Secret 1

50 2 2
                                    


Anna's POV


Kasalukuyang akong tumatakbo papalayo sa isang tao. hindi ko siya maaninag, blurred ang kanyang mukha.

umakyat ako sa hagdan ng isang abandonadong lugar, nagiingat na hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Hindi ko alam kung bakit niya ko hinahabol, wala akong maalala na may atraso ako sa kahit na sino.

Nagtungo ako sa pinakamataas na palapag, hindi ko alam kung nasaang parte na ako ng building na ito sapagkat napakalaki, sobrang lawak. 

Kanina pa may bumubulong sa aking tenga

"Umalis ka na!"

"tumakas ka!"

"Dalian mo ang pagtakbo!"

"Dali!"

"andyan na siya!"

Nang marating ko ang huling palapag biglang may humawak sa aking balikat

"Waaaaaaaaaaaaag!" 


Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga  matapos ang masamang panaginip na iyon. hindi ko alam kung totoo ba iyon o sadyang binangungot lamang ako.


Third Person's POV

*SCREEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEECH*

isang nakakabinging ingay ang narinig ni annaleese mula sa labas ng kanyang kwarto

She quickly hide inside her closet, palagi namang ganoon tuwing madaling araw kapag natatakot siya ay doon siya nagtatago ngunit ngayon ay kakaiba, may naglalakad sa hallway ng apartment kung saan siya nakatira.

"HAHAHA! nasan ka na little anna hahaha" sabi ng isang nakakakilabot na boses


Voice changer.

gumamit ito ng voice changer.

*creeeeeeeeeek*

pagbukas ng isa sa mga pintuan ng apartment.

papalapit ng papalapit ang  kanyang mga yabag


'kinakabahan ako' sabi ni annaleese sa sarili.

"My little Anna. HAHAHA! come out come out wherever you are AHHAHAHA!" parang baliw na sabi nito.

nakapasok na ito sa loob ng kanyang apartment kaya't agad hinanap ng kanyang mata ang kanyang self defense kit. hindi din niya alam kung bakit mayroon siya nito basta binili na lang niya nang makita niya.


Dahan dahan niyang binunot mula sa lalagyanan ang isang kutsilyo at baril na may bala.

Biglang natahimik ang lahat, tanging pintig lamang ng kinakabahan niyang puso

ang kanyang narinig sa mga oras na iyon. Nawala ang mabibigat na yabag ng paa na naririnig sa tuwing humahakbang ang sino mang poncio pilato ang nagtangkang palabasin ang takot niya sa katawan.

Mas lalo siyang kinabahan. Binuksan niya ng konti ang pintuan ng aparador na kanyang pinagtataguan at sumilip ngunit mukhang mali ang kanyang ginawa.

biglang dumungaw ang isang napakapanget na stranger sa kanyang pinagtataguan

"Booo! AHHAHAA "

"waaaaaaaaah!" nahintatakutang sigaw niya at agad na itinulak ng malakas ang pintuan upang makalabas sa pinagtataguan

"Nandito ka lang pala nagtatago little anna eh HAHAHAH!"

tatakbo na sana siya papalabas ng kanyang kwarto nang hilahin nito ang kanyang buhok.

"AT SAAN KA PUPUNTA?!"

"bobo ka ba? syempre tatakas ako!"

"HAHAHA SA TINGIN MO MAKAKATAKAS KA?! HINDI!" mukha talaga itong nababaliw kahit naka half mask ito nagconclude nalang kaagad siya. like who the hell would go to her apartment in the middle of the f^cking night?

ipinulupot nito ang kanyang buhok sa kamay at agad na hinampas ang kanyang mukha sa pader at idiniin siya doon. Marahan nitong dinilaan ang kanyang leeg at itinapat ang isang maliit sa kutsilyo

dahil sa malakas na pagkakahampas ay nagpakawala siya ng isang mahinang hikbi na nagustuhan naman ng may hawak sa kanya. tila tuwang tuwa itong makita siyang nasasaktan, tuwang tuwa ito sa hikbi na inilabas niya nang hatawin siyang muli nito sa pader.

sa kabila ng sakit ng ulo ay pasimple niyang kinuha ang kanyang kutsilyo.

Nang iharap siya nito ay wala siyang sinayang na pagkakataon at isinaksak niya iyon sa tiyan ng humawak sa kanya.

tumakbo siya ng tumakbo.

hindi alintana ang lamig sa labas

at ang mga naaapakan niya,

tumingin siya sa kanyang likod at nakitang hinahabol na naman siya nito.

napadpad siya sa isang madilim at abandonadong building at doon napagpasyahang magtago.



________________________________________________________________


alam ko pong bitin pero babawi ako sa next update ahhaha, medyo sinisipag kasi ako.

comment your conclusions guys. 

Babae ba o lalaki ang humahabol kay annaleese? 

May kinalaman ba yung panaginip niya sa situation niya ngayern? haha


Don't forget to vote :* 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secrets of Annaleese GreeneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon