Teaser

7 0 0
                                    


"Ano nakita nyo na ba yung babae ?" Walang tigil sa pag patak ang kanyang luha sa pisngi habang pinagkakasya ang sarili sa masikip na espasyo sa gilid ng basurahan , upang di lamang sya makita ng mga lalaking humahabol sakanya .




"Malilintikan tayo nito kay boss"
Sabi ng isa sa mga humahabol sakanya .



Hindi nya alam kung ano ang gagawin . Lumuwag na lamang ang kanyang pangamba ng makarinig sya ng papalayong yabag ng paa , ngunit hindi pa man masyadong nakakalayo ang mga ito ng biglang may malambot na bagay na sumiksik sakanyang paanan , napasigaw na lang sya ng mapagtanto na isa itong daga , tinakpan nya kaagad ang kanyang bibig , ngunit huli na ang lahat dahil narinig nya ang halakhakan ng mga ito na papunta na sa gawi nya .

Kaagad na man syang tumakbo

upang makatakas sa mga ito .
"Hahaha miss wag ka ng tumakbo" takbo lang sya ng takbo habang naghahalo na sa kanyang muka ang luha at pawis .

"Huli ka" nagulat sya ng may humawak sa kanyang mga braso. Tinignan nya ang ayos nito , malaki ang katawan , maitim ang kulay ng balat , namumula ang malalaking mga mata at may mala demonyong ngiti sa muka.

"Aaaaaah! kuya maawa na po kayo saakin wala na man po akong kinalaman sa utang ng aking tiyo" nangingiusap ang kanyang mga mata , binalewala lang iyon ng lalaki at patuloy pa rin sa paghila sa sakanya.

Nagsilabasan naman ang iba nitong kasamahan mula sa kung saan "Buti naman at nakita mo na yan" bumaling ito sakanya at sinabing "tsk! Sayang ka pa naman miss , dahil sa ginawa mong pagpagod sa amin ikaw naman ang papagurin namin" sabay ngiti na mala demonyo. "Magtigil ka nga muna sa kamanyakan mo Goyo , baka nakakalimutan mo kay boss ito" sabi ng lalaking may hawak sakanya. Napamura nalang sa hangin ang naunang nagsalita.

Wala syang magawa kung di ang magpumiglas at umiyak. Sinusubukan nyang kumawala sa pagkakahawak ng mga ito ngunit sadyang malalakas talaga ang mga ito.

"Kung di lang sana sugarol yang tiyo mo edi wala syang utang na aabot ng milyon , akala mo kung sino wala namang sinabi " mahabang lintanya ng lalaking makapal ang bigote at naka sumbrero.

"Sana pag natapos si boss dito baka pwedeng ipahiram sa atin , ang ganda , ang kinis ang bata pa !! Pres na pres !!
"HAHAHAHAHAHAHA" para syang binuhusan ng yelong may tubig sakanyang narinig , nanlalambot ang kanyang tuhod nawawalan na sya ng lakas.

Diyos ko tulungan niyo po ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ApolloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon