Prologue

4.9K 50 4
                                    

Prologue

Magkaibigan. Diyan nagsimula ang lahat.

Bata palang kami, magkaibigan na kaming dalawa.

Naglalaro kami, Nagaasaran, Nagkukulitan.

Hindi lang kami bastang magkaibigan.

Best Friends... Oo Best Friends kami.

Bata palang kami crush ko na siya. Pero hindi niya alam.

Akala ko hanggang doon lang yun. Pero nagkamali ako.

________

Tumungtong ang High School hindi natapos ang away, asaran at kulitan namin bilang magkaibigan.

Oo. Crush ko parin siya hanggang ngayon. Pero di ko inaakala na aabot sa ganito ang nararamdaman ko sakanya. Akala ko hanggang doon lang. Pero di ko inakala na mamahalin ko pala siya.

I Love My Best Friend.

Matagal kong tinago ang nararamdaman ko sakanya.

-

And now it's too late. I fell inlove with him but he didn't catch me.

May girlfriend ang taong mahal ko.

Tiniis ko lahat. Lahat ng sakit. Lahat ng ginagawa nila sa harap ko. Basta hindi malaman ang sikretong tinatago ko.

---

Pero dumating ang araw na lalabas at lalabas din ang totoo.

Truth Or Dare

Isa siyang laro. Pag sinabi mo ang " Truth " may itatanong sila sayo at kailangan mong sagutin ng totoo. Pag naman " Dare " ay may ipapagawa sila sayo at kailangan mo yun gawin.

Hindi ko ineexpect na mabibiktima pala ako ng larong yun.

Oo tama kayo.

Ng dahil sa Truth or Dare naamin ko sakanya ang tunay kong nararamdaman.

At huli na ang lahat.... Nawala siya.

Nawala ang mahal ko. Ang kaibigan ko.

Ng dahil sa Truth Or Dare nasira ang buhay ko. Nasira ang friendship na iniingatan ko. Nagulo yung buhay ko.

Nawala ang best friend ko.

Ng dahil sa Truth or Dare nabago ang ikot ng mundo ko.

Ng dahil sa isang laro na

Truth or Dare
_______________

Truth Or Dare (JulQuen Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon