I loved her. Yes, loved. Alam ko sa sarili ko na wala na akong nararamdaman sa kanya. Fall out of love? Nagsawa? Hindi ko rin alam. Basta't unti-unti ko nalang naramdaman na iba na ako sa kanya. Hindi na ako naeexcite na makita siya. Hindi na ako napapangiti kapag nandyan siya. Hindi ko na siya namimiss kapag wala siya. Kung sakali man, hindi na kagaya ng dati.
Nagbago na ang lahat. Pero ang totoo ay ako lang naman talaga ang nagbago. Ganoon pa rin naman siya sa akin. Alam kong mahal niya pa rin ako.
Isang araw, nagpunta siya sa bahay. Hindi ko siya inaasahan kaya pagkakita ko sa kanya sa sala ay kumunot agad ang noo ko at sinabing, "Bakit ka nandito?"
Sa kabila ng coldness ko ay ngumiti lang siya at pinakita sa akin ang isang lunchbox. Nakaisip daw siya ng bagong dish at ako ang gusto niyang unang makatikim.
"Ba't hindi ka man lang nagsasabi bago ka pumunta? Hindi 'yong bigla-bigla ka nalang susulpot." irita kong sabi.
Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko dahil hindi naman big deal ang ganito noon. She's free to visit me whenever she wants. Aniya'y nagtext daw siya bago pumunta. Chineck ko ang phone ko, nag-scroll sa messages at nakita ko ang mensahe niyang hindi ko man lang pinagtangkaang buksan. Nasa bar kasi ako kagabi kaya kagigising ko lang. Sa kabila noon ay hindi siya nagalit.
Pinatikim niya sa akin ang niluto niya. Isang kutsara lang ang kinain ko. Naghihintay siya ng comment ko pero hindi ko siya pinansin. Sabi niya tikman ko daw ulit. Nilambing pa niya ako para lang tikman iyon pero dahil nakulitan na ako sa kanya, sinigawan ko siya at tinabig ang kamay niya. Nagulat siya. Umiyak. Hindi niya ako kinausap matapos iyon. Nakonsensya ako bigla kaya nang kinagabihan ay tinext ko siya ng "Sorry." Ganoon lang pero pinatawad niya kaagad ako.
Imposibleng hindi niya maramdaman ang pagbabago ko. Pero sa kabila noon ay hindi pa rin siya naging iba. Kung ano siya noon, ganoon pa rin siya ngayon. Nagagalit siya, nagtatampo. Pero hindi niya ako natitiis.
Inaamin ko, may iba na akong nagugustuhan. Mas maganda, mas sexy. Hindi pa man kami ganoon katagal magkakilala pero nakahalik na agad ako. Hindi pabebe. Hindi gaya ng girlfriend ko na bihira ko lang mahalikan at sa piling lugar pa. Pero dahil mahal na mahal ko siya noon, ayos lang sa akin. Sa babae ko ngayon nararamdaman ang kilig at saya na dati ay sa girlfriend ko nararamdaman.
Cold kung cold ako sa kanya. Pero bakit parang wala lang sa kanya? Oo, nakikita ko minsan na nasasaktan siya. Iyon nga ang gusto ko eh para siya na mismo ang makipaghiwalay sa akin. Iwas konsensya. Gago ako, e.
Isang araw, nagising ako na masakit ang ulo dahil sa gimik kagabi. Buong araw akong tulog. May gimik kasi ulit mamaya. Pagkagising ako ay tiningnan ko ang phone ko. May mga mensahe galing sa barkada, sa babaeng gusto ko, at sa girlfriend ko. Isa-isa ko iyong tiningnan.
'Pupunta ako dyan mamaya, love.' sabi ng girlfriend ko. Pero hindi ko iyon pinansin dahil wala akong pakialam. Mas importante ang babae ko at mas gusto ko siyang kausap kaya tinawagan ko siya. Nagmadali rin akong umalis ng bahay para hindi ako maabutan ng girlfriend ko. Una akong nakipagkita sa babae ko at sabay na kaming pumunta sa bar.
Habang nasa bar ako, vibrate nang vibrate ang phone ko. Nang makita kong ang makulit na girlfriend ko iyon, in-off ko ito dahil sa inis. Hindi ako gaanong uminom dahil masakit pa rin ang ulo ko dulot ng hangover kagabi. Gayunpaman ay nagpakasaya ako.
Pauwi na ako kasama ang babae ko. Malakas ang ulan kaya nagtaxi kami pauwi. Gusto ko sana siyang ihatid pero dahil mas malapit ang bahay ko kaysa kanya, nauna akong bumaba. Binaba niya ako sa tapat ng bahay. Hinalikan ko pa siya bago isarado ang pinto ng taxi.
Papasok na sana ako ng bahay nang bigla kong makita ang girlfriend ko na dahan-dahang naglalakad papalapit sa akin. Kanina ay nakasilong siya sa maliit na bubong sa may gate pero ngayon ay sinuong niya ang ulan. Kahit na madilim ay alam kong umiiyak siya. Nasasaktan. Nakita niya kami ng babae ko.
Umiyak siya nang umiyak. Pinaghahampas niya ako at tinanong kung bakit ko nagawa iyon sa kanya. She's in deep pain. May bahagi sa akin na nasasaktan para sa kanya. Pero naisip ko na hindi ko na dapat siyang pahirapan pa. Sinabi ko sa kanya ang lahat. Nakipaghiwalay ako.
