December nung una tayong nag-kita.
Hindi ko inexpect na makikita kita at makikilala kita noon.
Naaalala mo pa ba yung araw na niligtas mo ako sa pag-kakadulas? A lot of people were there akala ko gugulong na ako pababa pero nagulat ako ng may nahawakan akong tao and its you.
Nakita pa kitang napangiti nun at pagkatapos nun tinayo ko ang sarili ko at nag-pasalamat sa'yo . You just save my life and save me from being embarrassed.Hindi mo ko kilala , hindi rin kita kilala . Matagal na ako sa lugar na ito pero ever since hindi pa kita nakikita nun. Kahit na lagi akong pumupunta malapit sa bahay niyo.
Pag-uwi namin sa bahay ng tita ko halos hindi ako makatulog kakaisip sa'yo at dala narin siguro ng sakit ng sugat na natamo ko kanina.
Ang sumunod na nangyari ay nung muntikang masunog ng pinsan ko ang bahay niyo
Pag-dumadaan ako sa bahay niyo ay nahihiya ako dahil sa nang-yari kaya nung kinabukasan na nangyari na 'yon ay humihingi ako ng tawad sa nanay at tatay mo.
Ang ipinigatataka ko ay bakit wala ka duon.Lumipas pa ang mga araw lagi na tayong nag-kikita malapit sa school niyo at nakilala ko pa ang kapatid at mga pinsan mo, halata sa mga pinsan mo na kinamumuhian nila ako.
Hanggang sa umamin na ako na nag-kagusto na nga ako sa'yo . Halos araw-araw ikaw ang nasa isip ko at halos araw-araw nakikipagkita kami sa'yo ng pinsan ko.
Pero nag-iwan ka ng isang sulat , ang pinaka ayaw kong matanggap na sulat.
Wala ka palang gusto saakin at may gusto kang iba "Maria Lyka" ang pangalan ng crush mo at tingin ko may gusto rin siya sa'yo.Pero hindi parin ako sumuko dahil alam kong niloloko mo lang ako , halata sa mga tingin at ngiti mo tuwing mag-kasama tayong dalawa.
Isang araw may pinuntahan si Anty at kailangan naming pumunta sa bahay ng isa sa mga anak niya kasi wala kaming kasama duon ng 2 days , nalungkot ako . Nung nakapunta na kami sa bahay ni Ate Norma agad kaming tumakas ng nawala kami sa paningin niya . Binayaran pa namin yung mga anak niya para hindi mag-sumbong .
Pag-katapos nun kumaripas kami ng takbo.Ganun na nga ba ako kaattached sau? At mas pinili ko pang tumakas para lang makasama ka? ..
Nung araw na nag-kasakit ako hindi ako nakasama sa mga pinsan ko sa isang handaan kahit alam kong naroon ka pero nung nakauwi na ang mga pinsan ko ay pinabibigay ka pang dalandan para saakin at agad naman akong natuwa nun. Sobrang saya ko.
Pero huli na pala ang lahat dahil uuwi na ako sa Manila at maiiwan ka na dito sa La Union. Sana mag-kita muli tayo balang araw.
Pag-katapos ng 2 taon ..
Ilang araw akong umiyak at inalala kung paano tayo nag-kita . Halos araw - araw katawag at katext ko yung pinsan ko at tinatanong kung ayos ka lang at sobrang saya ko nung nalaman ko na sumali ka pala sa isang Math Contest sa bayan pero hindi ko nalaman kung Nanalo ka ba? O hindi? .Nandito ulit ako sa La Union para mag-bakasyon at pinili ko na rin na dito mag-aral para sa susunod na pasukan pero nung pagkadating ko dito sa La Union ni anino o boses mo hindi ko nakita at narinig . Nanlumo ako nun , halos hindi ako makalabas ng bahay at hinihintay ka lamang na mag-balik o makita lamang kita na nag-lalakad d'yan sa kalsada.
Sobrang saya ko nung nakita kita sa kasalan , ang galing mo din palang sumayaw.
Ngayon ko lamang nalaman.Hindi tayo nag-tanungan o nag-kamustahan pero ilang beses na nag-krus ang ating tinginan . Ilang beses na nahawakan ang kamay ng isa't-isa. Gusto ko na sanang sabihin sa'yo ang lahat pero nahuli nanaman ako.
Pagkatapos ng araw na 'yon hindi ko na muling nakita ang anino mo Mark.
Sa tuwing pupunta ako malapit sa bahay niyo ay umaasa ako na makikita kita o makakausap manlang.
Ang pangalawa nating pag-kikita ay sa isa nanamang kasalan , ang sarap mong pag-masdan habang sumasayaw. Ilang beses ulit na nag-krus ang ating pag-titinginan. Hindi ko alam kung bakit lagi kang umiiwas saakin sa tuwing mag-kakatinginan tayo nasa iisang lugar lang tayo
Ako na mismo ang gumagawa ng paraan para mag-kausap tayo pero pag nakikita ko nakita sa harap ko tabi ko hindi ko manlang maibuka ang aking bibig.Ang huli kong pag-karinig ng boses mo ay nung April 9 , 2016 ...
" ano na? " sabi mo saakin pero hindi ako makasagot nun at napangiti na lamang sa'yo. Pabalik-balik ka sa bahay namin . Sobrang saya ko nung araw na iyon.At ang huli nating pag-kikita sa taon na ito ay Nung April 10 , 2016 ...
Alam ko sa sarili ko na naroon ka at imposibleng wala ka dahil malapit lang iyon sa bahay niyo.
Nung araw na iyon na sinabi ni Mama na pupunta kami sa bahay ni anty ( malapit sa bahay niyo ) . Agad akong binangon ng mga paa ko kahit na ayaw ko pang bumangon. Sobrang saya ko nung araw na iyon dahil makikita ulit kita.Ilang minuto pa ang lumipas at nakita kita sa itaas ko . Agad kang napaatras at tinignan ka naman ng mga kasama mo na pababa. Habang umaatras ka ay nakita kong nakangiti ka saakin . Umaasa ako na meron ka talagang gusto saakin . Sana nga.
Habang nasa jeep ako na nakaparada pinag-mamasdan kita kung anong ginagawa mo. Napaka-amo ng iyong mukha at ang iyong singkit na mata . Hindi mo alam na tinitignan kita at bigla kang tumalikod at nahuli mo ang aking mga mata agad ka naman akong umiwas ng tingin sau at hindi ko maiwasang ngumiti ng malapad ng dahil duon.
Nung pauwi na kami hindi na kita muling nakita kaya pinako ko nalang aking tingin sa daan papunta sainyong bahay baka sakaling makita pa kita pero unti-unting nawala saaking mata ang daanan papunta sainyong bahay kaya nawalan na ako ng pag-asa na kahit sa huling pag-kikita natin ay makita pa kita.
Hindi ko maiwasang ngumiti sa tuwing maaalala ko kung paano tayo nag-kita . Akala ko kailanman hindi na tayo mag-kikita. Sana sa susunod na mag-krus ang ating landas ay talagang maamin ko na sa iyo kung ano man talaga ang tunay na nararamdaman ko at hanggang ngayon umaasa parin ako na may pag-asa tayong dalawa Mark.
Sana naaalala mo pa ang lahat ng pinag-daanan natin at kung paano tayo nag-kakilala.
Sana huwag ka ng mahiya saakin! ..- Almira :)
BINABASA MO ANG
Tinadhana nga ba talaga tayo? ( One shot )
Short StoryYou think he's your fate. Maybe Yes . Maybe No .