Chapter 03:Kiss

18 2 2
                                    

  Zach P. O. V:

   Nandito na ko sa loob ng room kasama mga kaibigan ko si Blake na ayun nakaearphone,si Travis na kain ng kain ng chocolate na binigay sa kanya ng mga fans nya at si Mathew na assual nambobola na naman ng mga babae.
 
"Ang ganda talaga ng dimples mo!! "-Mathew nagpapacute sa mga babae.
   "Talaga?? "
"Oo naman!! "

Bolero talaga tong si Mathew.

An:Bakit di ka ba bolero??

Hindi no.

   Nakaupo ako sa upuan ko at nakapatong ang isa kong kamay sa baba ko. Natanggal ko ang isa kong kamay na nakalagay sa baba ko ng biglang may sumigaw sa harapan na ikinagulat ko.

"Patingin ako ng 6 pack abs mo Papa Zach!! "

  Ano bang klaseng mga babae ang nandito.

  Hindi ko sya pinansin at binaling ko nalang sa iba ang paningin ko. May lumapit sakin na babae may dalawa syang pusod at nakasalamen. Nakayuko sya sa harapan ko at naginginig na pautal utal sa  pagsasalita.

"Pa.. Au...to... Gr... Aph"
 
Tumingin ako sa kanya sabay ngiti.

"Why not?? "
 
     Kinuha ko yung papel na inabot nya saken at kinuha ko rin ballpen ko na nakalagay sa school uniform ko.  Pagkatapos ko yun pirmahan ay agad kong inabot sa kanya. Tinaas na nya yung ulo.

"Thank you!! "-Sabay talikod at halik sa papel na pinirmahan ko.

   Nagsilapitan naman yung mga babaeng classmate ko.

"Ako man paautograph! "
   "Papicture ako!! "
"Patingin ng abs,!! "
"Ahhhhh.. Go Papa Zach!!"

Napapalibutan na ako ng mga babae.Pose dito pose don. Autograph dito Autograph don,ngiti dito ngiti dun.

    Grrr... Naaasar na ko sa mga to.

   Tumayo ako at sumigaw na halos dumagundong yung sigaw ko sa buong campus.

"Ahhhh.. Tama na!!Ayoko na!! "-sigaw ko

  Nahinto ang mga babae na nakapalibot sakin tumakbo ako papalabas ng room.

"Prince Zach wait!! "
   " Future husband wait for your future wife! "
"Sundan natin si Prince Zach! "

  Naku naman!!

  Binilisan ko pa ang pagtakbo ko.
Naghahanap ako ng mapagtataguan sakto naman na may lumabas na babae sa loob ng comfort room.Hinitak ko sya at hinawakan  yung  likod nya at sinandal .

  Tinakpan ko ang bibig nya.

"hmmmp... Hmmp... "
    "Wag kang maingay!! "

  Tumingin ako sa babae at nanlaki mata ko ng makita ko si Kierra.Nakatingin siya sakin at halatang galit  na galit tatanggalin ko na sana yung kamay ko sa bibig nya ng makita ko na malapit na samin yung mga babae na humahabol sakin.

"Aray bakit mo kinagat  kamay kooo. "-pabulong na sabi ko.
   

    Sa sobrang sakit ng pagkakakagat nya ay natanggal ko yung kamay ko sa bibig nya.

"Ano ba sa tingin mo ginagawa mo?"-nangigigil na sigaw nya.
     "Wag kang maingay!"

    Wala parin syang tigil sa pagsasalita.   Nakita ko na nandyan na yung mga babae na humahabol sakin.

Ano na gagawin ko? Malapit na sila.

"Sorry sa gagawin ko. "

Unwanted FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon