Unang Kabanata.

36 2 0
                                    

Saved: Unang Kabanata

Krising’s POV

Pupunta kami sa Maynila, para ipa-gamot si Tatay. Kailangan agad malunasan ang sakit niya sa puso.

Hindi kaya ng pera naming ang mga gamot na kailangan niya dahil mas mahal naman iyon, kung ikukumpira sa pags-surgery sa Maynila.

Kahit ayokong sumama, ay napilitan ako, dahil wala daw ang mga tiya at taiyo na mag-babantay sa akin.

“Krising, maghanda at mag-empake ka na rin, bukas ng madaling araw, alas-tres ang gising mo, aalis tayo ng alas-kwatro.” Sabi ni Nanay

“Sige po.” Sagot ko

Hay nako naman sana, talaga malapit ang Maynila dito, para bus na lang ang gagamitin naming.

Habang nag-aayos, hindi ko maiwasang tumingin sa langit, napansin ko na kakaunti lamang ang mga bituin.

Matagal-tagal rin pala akong mawawala dito. Mga 2 hanggang 3 buwan, o kung kalian man maging maayos ang pakiramdam ni Itay.

“Oh Krising, nakatulala ka na naman diyan sa langit, naiisip mo pa rin ba siya?” tanong ni Nanay.

“Nay naman, hindi ko po siya iniisip, ang iniisip ako ay sana maging magaling ulit si Tatay, para makabalik agad tayo. At tsaka nay, sana buhay pa si kuya no? Para mairaos tayo sa kahirapan.”

“Sana nga anak.”

“Nga pala nay, maganda ba dun sa Maynila?”

“Oo naman, pero hindi simoy ang hangin.” Napatawa ng mahina si nay.

“Mas gusto ko pang dito na lang, kahit papaano, masarap ang simoy ng hangin.”

“Ikaw talaga! Ang arte mo ah 10 taong gulang ka pa lang ah!” sabi ni nanay at ginulo niya ng konti ang buhok ko.

“Ahh sige nay, mag-aayos pa ako ng gamit”

“Sige sige! Matulog ka naagad pagkatapos mong ma-ayos.”

Nag-ayos na agad akong gamit, pagkatapos ay nagdasal muna ako bago matulog.

“Kuya, kuya!!!” sabi ko ng umiiyak.

“Nay, si kuya!!!” pagkatapos ko sabihin yun, hinila ako ng nanay ko sa nasusunog naming bahay.

“Nay, paano si kuya, nanay?!” sabi ko habang hinila ako ni nanay.

“Anak, delikado diyan! Yung kuya mo, iwanan na lang daw muna siya.”

“Pero nay, nandiyan si kuya ayoko!” pagpa-pumiglas ko.

“Anak, diba sabi ng kuya mo lumayo muna tayo sa bahay habang nasusunog pa?” at tumigil na rin ako.

Ang sama-sama ni mama, wala naman talagang sinasabi si kuya, iniisip niya lang ang sarili niya!---

“Kuya!” nagising ako dahil naramdaman ko na may pumatak na luha galing sa mga mata ko.

Di bale, dapat hindi ako nag-iisip ng mga ganito!

•••

Kina-uumagahan, ay ginising ako nanay.

“Nak, maligo ka na tapos na kami ng tatay mo.” Aniya.

“Sige po”

Tumayo agad ako at dire-diretsong pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ko mag-bihis, kumuha agad ako ng pandesal at nag-simulang kumain. Pagkatapos ng lahat na dapat gawin ay pumunta na kami dun.

Makalipas ng ilang oras ay pumunta na kami sa loob ng barko, may pagkaliit ito, dahil kakaunti lamang ang mga tao.

•••

“Nak, gising!” hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Lumabas ako at napansin ko na umaambon pala.

Bumalik ako sa kinaroroonan nina nanay.

Narinig ko din ang lakas ng ulan, nang pagakapasok ko.

Nanalangin ako na sana hindi ito maging bagyo.

Sa tingin ko malayo-layo pa ang Maynila, sabi ni Nanay na mga 4-5 oras daw ang pag-punta sa Maynila galing Isabela. (A/N not so sure ah, taga-Batangas ho lahat kaming authors)

At lalo namang lumakas ang ulan, baka hindi ulan ang tawag ko eh, bayo na ata!

Napakalakas ng ulan, kaya minabuting matulog muna ako, sina nanay at tatay rin nakatulog na.

•••

“Ineng, gumising ka!”

“Bakit ho manong?”

“Ineng, aba’y  mapanganib ngayon! Suotin mo ito, bumaba ka na rin, para mailigtas mo ang sarili mo!” tapos may binigay si manong na life vest, basta malay ko ba kung anong tawag dito.

“Sige ho salamat.”

Tumayo na ako at lumabas, ikinagulat ko ang mga taong, nag-sisigawan.

Nag-tatakbuhan.

At tumatalon sa barkong ito!

Tumingin ako sa aking paligid, wala nang masyadong tao, at napansin ko na wala din ang aking mga magulang.

Basta, ang nalaman ko na lang ay tumalon na ako bago pa tuluyang lumubog ang barko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SAVED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon