The Reality (One Shot)

56 2 5
                                    

Alam niyo anong mahirap? Ang maging fangirl. Nako naman, ikaw ba naman may ka-agaw na milyon-milyong babae sa bias mo. Ang sad diba?

Di lang yan, mag co-concert yung bias mo sa bansa niyo pero di ka makakapunta. First, kulang ka sa budget, second makakapag ipon ka pero di ka naman papayagan, third malayo ang tinitirhan mo sa concert arena.


Pero basahin niyo nalang tong kwento ng isang tanga

At pano niya aksidenteng nakita si bias.


Hay nako... hirap nga naman maging fangirl lalo na't walang sumusuporta sayo.

"Ma! Pa! Punta muna ako kina Naomi, may bibilhin lang kame sa town, baka nandun si bias bibilhin ko yun. tapos sabay kame. Hehehe." Paalam ko sa mga magulang ko.

Well, maglalakwatsa lang naman kame kase boring sa bahay.

"Saan ka nanaman ba pupunta? Di ka ba kontento na dito lang sa bahay huh?" Sagot ni mama.

"Ma naman e, ang boring kase, maglalakwatsa lang ako." Hindi naman masama maging honest. Hehe, mas gusto yon ng parents ko.

"Anong wala?! Andami kaya, pwede kang maglaba, maglinis ng kwarto, maghugas ng pinggan." Sagot niya naman muli.

Heto nanaman tayo.

"Ma naman e." Sabi ko.

"Wag na dito ka nalang." Nag pout naman ako.

Papayagan yan ako..

In 3... 2.. 1...

"Sino ba kasama mo don?" Diba. Sabi ko naman senyo e.

"Ako, si naomi pati si Pau lang po. Hehehe" sagot ko habang nagpapabebe.

"Osige, basta wag kayo gabihin ha? Wag lalandi landi." makati daw kase masyado pwet ko pag may lalake. Weh.

"Sa gwapo lang ma. Dejk! Labyu hehehehehe." tinignan niya naman ako ng masama.

"Oh? Ganyan ka lalakad? Ayusin mo nga muna yung itsura mo, di yung damit ko yung gamit mo." Sabi naman ni Papa, aba komportable kase to.

"Okay lang pa, komportable ako dito, pati wala namang akong ka-date eh hehehehe." Sabi ko sabay peace sign.

"Osya, punta naka pudra and mudra! Labyuz!" Pagpapaalam ko sakanila at tuluyan na akong nag jeep papunta sa bahay nila Naomi since malapit lang naman yun.

Kumatok ako sa gate nila.

Mga tatlong minuto na ako kumakatok pero wala parig sumasagot.

Ayy ano ba naman tong bruha.

Sisigaw na ako.

"NAOMI BUKSA-" Napatigil naman ako sa pagsigaw nung pinagbuksan ako ng kuya niya... okay.

Napahiya ng saglit

Wao way to go Zen way to go.

"Ay, pasensya na po kuya, hehe. Nandyan po ba si Naomi?" Tanong ko habang nagpapabebe dahil nakakahiya yung bunganga ko kanina.

Tumingin naman saglit sakin si kuya at-

"TEY!!!! YOU'RE FRIEND IS HERE!!!" Ay echosera englishero si koya.

The Reality (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon