FFMBF 1

32 1 0
                                    


Sa makabagong panahon ngayon di na uso ang pagmamahalan.. Puro landian na lang ang uso..

Ako si Zafirah Xia Scarlette.. Umibig ng wagas sa isang taong alam kong di mapapasaakin.. Hanggang tingin na lang ako sa taong minahal ko at iyon ang kaibigan ko..

Nagkaroon ka na ba ng isang tao na minahal mo ng sobra sobra at di ka naman minahal pabalik..

1 year na tayong magkaibigan.. Magkaibigan nga ba talaga? oh magkaIBIGan?

Mahirap umamin kasi bestfriend mo ako at bestfriend kita kaya tinago ko ng isang taon..

Minsan gusto ko umamin sa kanya pero na tatakot ako baka lumayo sya sa akin..

Ung feeling na pagsinabi mo na sa kanya na may gusto ka sa kanya tatatratuhin niya na isang biro o di kaya lalayuan ka niya kasi kaibigan lang ang turing niya sayo..

Ito ung gusto kong maitanong sa kanya..

'Gusto kita, Jake..
Sana wag ka lumayo pag inamin ko sayo tong naramdaman ko kasi... kasi gusto talaga kita at natatakot lang ako..'

Minsan yan ung gusto kong aminin pero natatakot lang ako kasi ayaw kita lumayo...

Pero nang dumating siya sa buhay mo lahat biglang nagbago..

Ang magkaibigang naghaharutan, naglolokohan, at higit sa lahat ang pagiging sweet mo sa akin ay nawala ng dumating lang siya sayo..

Hanggang naging kayo.. Nasaktan ako ng sobra sobra.. Iyak ako ng iyak ng malaman ko yan kay Jasper ung tropa natin sa school..

Si jasper ung laging nakikiramay sa puso kong nasaktan mo...

Yung puso kong ninakaw mo ng di ko namamalayan ay tinutulungan ni jasper na malimutan ka..

Si jasper lang ang naka alam na mahal kita.. Tinulungan niya akong kalimutan ka at inayos ang nasira kong puso..

Dahilan upang mahalin ko siya.. Mahalin ang taong di ko akalaing magugustuhan ko..

Hanggang dito na nga lang ba.??

Fall For My BestfiendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon