Unheard LOVE

89 7 0
  • Dedicated kay Jhenx Castro
                                    

It came to my realization when i was still a chick in this cage, still innocent in the world of passionate and tender emotion. A lady never had been in love.

"My love in silence: I can't show you my admiration. I'm afraid"

Beep.....bEep.....beEp.....beeP.....beep.....

Paulit-ulit ng tumutunog ang alarm clock, ang sakit pa sa tenga nakakaasar! Sinubukan kong takpan ang aking tenga gamit ang unan sa aking higaan, pero habang tumatagal lalo naman itong lumalakas. Habang ako ay nakapikit gamit ng aking kamay ay kinakaplas ko kung nasaan yong orasan, pero bigo akong gumalaw dahil masakit ang aking katawan. Ang sabi ng isip ko ay kailangan ko ng imulat ang aking mga mata para makita kung anong bagay ang nagpapabigat sa aking katawan. Natatakot akong harapin ang reyalidad na aking haharapin kapag tuluyan ko ng binuksan ang aking mga mata.

"Yonnah!!" ayan nanaman ang nakakainis na tawag ni yaya Ising

Habang ako ay nakapikit naaalala ko pa ang mga sipa, sampal at panduduro ginawa nila. Hindi ko ipapakitang mahina ako dahil patuloy lang nila akong sasaktan, dalawang besis ko na rin silang hinayaan na ganoon ang ginagawa sa akin kapag nakikita nila ako. Dahil para sa akin ganoon lang ang alam kong paraan para hayaan nila ako sa paaralan. Nagpasya na rin akong bumangon para maghanda.

decent clothes?

check.

shoes?

check.

bag?

check.

books?

check.

"Yonnah darlin' hurry up or you'll be late for school" lola Elena calls

"coming!!"

powder?

check.

lip glose?

check.

handkerchief?

check.

comb?

check.

"Yonnah nasaan ka na bang bata ka bilisan mo malalate ka na!"

Kinuha ko na ang backpack ko sinuot sa aking balikat. Pababa na ako sa hagdan nakikita kong hinihintay na ako ni lola sa baba. May dala siyang paperbag malamang baon ko nanaman, ito ang problema ko ayos lang naman sa akin pero ang mga schoolmate ko lagi akong binubully dahil lang sa nagbabaon pa ako. Wala naman akong nakikitang mali pero bakit pinag-iinitan ako ng mga tambay sa school namin, hindi ko lang magawang maipagtanggol ang sarili ko kasi mahina ako. Ito ang mali ko mahina ako.

*school*

"nasaan na siya nakita niyo na ba?"

"doon tignan niyo."

"ang iba sa gate mag-abang, kayo roon sa parking lot."

"huwag kayong magpahalata."

"sigurado ka ba boss? baka mahuli tayo. makick-out pa tayo."

"sino ba ako rito?" Pagbabata ng isa sa mga siga nilang kamag-aral, na agad namang sinunod ng iba dahil na rin takot sila sa kanya.

"sige po boss. update ka na namin."

Pagdating ko sa school normal lang akong kumilos para hindi ako mapansin. Marami akong tanong kung bakit ako pinagtitripan ng mga school mate ko, wala naman akong alam na nakakaaway ko halos wala nga akong kaibigan sa school na napapasokan ko dahil kakalipat ko lang dito. Baka naman ganito lang sila magwelcome ng mga bagong studyante? Tahimik akong naglalakad papunta sa locker ko. So far so good sa buong araw ay walang nangyari. Maliban nalang sa nakita ko kanina bago mag-uwian ay may nagsusuntukan sa likod ng gym, natatakot akong lumapit dahil marami sila at babae ako, naaawa man ako sa lalaking pinagtripan nila hindi ko naman siya nagawang tulungan.

Unheard LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon