-Jezzter's P.O.V
Nag ring na nga yung alarm clock ko at agad agad akong nagising. Tumingin ako sa paligid, shet, oo nga pala. Buhay lalake nga pala ako dito. Miss ko na bahay namin.
Leche naman kasi eh, kung pwede lang hindi mag dorm. Kaso....ahhh, shet!!
"Gising ka na pala." nakangiting sabi saakin ni Jedric.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Wag kang ngumiti, nakakatakot ka. Parang reypis."
"Sus, bakla ka lang." sagot niya habang nakasmirk.
"Hoy Jedric, umagang umaga pagtri-tripan mo ako. Wala ako sa mood."
But he still continued to smirk. Jusko, kung hindi lang kasalanan ang pumatay eh.
"And oh yeah, I am TOO HOT to be gay." pahabol ko namang sabi sakanya pero nag make face lang siya. Lord, pigilan niyo ako, mababatukan ko 'to. Hindi lang batok, mapuputol ko yung ulo nitong lalakeng 'to!!
"Bakla." matipid niyang sagot saakin habang naka-innocent smile. Shet talaga.
"Bahala ka sa buhay mo, maliligo na ako." pero bago ako nakapasok sa banyo, hinila niya yung kamay ko. Hinugot ko naman agad at tinignan siya ng masama.
"Anong problema mo?" tanong ko.
Pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-ngiti ng napaka-inosente. "Sabay tayo."
"HA?!"
Pero imbes na sumagot siya, tumawa siya ng sobrang lakas. "Sabi ko sabay tayo maligo, pwease?"
Nanlaki yung mga mata ko. "Anong pwease? PWEASE MO MUKA MO! BAKLA!"
"Ano naman kung bakla ako?"
Tinignan ko siya at natawa. "Bahala ka diyan." papasok na ulit ako sa loob ng banyo pero hinila niya ulit yung kamay ko, tatanungin ko sana ulit siya kung ano bang problema niya ng bigla siyang may sinabi..
"You're cute."
And I felt myself heating up. "W-what?"
"I said you're cute when you smile." and I was left there, dumbfounded.
Dahan dahan niya namang pinatong yung kamay niya sa buhok ko at ginulo ito. "Ako na mauuna maligo ah? Thanks babe. Or baka gusto mong sabay tayo?"
"Bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko sabay tulak sakanya papasok sa banyo.
Nang natapos na ngang maligo si Jedric ay sumunod na ako, may tinanong siya sakin pero nagmadali nalang akong pumasok sa banyo para maligo. Paglabas ko, wala na siya.
Kaya tinext ko nalang si Darell para sabihin na sabay nalang kaming pumasok.
"Darell?" sigaw ko habang kumakatok sa dorm room nila.
May narinig akong sigaw galing sa loob kaya dali dali kong binuksan yung pinto at nakita ko na nakaupo si Darell sa higaan niya habang hawak hawak yung ulo niya at yung...dorm mate niya...
Nakaupo sa labag habang nakatakip yung bibig. At namumula rin. At halatang pinipigilan niya yung tawa niya? AY OMG BAKIT KAYA?
"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko kay Darell but she just continued to caress her head.
Tumingin naman ako sa dorm mate niya, hoping to get an answer. "Nauntog kasi, nagmadali eh akala siguro wala sa higaan, biglang tumayo, ayan nauntog."
Nung una nagbuffer pa lang sa isip ko, tapos ng biglang na-imagine ko na, tsaka ako tumawa ng sobrang lakas at nakisabay na nga rin saakin yung dorm mate ni Darell.
"HAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAAHAHHA!!!"
Pero tumigil naman kami agad ng dorm mate ni Darell sa kakatawa ng tinignan na kami ng masama ni Darell. Let me tell you one thing about him, I meant her, kapag siya nag-glare, she means it.
Kaya umawat na kami agad. "There's nothing funny with that."
At sabay naman kaming nag sorry nung dorm mate ni Darell. Pero wala namang imik si Darell, kinuha niya nalang yung uniform niya at towel niya at dumiretso sa loob ng banyo.
"Is he always like that?" tanong ni...
"Oh by the way, I'm Mark." tanong ni Mark saakin.
Ngumiti muna ako bago nagsalita. "I'm Jezzter. Hindi naman, pero pag once na nangirap na siya or whatsoever, you really have to stop what you're doing. Either it makes her mad or not, you have to stop it."
Tumango naman siya at ngumiti. "So, you two are friends?"
"Obviously." sagot ko.
Tumango naman ulit siya at ngumiti. -.- "Sige sige, mauuna na ako. Pakisabi nalang din kay Darell na mauuna na ako, at sorry dahil pinagtawanan ko siya. And if ever man na sumakit yung ulo niya, I'll take responsibility."
Magsasalita pa sana ako kaso nakalabas na siya. OMG? Ano daw? I'LL TAKE RESPONSIBILITY? SHET? ANG HABA NG HAIR NI DARELL SHET?
Kakatapos ko lang i-kwento yung sinabi saakin ni Mark kanina. Naglalakad kami ngayon papunta sa classroom ng biglang sumigaw si Darell ng, “WEH?!?!”
“Uyyyy, flattered.”
“Ba’t ako mafla-flatter? Ano ba sinabi niya?”
“Sus, pakipot pa.”
“Bahala ka nga diyan!”
Pero napangiti nalang ako. “Tara na nga sa classroom.”
Pumasok na nga kami sa classroom at hinanap agad naming yung mga upuan naming. Magkakalayo layo kaming tatlo nila Sam, Darell, at ako.
Tatayo na sana ako papunta sa pwesto ni Sam para tanungin kung kamusta yung tulog niya kaso biglang pumasok yung teacher namin. Ah, if I remembered correctly, eto si Sir Derek.
PE teacher ata naman. Halata naman eh, biceps pa lang eh.
“Alright class, goodmorning.”
Sabay sabay kaming tumayo at binati siya. “You may now all sit down.” At sabay sabay kaming nagsi-upuaan.
“As you all know, we have new three transferee students. Now, would you mind introducing yourselves?”
Tumingin ako kay Darell, senyas na siya na ang mauna saaming tatlo na magpakilala. Wala naman pa siyang nagawa at napabuntong hininga nalang.
“Darell Sison, sir.”
“Hobbies?” tanong ni Sir Derek.
“Reading.”
“….is that all?” at tumango naman si Darell.
“Alright, next?”
I faked a cough then stood up. “Jezzter Cole—“ hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil biglang may sumingit at sumigaw ng, “Is that even a name?”
Tinignan ko yung taong nagsabi nun ng masama, sasagot na sana ako ng bigla na naming may nagsalita. “Of course it is, it’s just unique you dumbass.”
Napatigil ako bigla. Oh…wow. Thanks, whoever you are.
“Like I said, my name is Jezzter Cole, and I like to play basketball.”
“And lastly….”
Dahan dahan na tumayo si Sam. “Sam Beckham, I’m not related to David Beckham but I do love to play soccer. The end.”
“Basketball, books, and soccer huh? I’ll be expecting a lot from the three of you then. Now, let’s start the class now, shall we?”
“SHIT ETO NA ANG IMPYERNONG PE!!” sigaw ng isa.
Wait….IMPYERNO? Uh-oh.
BINABASA MO ANG
Love Cupids
HumorStuck in all boys school with an additional of a hot roomie? Uh oh.