Sadist Ending (outspoken)

29 5 0
  • Dedicated kay Ma Janine Castro
                                    

*hospital*

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata, una kong napansin ang suero na nakakabit sa kaliwang kamay ko. Tumingin ako sa paligid para makita kung nasaan ako. Hindi ako pamilyar sa lugar ayoko rin ng amoy rito, pati ang higaan, kumot at unan ay hindi pamilyar sa akin. Inayos ko ang sarili ko para makaupo ng maayos ang naalala ko lang ay may tumama sa bandang leeg ko kaya nawalan ako ng malay. Ilang oras ba akong nakatulog?

"iha thanks God your awake, may masakit pa ba sayo darlin'?" nagaalala niyang tanong halatang galing sa trabaho dahil sa damit niyang suot. "manang Ising magmadali ka at tawagin mo na ang doctor" utos niya na agad sinunod.

"ayos lang po lola" naramdaman ko ang sakit sa bandang noo ko paghawak ko ay may benda na nakadikit sa kanang noo ko.

Pumasok na si manang Ising na may kasamang doctor na agad naman lumapit sa akin.

"nahihilo ka ba?"

"hindi ho."

"nasusuka?" umiling lang ako bilang sagot. May sinusulat siya na kung ano sa hawak niyang papel tapos ay kinausap na niya si lola.

Kinaumagahan ay hindi na ako pinapasok ni lola, sa sumunod pang araw ay hindi na rin niya ako pinapasok hanggang sa mga sumunod pang araw. Akala ko ay may kinalaman ang pagkaka-hospital ko kaya hindi ako pinapapasok nalaman ko nalang na inayos nila ang mga papel ko para ilipat ulit sa ibang eskwelahan.

Kararating lang namin sa bahay galing sa hospital at sa aking dating school na pinasokan. Nagpaalam ako sa school director at sa aming guro. Hindi na ako nagpaalam pa sa mga kaklase ko dahil wala naman akong kaibigan sa kanila isa pa gusto ko ng maka-uwi ng maaga. Pagdating namin sa bahay ay umakyat na agad ako sa kwarto ko para magpalit at magpahinga, pagkaupo ko sa upuan malapit sa bentana naalala ko yong lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko pa nalalaman ang pangalan. Bigla naman pumasok sa isip ko yong panaginip ko bago ako magising sa hospital, siya yon sigurado ako ginising niya ako sa panaginip ko.

Naramdaman ko ang hangin na dumadampi sa aking pisngi, biglang lumakas ang kaba sa aking dibdib. Kahit na ako ay hindi ko maipaliwanag kung bakit ko ito nararamdaman, basta ang alam ko lang sa tuwing iniisip ko yong lalaking yon ay nagkakaganito na ako.

***

Nakalipas ang isang linggo ay sa ibang eskwelahan na ako pumapusok may ilang kaibigan na rin ako sa loob ng dalawang araw, masaya pala ang ganitong pakiramdam. May magandang naidulot sa akin ang nangyari, bukod sa hindi na ako palipat-lipat ng pinapasokan ay may bago na akong kakilala. Mula noong umalis ako sa dati kong pinapasukan ,hindi maalis sa isip ko yong lalaking yon kaya paminsan-minsan ay dumadalaw ako sa dati kong eskwelahan para lang makita siya na hindi nalalaman ni lola at ng iba pa. Tanging ang driver lang namin ang nakaka-alam, nagpapasalamat nalang ako dahil hindi siya nagsusumbong kay lola. Nalaman ko rin na lalong naghigpit ang pagbabantay nila sa school nung araw na umalis ako. Dalawang buwan na rin ang nakalipas at ganito ang aking ginagawa, hindi naman ako lumalabas ng sasakyan kaya hindi ako napapansin ng iba.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kapag patago ko siyang tinitignan. Isang araw nagsalamin pa siya sa gilid ng sasakyan namin, wala siyang pasa hindi gaya ng dati. Gusto ko sanang mahawakan ang mukha niya kahit na alam ko na malabong mangyari. Ewan ko ba pag nakikita ko siya iba ang pakiramdam ko. Lalo na noong sa malapitan ko siya nakita black tinted kasi yong sasakyan kaya hindi niya makikita kung may tao sa loob o wala. Hindi ko alam na ito na pala yong huling araw na makikita ko siya. Isang linggo akong nagpabalik-balik sa dati kong pinapasokan pero hindi ako lumalabas ng sasakyan pero this time dinala ko pa yong dati kong uniform para makalabas ako at ipagtanong siya.

Una ay nahihiya pa akong magtanong, kaya pumasok ulit ako sa sasakyan. Pangalawa lalabas na sana ako pero nakita ko yong grupo ng mga lalaki na mahilig mambully kaya hinintay ko muna na makalayo sila. Sinigurado ko muna na malayo na sila bago ako lumabas, pagbaba ko ay nilapitan ko yong isang babae na mukhang ka-edad ko para tanungin siya.

Unheard LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon