♥ IKAW LANG ♥
I
Naniniwala ka ba sa puso kong ito?
Na hindi titigil sa kakatibok para sayo
Alam kong binabalewala mo na ako
Pero tandaan mo na nandito lang ako para sayo
II
Naalala mo pa rin kaya ang storya nating dalawa?
Pinakilala ka ng kaibigan ko at duon tayo nagsimula
Pero alam mo bang bago kita nakita, mahal na kita?
Subalit alam kong kailanman hindi magiging tayong dalawa
III
Ilang taon din tayong naging mag espesyal na magkaibigan
Nagkaroon ng walang katapusang kaligayan
Maraming mga magagandang alaala
At mga pangyayaring hindi malilimutan
IV
Subalit tumigil ang lahat ng umalis ka’t lumisan
Pero bago ka nagpaalam, sabi mong hindi ako kakalimutan
Kahit alam kong wala ka na, nandito ako magpakailanman
At kahit may iba na tayong mga buhay,tandaan mo IKAW PA RIN HABAMBUHAY
To:melon
From: peaches