CHAPTER 2

76 1 0
                                    

CHAPTER 2

"Reza!! gising na!! may pasok!!"

"Wait lang po ma.... 3 min. pa po!"

"Gising na!!"

"Mama!! wait lang....!!"

Dahil sa hindi ako nagising binuhusan ako ni mama ng malamig na tubig.

"Jusmiyo!!! mother are you trying to kill me?"

"Shunga!!isang baso lang ng malamig na tubig mamatay na kaagad?? atleast gising ka na!! maligo ka na!" 

Wala na ko'ng nagawa! nagising na ko eh! kaya naligo nalang ako at nag breakfast. Pagkatapos sinundo ko na si Uzziel sa bahay nila, at sinundo na rin namin si Hanna. At naghihintay naman sa amin yung iba pa nami'ng mga kabarkada sa labas ng subdivision namin.

"Mga babae nga talaga kayo!! ang tagal niyo!!" pagsesermon sa amin ni Kris.... ang picasso ng grupo haha. Nagpapa-envolve lang sa pagiging Da Vinci nina Hanna't Uzziel. 

"Tara na nga!! Malilate na tayo eh!" at ito naman po si Luhan..... ang isa rin sa pinakamatandang babyfaced sa amin. Oh god what is happening with this people, wala ba sila'ng aging cells(kung meron nga nun)??

So ayun nga sumakay na kami ng bus at nakarating sa school on time. Pagkapasok namin sa classroom nagsi-upuan na kami sa chairs namin..... at as usual nasa likod nanaman ako. 

Parang ito yung seating arrangement namin oh. (from back to front)

chanyeol-kris-tao-reza-hanna 

sehun -uzziel-kai- lay -chen 

luhan -D.O -suho-xiumin-baek 

------ ----- ---- ----- ----- 

----- ---- ---- ----- ----

Oh diba! lahat kami'ng magkabarkada malapit talaga sa isa't isa, haha!

RECESS 

"Uy!! Lolo libre naman diyan oh!" request ni Hanna kay Lolo Suho.

"Kahapon ko lang kayo nilibre magpapalibre ka nanaman!! Ayoko!"

"Si lolo naman oh! ang damot!!"

"Ako nalang maglilibre sayo Han!" pagvovolunteer naman ni Baek..... oh diba sabi ko sa inyo may something talaga sa kanila!!

So linibre ni Baekhyun si Hanna, and then naging boring yung class the whole day. Eh pano ba naman puro lecture lang ng lecture! walang activities!!

"Oh class.... suspended pala yung class tomorrow... because the faculty will be having an event" announcement ni sir choi . 

Kaya ayun, yung mga reactions namin parang mga nakapanalo sa loto. After ng dismissal gumala muna kami. Hindi kasi kami sanay na umuwi agad ng bahay pagkatapos ng klase. So pumunta kami sa dorm ng boys.

"Uy! Bili muna kayo ng meryenda, nakakahiya sa mga bisita!" pag-uutos ni Luhan.

"Sus! nahiya daw sila samin!!. sige na sundin niyo na ang utos ni Tiyo Luhan sapagkat kami'y nagugutom na!" pang-iinsulto naman ni Uzziel sa kanya

"Yah! Tao ikaw naman bumili ng meryenda!" pag-uutos naman ni Baozi

"Oo nga! At ikaw naman Reza samahan mo si Tao!..... ikaw ha!" pagsasabat naman ni Baekhyun

"Okay!!" at nag approve sign na lang ako

Habang naglalakad kami ni Tao papunta sa pizza parlor na malapit lang sa kanilang dorm, wala kaming imik........ then........

"Ah Reza, iimbitahan sana kita... kasi may resort kami. Eh tutal bukas wala nama'ng pasok, pwede ba'ng magswimming party tayo? kasama naman lahat ng barkada eh.Kung pwede?" pag aaya niya with matching smile...... emehged!!! yung smile niya!!!

"Sure!!" at nag smile rin ako.

TAO'S POV 

Nagsmile si Reza sakin. Sa wakas nakausap ko na rin sya!!

Well since kinder pa kasi kami'ng magclassmate. At hindi rin maiwasan ang pag-aadmire dahil palagi kayo'ng nagkakasama. 

Eh yung una ko talaga'ng naging crush ay si Uzziel, pero medyo matalak kasi siya eh. Then naging si Hanna, kaso lang kung minsan may pagka alam niyo na...... basahin niyo nalang yung pag-iintroduce sa kanya ni Reza. 

Then nung nag-graduate kami sa elementary. Naging si Reza, at hanggang ngayon parin. Kaso ang problema naman sa kanya kung minsan may sariling mundo siya at kung minsan hindi siya kumikibo kaya kung minsan nalilimutan namin na nandyan na pala siya.

"Uhmmm.. Tao matanong ko lang ha. Ang awkward kasi natin sa isa't-isa. And hindi ko gusto yun. Gusto ko kasi lahat tayo close, I mean yung komportable ako'ng kumausap sayo... yung ganon. Kung okay lang pwedeng iimprove pa natin yung friendship natin?? yung parang parehos kay Kai, except sa 'babe' na word??"

"Ah....eh....ah... pwedeng pwede. Actually gusto ko rin nga'ng itanong sayo yan, naunahan mo nga lang ako" pagrereason ko nalang..... para naman may masabi ako.

Ang bilis ng minutes!! maya-maya pa'y nakarating na kami sa dorm.

HANNA'S POV 

"Uy Kyungsoo, ano yung password dito ng Wifi niyo?" tanong ko kay D.O

"Ewan...... hindi libre ang Wifi dito noh, may bayad kaya yan. 20 pesos per hour!" sagot naman nito sakin

"AISH! ba't ang tagal nila'ng dalawa?? nagugutom na ko eh!! malapit lang nga yung tiyangge, mukhang 10 years pa bago sila makarating dito!" pagrereklamo naman ni Uzziel

"Kasi nga wala dito'ng malulutong pagkain eh.... kung meron man sana pinagluto ko na kayo!" pagsabat naman ni D.O, ang chef ng grupo.

Nanood nalang ako nang TV, dahil sa walang Wifi, at wala pa ang meryenda namin. Nang naramdaman kong umupo si Baekhyun sa tabi ko. "Hanna, uhmmm si Tao nga pala may resort sila. And since wala tayong pasok bukas..... so sabi niya sakin na imbitahin kita, dahil sya nalang daw

ang magsasabi kay Reza at si Chanyeol nalang magsasabi kay Uzziel..... pwede ka ba bukas?" tanong nito sakin.

"Oo pwede!! basta pumunta lang si Reza tsaka si Uzziel"

"Ah okay!!"  

Tapos nakita ko syang nag yes sign.

©~®€z@

FLV (Friendship and LoVe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon