Hi! Annyeong! Wiiiiihh!! First time ko palang magsulat dito.... hindi ko talaga gustong ipublish dito ang mga stories ko pero dahil nga napansin kong ang dami ko na din namang naisusulat na story na lahat nakasulat lang sa aking pinakamamahal na notebook ay naisip ko nalang na magshare ng isa sa mga sinulat ko na story dito at ito na nga ang "DATI"... hehe! short story lang po talaga 'to and this story is inspired by the song DATI. Kung hindi niyo po alam click niyo nalang po ang video sa multimedia ----->
Thank you po sa mga readers! I love you all!!
CHAPTER 1
Ilang linggo nalang at pasukan na.... College na ako pero ang nakakalungkot dun ay hindi ko dito ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Pupunta akong London kasama ang mommy ko dahil pinapasunod na kami ni daddy dun.. maayos na din kasi ang trabaho niya dun kaya pinapasunod na kami... Sabi nga ni mommy sakin, sabihin ko lang daw kung ayaw ko ng tumuloy dahil alam naman ni mommy na mahirap sakin ang iwan 'tong Pilipinas lalo na't nandito ang BESTFRIEND/ANG TAONG MAHAL KO... Si Lawrence.... Si Lawrence ang kababata ko at ang bestfriend ko na ngayon ay mahal ko.... ang cheesy ko ano pero alam niyo ba?...... Hindi ako ang girlfriend niya :"( kasi may iba na siyang mahal at yun ay ang girlfriend niya ngayon... Ang maganda, mabait, mayaman, sweet at talented na si Sandra. Ang swerte niya sa totoo nga lang naiinggit ako sa kanya kasi nasa kanya na ang lahat especially ang taong mahal ko na simula pagkabata ay pinagpapantasiyahan ko na... Hayyy... sana ako nalang yun! Sana ako nalang si Sandra. Kaso hindi eh, magkaiba kami at ang layo ng level naming dalawa nasa taas siya at nasa baba naman ako.... Anebeyen! lagi nalang akong talo! :"(
Oo nga pala, hindi alam ni Law (short for Lawrence) na aalis na kami.... ayoko kasing makita siya bago kami umalis eh baka bigla nalang magbago ang isip ko at hindi na ako umalis. Naku! sayang naman yung pinangbayad ni daddy sa plane ticket namin... Di echos lang! Gusto ko na din talaga umalis kasi baka pag nasa London na kami makalimutan ko na siya at mawala na yng feelings ko sa kanya at malay mo naman di ba makahanap ako ng iba dun edi hindi na ako loveless at hindi na din ako magseselos pag makikita ko silang dalawa na magkasama... Oy ha! hindi ko naman gagawing rebound yung mahahanap ko na boy! Siyempre hahanap ako nung mahal ko na at mahal din ako. Nakakatanga din kasi ang maging one-sided love eh, you know! Nakakapagod din! -___-
Kung bakit kasi nagkita pa yang si Lawrence at Sandra eh! Ang shunga ko din kasi hinayaan kong maglapit sila! Eh kasi naman eh.... hindi ko na siya napigilan. Nakakatakot naman kasi yung sitwasyon nun!
*FLASHBACK*
Kalalabas lang namin ng school at ngayon nga ay naglalakad na kami pauwi malapit lang din naman kaso ang bahay namin sa school... 20 minutes din siguro kung lalakarin mo kaya okay lang tutal magkasama naman kami ni Law eh.... Anyway, back to story, habang naglalakad kami ay may nakita kaming mga lalaki na pinalilibutan ang isang babae halata ang takot sa mukha ng babae... Napatingin ako kay Lawrence at nakita kong salubong ang kilay niya bigla naman siyang tumingin sa akin at nagkatitigan kami. Ilang sandali pa ay binigay niya sakin ang bag niya na ipinagtaka ko naman...
"Stay here, okay? Kahit anong mangyari wag kang lalapit dun... get your phone at tumawag ka ng pulis..."- saad niya habang nakahawak sa magkabilang balikat ko at seryosong nakatitig sakin. Nong akmang tatalikod na siya ay mabilis kong hinawakan ang dalawang braso niya.
"Lawrence wag na. Umuwi nalang tayo..."- I said in a pleading tone... hindi naman sa ayaw kong tulungan niya yung babae, kahit ako gusto ko din siyang tulungan but in different way pwede naman tumawag nalang kami ng pulis katulad ng pinapagawa niya sakin, pero yung lumapit siya dun. NO WAY! Paano kung mapahamak siya? Hayss.....
"May, listen to me... gawin mo nalang yung sinabi ko, okay? Kailangan natin siyang tulungan... Konsensya pa natin pag napahamak siya...."
"Pero paano pag napahamak ka? Law..."- halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang sinasabi ko yun.
"Hindi ako mapapahamak kung tatawag ka na ng pulis ngayon na, okay? Sige na. Just stay here at gawin mo nalang ang mga sinabi ko sayo..."
Napatango nalang ako ng sinabi niya yun dahil alam kong sa tono palang ng pananalita niya ay hindi ko na siya mapipigilan pa kaya agad ko ng kinuha ang phone ko habang sinusundan ng tingin si Law na unti-unti ng lumalapit sa mga lalaki... Agad namang may sumagot sa tawag ko, sinabio ko kung saan ang lugar at ngayon nga ay papunta na sila... 'Gahd! Sana bilisan nila!' naibaba ko na ang phone ko at nakita kong nakalapit na si Law sa mga lalaki at ngayon nga ay kinakausap niya na ang mga ito ng bigla siyang itulak ng isang lalaki... Lumapit pa ako para marinig ko ang sila...
"Hoy! sino ka ba ha?!"- sigaw nung isang lalaki kay Law, yung hawak dun sa babae.
"Wala na kayong pakialam kung sino ako! Bitawan niyo nga yang babae!"- matapang na sigaw ni Law sa tatlo. 'Lawrence naman! Ang tapang mo pa eh mag-isa ka lang naman! Nasan na ba yung mga pulis na yun! Leshe naman oh!'
"Aba! Mata---"
"Umalis ka na! Hayaan mo na ko dito! Wag mo ng idamay pa yang sarili mo!"- sigaw nung babae na hindi na hinayaang masapak pa ang Mahal Ko. Buti nalang!
Tinitigan lang ni Law ang babae sandali (teka! nakakaselos yun ha!) at tsaka ibinaling ang mga tingin niya sa mga lalaki....
"Ano pang tinitingin-tingin mo dyan? Alis na!"- sigaw ng lalaki kay Law at itinulak "Umalis ka na kung ayaw mo pang mabasag yang pagmumukha mo!"
Sigaw niya ulit at tsaka kinuwelyuhan si Law at itinulak... Napaupo si Law at tinitigan niya ang lalaki nagulat nalang ako ng bigla siyang tumayo at sinuntok ang lalaki.... Mabilis namang tumakbo ang isa papalapit kay Law at sinuntok ito na naging dahilan ng pagkasubsob ni Law... nung akmang tatayo na siya ay bigla namang siyang sinipa sa likod nung isa pang lalaki na may hawak dun sa girl... susuntok pa sana yung isa ng biglang dumating ang mga pulis. 'Oh, Thank God!' I whispered silently, akala ko mapapatay na nila si Law... umiiyak na lumapit ako kay Law na ngayon ay akay-akay ni Sandra... Nang makalapit na ako ay agad ko ng kinuha si Law sa kanya... Hindi ko ata hahayaang makachansing siya sa Mahal Ko noh!
Akay-akay ko si Law at tinulungan din ako ng isang pulis ipinasok namin siya sa loob ng police car... papasok na din sana ako ng bigla kong narinig na sumigaw yung babae
"Wait! Sasama ako sa inyo."
"Wag na. Magpahatid ka nalang sa mga pulis ako na bahala sa bestfriend ko."- pagtanggi ko
"No, I insist."- pilit niya. Tiningnan ko muna siya at tsaka tumango
------------------------------------------------------
Noong unang araw na dinala namin sa hospital si Law ay hindi umalis si Sandra at kung may pasok naman ay pagkatapos ng klase ay dumidiretso siya sa hospital.... Naging magkasundo sila non ni Sandra.... Nang makalabas naman si Law sa hospital ay lagi na niyang kasama si Sandra at siya na rin ang naghahatid pauwi... at ako? Ayun! Naiwan sa iba ko pang mga kaibigan.. simula ng maging magkasundo sila ay parang wala nalang ako kay Lawrence, parang hindi niya ako nakikita hindi na ako nag-eexist sa kanya dahil ang lagi lang nakikita na mga mata niya ay si Sandra at WALA NG IBA! -____- Masakit yun para sakin... Isang babae lang pala ang makakasira ng relasyon namin ni Law at sobrang nakakalungkot yun..... :"(
Noong mga panahon na hindi niya na ako napapansin ay akala ko yun na ang pinakamasakit pero after 2 months ng pagiging invisible ko sa paningin ng BESTFRIEND? ko ay nalaman ko nalang na sila na ni Sandra.... At first hindi ako naniwala pero nung tinanong ko na kay Law at kinumpirma niya na sobrang sakit pala.... Parang dinurog ang puso ko nun... Parang nag-echo sakin yung mga sinabi ni Law na sobrang sakit kaya nga bago pa ko bumigay at mapaiyak sa harap niya ay agad na akong tumakbo.... Ilang araw din akong tahimik nun at madalas walang imik pero kahit minsan hindi niya ako nagawang kausapin ulit o kahit hanapin manlang at dun ko mas napatunayan na wala na nga siyang pakialam sakin..... :"(
~imlovelylittlemind~