Natahimik siya. Buhos lang ng ulan ang naririnig ko. Hanggang sa maya-maya ay humagulgol siya at nagmakaawang huwag ko siyang iwan. Mahal na mahal daw niya ako. Nararamdaman ko yung sakit niya pero ayoko na talaga. Kaya ang tanging isinagot ko sa kanya ay "Bahala ka."
Umalis na siya pagkatapos. Ni hindi ko siya hinatid sa kanila. Nakita ko ang isang box doon sa may kinatatayuan niya kanina. Kinuha ko iyon at binasa ang note na unti-unti nang nabubura dahil sa ulan.
'I baked this for you. Happy Anniversary, Love!'
Tangina. Anniversary pala namin. Bakit hindi ko naalala?
Binuksan ko ang box at nakita ang mga cupcakes na nalulusaw na. Nakita ko rin ang ilang balloon sticks sa sahig at ilang pumutok na lobo. Biglang pumasok sa isipan ko ang isang imahe---siya na hawak-hawak ang balloons at cupcakes habang nababasa ng ulan dahil sa maliit ang silungan. Kung ganoon ay hinintay niya ako kahit gabing-gabi na at umuulan pa para lang ibigay ang regalo niya? May kumurot sa puso ko pero binalewala ko iyon.
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Dalawa silang babae sa buhay ko. Hindi na nakialam ang girlfriend ko sa kung anuman ang gusto kong gawin sa buhay ko. Pero hindi pa rin niya ako iniwan. Nandito pa rin siya sa kabila ng sakit na binibigay ko.
Niyaya niya ako sa park isang araw. Bored ako at medyo nasa mood kaya sinamahan ko siya. Naglakad-lakad lang kami. Kwento siya nang kwento habang ako naman ay matipid sumagot. Nang mapagod ako ay nag-aya akong maupo.
Naupo kaming dalawa sa bench. Tahimik. Maya-maya ay tumayo siya at pumunta doon sa isang batang nadapa. Wala itong kalaro kaya siya ang nakipaglaro. Naghabulan sila sa harapan ko.
Nang mga sandaling iyon ay tila ba nag-slow motion ang lahat. Parang bumagal ang paligid. Nakatingin lang ako sa kanila na masayang naglalaro. Napatitig ako sa mukha niya. Walang bahid ng lungkot ang mga ngiti niya. Maging ang mga mata niya ay kumikislap. Huli ko siyang nakitang ganyan kasaya noong mga panahon pareho kaming masaya sa isa't isa. Simpleng effort ko lang masaya na siya. Simpleng banat ko lang nakangiti na siya. Siya iyong taong madaling pasayahin dahil alam mong mahal ka niya. Bigla kong naisip na ganyan kami sa future. Ang saya niya siguro na nakikipaglaro sa anak namin.
Bumalik siya sa akin nang may mahanap na bagong kalaro ang bata. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Dahil awkward, nagbiro nalang ako. "Iniwan ka na ng kalaro mo! Haha!"
Ngumiti siya. "Okay lang. Mas sasaya siya sa iba, e."
Hindi ko alam kung bakit pero parang pana ang sagot niya. Tinamaan ako.
Inaya niya ako sa may wishing fountain. Tumayo kami sa tapat ng tubig. Pinagsalikop niya ang mga kamay niya at pumikit. Muli akong napatitig sa kanya. Kailan ko nga ba siya huling napagmasdan ng ganito kalapit?
Bumalik sa ala-ala ko ang lahat. Naalala ko kung paano kami nagsimula. I missed her. Ang babaeng nasa tabi ko ngayon ay ang babaeng pangarap ko lang noon. Ang babaeng sinaktan ko ng sobra ay ang babaeng nananahimik ang buhay noon pero ginulo ko. Siya ang babaeng sinama ko sa mga pangarap ko. Siya ang babaeng laging nandyan para sa akin at kahit anong mangyari ay hindi ako iniiwan. Paano ko nagawang bitiwan ng ganoon kadali ang babaeng pinaghirapan kong makuha? Paano ko nagawang tumingin sa iba gayong nasa harapan ko lang naman ang babaeng totoong nagmamahal sa akin. Ang gago ko. Sinayang ko ang babaeng handa akong samahan habang-buhay para sa isang babaeng panandalian lang. Bakit ngayon lang ako nakapag-isip?
Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit habang sinasabing mahal ko siya. Halatang nagulat siya pero hinayaan niya lang ako. Tumutulo ang luha ko habang humihingi ng tawad. Ngayon sigurado na ako, siya na nga.
May mga panahon nga sigurong nakakaramdam tayo ng pagkasawa, pagkapagod. Ang kailangan lang natin ay pahinga, hindi ang maghanap ng iba. Hindi ka sasaya sa mga bagay na panandalian lang. Kailangan mo lang matutong mag-appreciate ng mga bagay-bagay. Subukan mong titigan ang mahal mo at isipin ang mga ala-alang binuo ninyo. Saka mo maiisip kung gaano ka kaswerte sa kanya.
I love her. Yes, love. And I will be loving her for the rest of my life.
BINABASA MO ANG
Confession of a Man
RomanceCompilation of One-Shot stories about a man's viewpoint in love. ...dahil gago sila.