Rea's POV
Mr. Right? Sabi nila sa bilyong bilyong tao sa mundo, may isang tamang lalaki ang nakalaan para sayo.
Yung lalaking papasayahin ka, at hindi ka sasaktan. Yung lalaking nandiyan lagi para sayo. Yung hindi gagawin yung alam niyang ikagagalit mo.
Yung seloso pero seryoso.
Yung lalaking kayang sabayan ang trip mo, yung kahit sobrang katok at napaka-abnormal mo. MAHAL NA MAHAL KA PA DIN.
Yung lalaking nagpapanggap na bakla wag lang makuha number niya ng ibang babae. Yung lalaking loyal sayo. Tumingin man ang mga mata niya sa iba, pero ang puso niya para lang sayo.
Yung kayang tiisin lahat ng pagsusungit mo kapag meron ka.
Ah basta WALANG LALAKING PERPEKTO. Pero si Mr. Right? Siya yung kayang gawin lahat para sayo.
Kasi mahal ka niya ng totoo.
Lakas ko makahugot ah. E ako nga hindi ko pa nahahanap si MR. RIGHT.
Meron ba ako nun o WALA?
Kasi sabi nga diba mas marami daw ang babae kaysa sa lalaki? So, isa ba ako sa mga babaeng tatandang dalaga?
Hayst bakit ba iniisip ko agad si Mr. Right?
Speaking of Mr. Right. Sana siya na nga.
~~~~
Simula nung makita ko siya, nabihag ako bigla. Bumilis ang tibok ng puso ko nung pagtingin ko'y nagtama ang aming mga mata.
Para bang nagbalik muli ang sigla ng puso ko para muling umibig?
Nasa kanya nga ba ang susi ng puso kong nakakandado upang mabuksan ito at magmahal muli?
Nakatitig lang ako sa kanya non at parang siya lang ang nakikita ko kahit na maraming tao.
"Mi-missss!" Sigaw ng lalaking iyon at nakarinig ako ng malakas na busina ng isang sasaakyan.
Tumakbo siya papunta sa aking kinaroroonan, nasa kabilang kalsada kasi siya.
Tinulak niya ako at napadagan siya sa akin. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Kaya naman hindi ako nakakilos agad at napatulala lamang sa kanya.
Ang ganda ng mga mata niya, ngayon lang ulit tumibok ng ganito ang puso ko.
*
Yon ang una naming pagkikita, at ang dahilan kung bakit kami nagkakilala.
Nalaman naming same school lang naman pala kami ng pinapasukan at dahil doon lagi na din kaming sabay pumasok pati na mag-lunch.
Magkalapit lang halos ang bahay namin kaya naman lagi naming nakikita ang isa't isa.
One week lang ang lumipas pero super close na namin agad. Ewan ko ba pero, ang saya ko kapag kasama ko siya. Lakas makagoodvibes ng mga ngiti niya.
Para akong nasa heaven habang tinitignan siya at iniisip kung siya na nga kaya?
Sa lahat ng guy na na encounter ko, sa kanya lang naging magaan ang loob ko.
He's a very nice guy na kahit na sinong babae mafa-fall talaga sa kanya. Simpleng lalaki lang siya pero hindi ko maikakailang nabihag niya ang puso ko.
Hanggang isang araw na inamin ko na sa sarili kong mahal ko na siya.
Pero baka hindi kami pwede kasi diba, magkaibigan kami. Baka hanggang friends lang ang tingin niya sa akin. Nakakahiya naman umamin diba? At saka sayang din yung friendship namin kapag nagkataon.
BINABASA MO ANG
Mr. Right
Short Story"Lahat ng tao may ka-meant to be, hintay lang darating din ang tamang tao para sayo sa tamang panahon" ©2016 [04-12-16]