Oy, Geoffrey! Gumising kana nga jan, tanghali na! Magsasaing kapa ng bigas, magluluto kapa ng ulam, papakainin mo pa ang mga alaga nating hayop! Mayamaya ay dadaan na si Mang Caloy 'sigaw ng yang pinakamamahal na Tiya Elsa.
Si Geoffrey ay ulila na sa kanyang mga magulang, namatay ang kanyang ina noong ipinanganak siya. Ang kanyang ama naman ay naaksidente noong limang taong gulang palang siya. Dahil wala na ngang mag-aalaga sa kanya ay kinupkop na siya ng kanyang matandang dalagang tiyahin at lumuwas sila sa Cebu para doon na mag-aral at manirahan. Kaya kahit pa gaano kadami ang nakalaang gawaing bahay para sa kanya, ay si niya ito kayang iwan ang kanyang tiyahin dahil malaki ang kanyang utang na loob dito. Kng di dahil sa kanya ay mrahil naging palaboy o rugby boy na siguro siya sa Maynila.
Nang marinig ni Geoffrey ang sigaw ni Tiya Elsa ay dali-dali tiong nagising at bumangon.
Opo, Tiya Elsa. Babangon na po.. 'sagot ni Geoffrey.
Agad naman niyang niligpit ang kanyang kumot, unan at ang paborito niyang kulambo.
Ikaw talaga Geoffrey! Bakit ba ang tagal mong gumising? Kanina pa kita sinisigawan! Ikaw talagang bata ka! Sya mag-igib ka na roon ng tubig. Ako nalang muna ang magpapakaain sa mga manok at baboy. Sya, bilisan mo at darating na si Mang Celso.
Si Mang Kanor ay isang ahente at driver ng Ceres Bus Liner . Araw-araw siyang dumadaan sa bahay nila Tiya Elsa para sundiin si Geoffrey, siya kasi ang kinuhang konduktor ni Mang Kanor. Para naman daw may pinagkakaabalahan ito.
Matapos magluto ay tinawag na niya ito para kumain.
Mamang, kain na po tayo! Tapos na akong magluto.
Parating na! Ano ba yang niluto mo't pagkabango-bangong amuyin? tanong ni Tiya Elsa.
Century Tuna po na may halong itlog, nagutang po ako sa tindahan ni Aling Maring kagabi, sagot ni Geoffrey.
Ah, magkano nabang utang natin sa kanya?
Mang, wag po kayong mag-alala ako na ang magbabayad nun. Sesweldo naman po ako bukas eh! At bibilhan ko pa kayo ng paborito niyong pancit at bihon.
Hay, ikaw talagang bata ka! Kahit kailan, hinfing-hindi ako nagsisi na kinupkop kita!
Mang, hindi na po ako bata! At isa pa, ina na kaya ang turing ko sayo no ;) Kaya magkakapit bisig tayo sa hirap at saya :D
Peeeeeeep- - - - - - - Peeeeeeep - - - - -- - - peeeeeeeeeeeeeeeeeep !
Si Celso talaga panira ng moment! Sge Geoffrey, ma-iingat ka sa biyahe ninyo ha!
Opo Mang! Ba-bye, ingat po kayo diyan. Si Tabachoypo pala wag ninyong kalimutang pakainin ;)
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -