Bestfriend (One Shot)

99 3 1
                                    

one shot story. kakatamad gumawa kapag may mga chapters eh.  

inspired by Bestfriend - Nanao Chu. 

---------

ROB's pov

Nasa swing set ako...

Nag iisip...

*BOGSH*

"Aray!" bigla nalang may tumulak sakin.

napatigin ako sa kanya.. si Kaycee pala.

inabot niya sakin ang mga kamay niya... saglit kaming napatitig sa isat isa...

8 years ago... may dalawang bata... naglalaro ng bahay bahayan sa eksaktong lugar na to....

FLASHBACK 

"Kainin mo itong soup na niluto ko sau." itinatapat niya sakin ang kutsarang may laman na buhangin.

"Ayoko nga! Buhangin yan noh!!" sigaw ko sa kanya.. 

agad naman napakunot ang mga noo niya...

" KAKAININ MO BA TO O HINDI?!! ISUSUMBONG KITA SA DADDY KO!!!" sigaw niya sakin..

dahil sa natatakot ako sa daddy nya.. isinubo ko nalang...

"pwee!" agad kong idinura ang buhangin..

END OF FLASHBACK

hindi ko namalayan na mahal ko na pala siya noon.... kitang kita ko sa mga mata niya yung itsura niya dati...

nakadress na pink at nakadoll shoes na kulay peach...

ang saya namin noon... napangiti nalang ako ng hindi ko namamalayan...

napagtanto ko na ang awkward na pala..

bigla kong hinawakan ang mga kamay niya at tumayo.. agad ko siyang hinila sa papunta sa may dibdib ko... at agad ko siyang sinabunutan ng pabiro.

Ang saya saya namin...

------------------------------

KINABUKASAN

nasa school kami...

wala akong ginawa kundi tumitig lang sakanya buong period... 

buti nga hindi niya napapansin..

... kayakap ko siya.. masayang masaya kami.. humarap ako sa kanya at unti unting nilapit ang mga mukha ko sa napakaganda niyang mukh--

"HOY BESTFRIEND! TAMA NA YANG PAGDEDAYDREAM MO!!!" at kinurot ako sa pisngi.sa sobrang lakas ng sigaw niya... hindi namin namalayan na nakatingin na pala yug prof namin.

"Labas! etong mga books ilagay nyo sa mga kamay nyo at tumayo sa may corridor.. buong period!!"prof. ay kagagawan nanaman ni Kaycee.

-------- 

apat na libro ang nakapatong sa left hand ko at apat din sa right.. ganun din ang kay Kaycee.

kitang kita ko na nahihirapan na siya... kinuha ko ang mga librong nakapatong sa mga kamay niya at inilagay ang mga ito sa aking kamay.. oo... mahirap to.. pero kakayanin ko wag lang siyang mahirapan...

agad siyang nagstretch ng kamay niya at braso... At bigla nalang niya akong kiniliti.

"wahahahaha. tama na Kaycee. awat na. suko na ko.!! wahahahaha. " sabi ko sa knya pero di parin sya tumitigil. ang kulit nya talaga. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriend (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon