," Sabi niya at nag-daydream na. "Boto ko kayo, girl," Bigla niya namang sinabi at napailing na lang ako. "Bagay kayo."

"Hindi. Tao kami, Che. Tao po."

"Walang tao," May narinig na naman akong tao mula sa likod ko at bahagyang napairap na lang ng maalala ko kung kaninong boses yun.

"Ang tagal mo, Joaquin!" Nagtatampo kunyari si Casey. Natawa lang, as usual, 'tong si Joaquin. "Naubos na namin 'yung inorder namin eh, bili ka na lang." Sabi ni Cass. Mukha namang nabagsakan ng langit at lupa si Joaquin.

Kahit kailan, mukhang pagkain 'tong mga 'to eh! "Hi, 'Quin," Bati ko sa kanya habang papalapit siya. Nginitian niya lang kami at patuloy na naglakad papunta sa mesa namin. "Eww, Joaquin, di ka man lang nag-palit ng damit sa school?" Hinila ko siya sa tabi ko at aasikasuhin ko na 'to.

Napangiti ng bahagya 'tong si Joaquin. "Pinagmamadali kaya ninyo ako," Pa-cute niya pang sabi. Sinimangutan ko siya.

"Wag kang pa-cute, pang-aso lang yan," Ewan ko kung bakit, pero automatic na hinanap ng mata ko si Bea. Umiinom siya ng tubig at kunyari hindi ako nag-eexist. Natawa ako. Nag-pout lang si Joaquin.

Inirapan ko 'to at naghalungkat ng pamunas para sa likod niya. Kadiri! Basang-basa! "Sa susunod na magbaba-basketball ka, pwede bang magpunas ka man lang?" Naiinis kong tugon sa kanya.

"Opo, nay," Pang-aasar naman ito at unti-unting tinaas ko yung jersey nito. Tingnan ko nga masama. Pinunsana ko yung likod. Wala namang malisya sa'min 'tong dalawa, kahit 'tong mga babaitang 'to wala ng masasabi dun. Ganito talaga kami ni Joaquin. Sa sobrang close nga naming dalawa, mauutusan ko na 'yang bumili ng pads eh. Pero siyempre nakakailang minsan at aasarin niya pa 'ko dahil sa mga ganyang bagay pero parang ate at kuya kaming dalawa.

"May polbo ka ba, Casey?" Tumungo namin si Cass at nagabot saken ng baby powder. Hinampas, take note malakas na hampas, dun sa likod ni Joaquin.

"Aray! Mahapdi, Alexa!" Napadiresto siya ng upo pero napangiwi lang. Natatawa na kaming apat na babae dun. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao dun sa cafe pero wala kaming pake. Basta kami magkakasama, walang sad moments. Minsan nga sa sobrang close naming tropa, napaghihinalaan na lang na bakla si Joaquin eh. Siyempre hindi no, may kapatid kasi rin siyang mga babae. Tatlo. Kaya parang kapatid niya lang rin kami. Mas malaki nga lang.

Natatawa pa rin ako nung humarap siya sa'kin at saka ko hinilamusan ng polbo yung mukha niya. He gave me a bored look. Mas lalo akong natawa. "Mukha kang espasol!" Tumawa rin sina Cheryl. Pinicturan pa nga si Joaquin eh. Pinsil ko pa cheeks niya. "Kung pagkain ka, pinakasalan na kita." Natawa si Joaquin dun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Alexa [TAGLISH] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon