Hi! pagpasensyahan niyo na po yung kwento ko, there is no POV(person on voice)(point on view of the characters)here, just an author telling a story, and this is my first time writing a story hope ya like it!! So here it goes...
"Ikaw? Ikaw si Jessica Sanguyo?" tanong ni Weng.
Kumurap-kurap pa si Weng. Hindi kasi siya makapaniwala. Ilang araw na niyang pinaghahanap ang maay-ari ng pangalang ito: Jessica Sanguyo Sinubukan na niya ang telephone directory. PLDT at Bayantel. Luma at bago. Inisa-isa niya ang mga Sanguyo doon pero walang nakakakilala sa Jessica Sanguyo na ito. Pati sa Internet wala rin . Hirap na hirap na siya. She was about to give up . Pero ngayon nga, parang binagsak ng langit. Nasa harap na niya si Jessica Sanguyo!
Mamasa-masa ang mata ni Weng sa galak. "Nagkaroon ka ba ng laruang sungka dati?" tanong niya sa kaharap.
"Ha? Kasali po ba to sa interview?" tanong-sagot ni Jessica. Weird naman. Ganito na pala ang tinatanong ngayon ng mga taga-HRD sa aplikante, naisip niya. "Eh, nagkaroon po. Pero bata pa ako noon, Ma'am. Mga 8 years old pa lang po ako noon. Hindi ko na nga po alam kung nasaan na yun ngayon eh. Pero marunong pa rin po ko magsungka. Bakit po?"
"Kailangan mong sumama sakin. Ngayon na!"
"Ho?"
Mabilis na inilapag ni Weng ang mga biodata ng iba pang aplikante sa fast food chain na pinagtatrabahuhan niya. Nagmadali siya papalabas ng pinto tangay-tangay ang sariling bag. Napalingon si Jessica sa iba pang mga nasa loob ng opisina. Blangko rin ang mga mukha nito. Kaya kahit naguguluhan, sumunod siya kay Weng. Lumabas na rin siya ng opisina.
Sa tapat ng elevator, naabutan niya si Weng na paulit-ulit na pinipindot and DOWN.
"Ma'am, saan ho ba tayo pupunta? Kasi po mag-a-apply pa ako sa isa pang opisina diyan sa dulo ng Ortigas," tanong ni Jessica. Noon lang niya napansin, kahit na maganda ang babaeng kaharap niya, mukhang kulang na kulang ito sa tulog. Malaki at itim na itim ang eyebags nito, kulubot ang noo. Parang may malaking problema.
"Sa bahay ko , Jessica. I'm Rowena Bonina, Weng nalang ang itawag mo sakin. Can I call you Jes? Jes, nakabili ako 'ng sungka sa isang second hand shop. May nakaukit na pangalan mo sa ilalim ng sungka. Kaya kailangan mong sumama sakin. Kung hindi, may masama na namang mangyayari. Buhay ng ate ko ang nakataya rito!" nandidilat ang mata ni Weng. Bigla ring dumilat ang pinto ng elevator.
Ting!
******
Sa taxi papunta sa apartment ni Weng, ipinaliwang niya ang lahat.
"Jes, hindi ko alam kung anong meron ang sungka mo. Pero mula nang laruin ko yan, lahat ng kalaro ko, namamatay. Una, ang kaibigan kong si Hanna. Meron siyang leukimia. Nagsu-surivive siya tulong ng gamot, doktor, mga operasyon.
"Last week, naospital na naman siya kaya dinalaw ko. Bitbit ko nga itong sungka. Natuwa siya pagkakita rito. ang sigla-sigla pa niya nung naglalaro kami. Subi kasi siya ng subi.
"Tapos, may nurse na dumating. Tuturukan ng gamot si Hanna. Lumabas ako. pagkabalik ko, nga after 15 minutes, ayaw na niyang maglaro. Nahilo raw kasi siya sa gamot. Hindi na namin natapos ang sungka. Nagkwentuhan na lang kami.
"Kinabukasan, I got a call from his brother. Patay na raw si Hanna. Shocked ako. The doctors were still tracing the real cause of his death. Ngataka rin sila., HIndi naman daw inatake ng sakit that night. At kung ikukumpara naman daw sa mga dating pagkaka-osputal niya, hindi naman daw to ang pinakagrabe. Kaya kahit may taning ang buhay ni Hanna, hindi siya basta-basta mamamatay. Unexpected talaga.