Entry #1

6 1 0
                                    

Dear Destiny,
    Maaga akong pumasok ngayon, para makita kita agad. Sabik na kase kong makita kang nakangiti e. Habang naglalakad ako papunta sa pinapasukan ko hindi ko maiwasang mapangiti Destiny. Naiimagine ko nanaman yung mala anghel mong mukha na para bang bumagsak mula sa langit. Habang papasok ako sa school, biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Kinabahan ako bigla Destiny. Kase, bumungad ka agad. Kasama yung mga kaibigan mo habang nagtatawanan kayo. Sana balang araw, mapatawa kita ng ganyan. Kaso, ano nga bang karapatan ko? Invisible lang naman ako sa paningin mo.



Habang naglalakad ako patungo sa inyo, hindi ko maiwasang yumuko papunta sa tapat ng room naten na kung asan kayo ng mga kaibigan mong nakatambay habang nagtatawanan. Kaklase kita. Kaklase mo ang isang tulad ko Destiny. Nahihiya tuloy ako Destiny. Lalo na ang isang tulad kong may gusto pala sayo.


Habang nasa tapat ako ng room naten hindi ko masabi yung mga katagang "Excuse me" dahil sa nakaharang kayo. Kaya biglang nagsalita yung isa sa mga kaibigan mo ng "Uy mga bhe! Papasukin nyo yung escort ng section naten. Pwe" saba'y tawanan nyo. Napatingin ako sayo habang nakatingin ka saken pero umiwas ka agad at ngumiti na lang ng matipid sa mga kaibigan mo.

Pero ang saya-saya ko Destiny. Kahit napahiya ako sa harapan mo. Kase finally, napansin mo rin ako. Kase kahit nasa room tayo, feeling ko. Invisible lang ako sa paningin mo. Na hindi mo man lang makita-kita kahit na ba magkaklase tayo. Kaya sobrang saya ko Mahal kong Destiny. Salamat.

                                                      Love,
                                                    Joshua

Dear DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon